Mae Paner balances themes of corruption with sex and comedy in Juana C the Movie

The sex comedy Juana C. The Movie is topbilled by (L-R) Mae Paner, John James Uy, and Niño Muhlach. (View photos: Juana C. The Movie premiere night)


Ginanap noong May 28 ang premiere night ng Juana C. The Movie, ang bagong sex-comedy film ni Juana Change sa SM Megamall Cinema 8 sa Mandaluyong City.

Successful ang premiere night dahil napuno ang sinehan, at dumalo rito ang ilan sa mga malalaking pangalan sa showbiz at pulitika. Ilan dito sina Noel Cabangon, Jim Paredes, Ronnie Lazaro, Stages Talent Management Head Carlo Orosa, theater actor and director Audie Gemora, Presidential adviser Neric Acosta, Comelec commissioner Grace Padaca, Department of Education Secretary Armin Luistro, Risa Hontiveros, at broadcaster Cheche Lazaro.

Si Juana Change ay isang kilalang political satirist na sumikat dahil sa kanyang mga viral videos na tumatalakay sa ilang mga isyung politikal, tulad ng eleksyon at Reproductive Health Bill.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mae bago ang film showing ay nagpasalamat siya sa mga dumalo rito.
“Siyempre na lang ano, nakikita ko lang ang pagpapahalaga nila sa advocacy ng Juana Change. Madali lang namang i-ignore ka lang, e. Because of the fact that they’re here with me means a lot to me,” saad niya.

Ang karakter ni Juana Change ay binuo ng award-winning screenwriters at filmmakers na sina Raymond Lee at Rody Vera. Ang theater actress na si Mae Paner naman ang gumaganap bilang si Juana Change.

Tulad ng kanyang mga viral videos, tinatalakay ng pelikula ang mga seryosong isyu tulad ng korupsyon. Bakit kaya sex comedy ang napili nilang tema para talakayin ang mga ito?

“Sex is good. Siyempre, heavy na yung mga eksena ng corruption and politics, kaya nilagyan naman namin ng comedy at sexy scenes,” paliwanag niya.

Biro pa niya, “Ang pelikulang maraming pasabog ay bomba film. Ano ako? Bomba star.”

Ang leading man ni Mae sa pelikula ay ang sexy actor na si John James Uy. Kuwento ng comedy actress, magaan namang katrabaho ang model-actor.
“It’s fun to work with him. Siyempre, hindi ako katulad ng mga karaniwang leading ladies kasi mataba ako at saka butas-butas ang mukha ko, pero he was nice to work with,” pahayag ni Mae.


AFTER THE MOVIE. Nakapanayam din ng PEP.ph si Mae matapos maipalabas ang pelikula. Dito ay ipinahayag niyang matagumpay raw ang screening.

“Very affirming, the reaction that I got from the audience. This goes to show na tama kami na nagdesisyon kami na gumawa ng pelikula,” sabi niya.

Pakiramdam niya raw ay tila nanganak siya dahil nairaos na rin ang premiere night.

“Oo, nanganak na. Parang, we've been waiting to exhale, and finally, the moment has come. And getting this kind of feedback from the people is truly heartwarming. I take it a day at a time. But based on the reaction from them, I am truly happy,” saad ni Mae.


Matapos ng premiere ay tuloy-tuloy ang pagpo-promote ng pelikula na kasalukuyang pinapalabas sa mga sinehan.

Ngunit handa na ba siya sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pelikula, kung mayroon man?

“Of course naman,” ang matapang niyang sagot. “I mean, I don’t expect everybody to love it. That would be so strange. There would be people who will like it, and there would be people who will hate it. But of course, I hope that there will be more people who will like it, more than those who hate it.”

Dagdag pa niya, “There should be more discourse about the movie, and criticism is part of it. We welcome that.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN