Vic Sotto, Vice Ganda, Bong Revilla, Robin Padilla movies lead entries submitted to MMFF 2013

Kabilang sa mga pelikulang nagsumite ng entries para sa Metro Manila Film Festival 2013 ay pagbibidahan nina Vic Sotto, Vice Ganda, Bong Revilla, at Robin Padilla.


Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng listahan ng mga isinumiteng entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Sa kabuuan ay labinlimang pelikula mula sa iba't ibang film companies ang umaasang makasama sa final entries para sa taunang film festival.

Walong pelikula ang pipiliin mula sa mga pelikulang ito.

Kagaya noong mga nakaraang taon, may entries ang "MMFF regulars" na sina Vic Sotto, Bong Revilla Jr., Kris Aquino, Jeorge Estregan Jr., at Vice Ganda.

Dalawa naman ang entries ni Robin Padilla; samantalang nagbabalik sa MMFF sina Maricel Soriano at Eugene Domingo.

Karamihan ng mga entry ay pagbibidahan ng Kapamilya stars, ngunit may entries din na ang mga bida ay mula sa Kapuso network.

Kapansin-pansin din na wala na ang sequels ng MMFF staples na Enteng Kabisote, Agimat, Panday, at Shake Rattle & Roll. Bagamat may entries pa rin ang mga bida ritong sina Vic (Enteng Kabisote)at Bong (Agimat, Panday).

Ang nag-iisang sequel/prequel ngayong taon ay ang Kimmy Dora na first time isasali sa MMFF.

Sa kabuuan ay puro mga orihinal na materyal ang kalahok ngayong taon.

Narito ang 15 entries para sa MMFF 2013.

1. Kaleidoscope World (Melcor Enterprises) — Starring Sef Cadayona and Yassi Pressman

2. 10,000 Hours (Phil Film Studio) — Starring Robin Padilla

3. Ibong Adarna (Gurion Entertainment) — Starring Rocco Nacino, Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro

4. San Pedro Calungsod, Batang Martir (Hubo Productions) — Starring JM de Guzman, Christian Vasquez

5. Boy Girl Bakla Tomboy (Viva Films and Star Cinema) — Starring Vice Ganda and Maricel Soriano

6. Be Careful With My Heart (ABS-CBN Productions Inc.) — Starring Richard Yap and Jodi Sta. Maria

7. Pagpag (ABS-CBN / Skylight / Regal) — Starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

8. Sa Ngalan Ng Ama, Ina at Mga Anak (Kuratong Baleleng) — Starring Robin Padilla, Daniel Padilla, and Mariel Rodriguez

9. Kimmy Dora prequel (Spring Films) — Starring Piolo Pascual and Eugene Domingo

10. My Super Kap (Imus Production) — Starring Bong Revilla, Ogie Alcasid, and Toni Gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

11. Torky And My Little Bossing (OctoArts / MZET /APT / Kris Aquino Production) — Starring Vic Sotto and Kris Aquino

12. Hope In A Bottle (Quantum) — Starring Ruffa Gutierrez, Maja Salvador, Angeline Quinto

13. Everybody Loves (Gung Ho Films Manila) — Starring Jake Cuenca, Jericho Rosales, Megan Young, and Maja Salvador

14. Boy Golden (Scenema Concept Intl.) — Starring Jeorge Estregan Jr. and KC Concepcion

15. Kulay Abo Ang Langit (Hubo Productions) - Starring Carla Abellana, Diether Ocampo, Cherie Gil and Matteo Guidicelli


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN