Vilma Santos on Ekstra co-star Marian Rivera: “Masaya ako na may nabuong friendship at saka ‘yong closeness.”

Vilma Santos points out that big stars played an important role in her first indie film Ekstra, “Kailangan makasama namin ang mga sikat na artista para mas lumitaw po ang pagkaekstra ko. Kasi, hindi lilitaw ang pagkaekstra ko kung hindi lilitaw ang mga big stars.” (Read:


Malaki ang pasasalamat ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa mga kilalang artista na pumayag maging bahagi ng first indie film niyang Ekstra.

Sa August 8 press conference na inihanda ng Star Cinema para sa cast ng Cinemalaya 2013 entry, inihayag ni Vilma ang kahalagahan ng mga big stars sa pelikula.

Aniya, “Kailangan makasama namin ang mga sikat na artista para mas lumitaw po ang pagkaekstra ko.

“Kasi, hindi lilitaw ang pagkaekstra ko kung hindi lilitaw ang mga big stars.

“Thank you sa lahat ng mga nakasama ko.”


(Read:
MOVIE REVIEW: Vilma Santos is the ultimate bit player in the dramedy Ekstra)

Ilan sa mga kilalang artista na nakasama sa Ekstra ay sina Marian Rivera, Cherry Pie Picache, Eula Valdes, Cherie Gil, at Pilar Pilapil. Magkakaroon ng regular run ang Ekstra simula August 14.

Espesyal na pasasalamat rin ang binigay ni Ate Vi sa Kapamilya prime actor na si Piolo Pascual, na gumanap bilang anak niya sa pelikulang Dekada ’70 noong 2002.

“The time na na-shoot namin si Piolo galing pang Bataan.

“From Bataan, pumunta siya ng Calatagan [Batangas] para lang magawa niya ‘yong role na kakailanganin sa kanya sa indie film na Ekstra.

“So, to my son Piolo, maraming-maraming salamat.”

Naging espesyal din daw ang pagsasama nina Ate Vi at Marian Rivera, na naging ka-partner ni Piolo sa fictional teleserye na tampok sa Ekstra.

Ayon kay Ate Vi, “Si Marian Rivera, hindi pa kami nagkasama at hindi pa rin kami nagkita. That was the first time. Pero alam namin is a big star.

“Noong sinabi ni Atty. Joji [Alonso, producer] na si Marian ang isa sa mga malalaking artista, she was the one who agreed na makasama siya sa Ekstra with Ate Vi.

“Kay Marian, sobra ang pasasalamat. She didn’t ask anything in return. That’s why noong magkita-kita kami sa set, ako talaga ang pumunta sa kanya personally para mag-thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil daw dito, buong pagmamalaking sinabi ni Ate Vi sa entertainment press, “Alam n’yo ba na hanggang ngayon ay textmate ko siya? Ka-text ko lang siya kagabi.

“Masaya ako na may nabuong friendship at saka ‘yong closeness.”

SPECIAL REQUEST. Samantala, hindi naman naitanggi ng batikang aktres na personal niyang hiniling na maging bahagi ng Ekstra ang Kapamilya star na si Richard Yap.

“Si Papa Chen, special request ko na po ‘yon,”

“Sabi ko kay direk, ‘Direk, ang dami nating big stars, baka pwede namang lumabas dito si Sir Chief.

“Kasi fan ako ng Be Careful With My Heart.

“Kapag day-off, nasa bahay lang ako, nanonood ako talaga and nai-in love ako sa character nilang dalawa ni Jodi Sta. Maria.’

Sa huli, muling nagpasalamat ang award-winning actress sa lahat ng mga kilalang artistang naging bahagi ng Ekstra.

Aniya, “Sa lahat po ng big stars, mga kaibigan ko na talagang nagbigay ng oras nila para mabuo ‘yong Ekstra, kung wala sila, hindi mabubuo [ang pelikula].

“From the bottom of my heart, maraming-maraming salamat po.”


In the 9th edition of the Cinemalaya Independent Film Festival, Ekstra was able to win six awards, including Best Actress for Ms. Vilma. Directed by Jeffrey Jeturian, Ekstra was chosen as the recipient of the Special Jury Prize and the NETPAC Award. Ruby Ruiz, who portrayed a talent coordinator in the film, bagged the BEst Supporting Actress plum. Zig Dulay, Antoinette Jadaone and Jeffrey Jeturian also earned the Best Screenplay award.


(Read: Vilma Santos, Irma Adlawan emerge as Best Actress winners in Cinemalaya 2013)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN