Wenn Deramas’s Bekikang now a movie instead of a teleserye; lead role first offered to Dingdong Dantes

Wenn Deramas (middle) says he is proud of doing Bekikang in spite of similarities with Ang Tatay Kong Nanay: “Naulit ko yung akala ko, hindi ko na magagawa ulit na klase ng pelikula.” Dingdong Dantes was supposed to be the leading man of Joey Paras (left) in Bekikang but Dingdong suggested Tom Rodriguez (right) instead.


Hindi natuloy ang orihinal na plano ni Direk Wenn Deramas na gawing isang teleserye ang Bekikang.

Pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya ituloy na mapagbidahan ni Joey Paras ang kanyang pelikula.

Kung hindi man natuloy sa telebisyon, inilaban pa rin niya at masasabing isinugal na nagawa naman ng Viva Films na isang pelikula.

Masasabing tama lang na itinuloy at ipinaglaban ni Direk Wenn ang kuwento niya na maisa-pelikula pa rin.

Sabi ni Direk Wenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko na inisip lahat yun.

“Basta ang nangyari, nang hindi matuloy bilang teleserye, ang inisip ko, mas may magandang balak ang Panginoon.

“Kung sa TV, iba yun, e. Hindi ko mine-menos ang mga nagre-reyna at nagha-hari sa telebisyon.

“Pero, kapag nakapagpa-tabo ka sa takilya at napapasok mo ang mga taong manonood at nagbayad ng P200, ibang klase yun.”

Ayaw na rin sagutin ni Direk Wenn kung may dapat nga bang panghinayangan ang ABS-CBN ngayong pelikula na ito.

Aniya, “Nagka-ayos-ayos kami, sana three months ago ang tanong.

“Pero natutuwa ako dahil nagka-textan kami at susuporta sila para sa promo. Solong Viva kasi ito.”


FIRST CHOICE. Ayon kay Direk Wenn, sa GMa Network Primetime King na si Dingdong Dantes daw sana nila unang inalok ang pagiging leading man ni Joey sa Bekikang.

Pero hindi raw pupuwede ang schedules ni Dingdong.

“Aminin na natin na kay Dingdong Dantes talaga unang in-offer ang Bekikang, kaya lang, hindi talaga kaya ng schedule ni Dong.

“Parang tatlong araw lang yata ang kayang ibigay.

“Tapos, naka-receive ho ako ng text ng mga 1:30 ng madaling-araw na sinasabi niyang si Tom Rodriguez daw ang gusto niya.

“Na agad-agad naman ho, hindi ko tinutulan. Pinorward ko agad sa Viva…

“Kina Tita June [Rufino], na inoohan din naman agad ng Viva, ni Boss Vic [del Rosario], ni Tita June si Tom Rodriguez.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HOMOPHOBICS. Bilang director, naranasan na rin ni Direk Wenn na mag-handle ng mga artista na “nag-iinarte” sa mga bading o may pagka-against sa bading.

Yung mga ganoong situwasyon, ano ang ginagawa niya?

Kuwento niya, “Nag-aaway… batang-bata si Amir, si Carlos Agassi, meron lang siyang naikuwento sa akin, encounter niya sa isang bakla.

“E, sa akin niya ibinibida na hindi maganda yung naging ano… then, yung nanuntok ng isang bakla, sobrang best friend ko rin.

“Si Lee Robin Salazar, sobrang binungangaan ko na nagwala siya, hindi ko makuha yung point niya.

“Mahal na mahal ako noon, e, bilang isang kaibigan.

“At ang akala nila siguro, sa sobrang friendship, lalaki na rin ako or hindi ako baklang nangha-harass din sa kanila.

“Ang lagi kong pinapaalala, in every masasakit na salitang sinasabi o binabato nila sa bakla, bakla rin ako. Yung ganoon.”


SIMILAR THEME. Ang Bekikang ay may pagkakahawig sa naging pelikula ni Dolphy noon na Ang Tatay Kong Nanay (1978).

Gumanap na anak ni Dolphy sa pelikula ay ang dating child star na si Niño Muhlach.

May “conscious effort” ba sa parte ni Direk Wenn na ilapit ang kuwento ng Bekikang dito?

“Oo, hindi maiiwasan dahil may ganoong pelikula si Mang Dolphy…

Ang Tatay Kong Nanay na talaga rin naman na nagpadugo ng puso ko noong pinapanood ko.

“Kaya lang, siguro sa isang bakla na nagkaroon at nag-ambisyon na magkaroon ng isang pamilya at sariling anak, yun lang siguro ang pagkaka-pareho.

“Pero, the rest na nangyari sa kuwento ni Bekikang, hindi.”

Dugtong pa niya, “Kaya ko rin nasabing paborito ko ‘to, kasi, yung timpla na nagawa ko sa Tanging Ina (2003), hindi ko rin naulit.

“Yung sa iisang eksena na tumatawa at umiiyak ka, hindi ko ho naulit sa kahit anong pelikula ko yun, e.

“Pero rito sa sa Bekikang, naulit ko yun habang umiiyak ang tao—nalilito na siya, e, puma-punchline siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung punchline nakakatawa, pero yung emosyon, nakakaiyak. So, pang-addict. Yung ganoon.

“Tawa, iyak, iyak, iyak, tawa—mental! Kaya ibang klase yung saya, yung joy na naramdaman ko noong manood ako noong Sabado.

“Kasi, naulit ko yung akala ko, hindi ko na magagawa ulit na klase ng pelikula.”


FAVORITE MOVIES. Sa pagsasabi niyang Tanging Ina 1 ang pinaka-paborito niya at pumapangalawa na ang Bekikang ni Joey, hindi kaya magtampo si Vice Ganda?

“Pangatlo!” natatawang pahabol niya.

“Noon pangalawa, ngayon, naging pangatlo. Pero napaka-mature ni Vice, e.

“Ibig sabihin, matalino si Vice, naiintindihan niya yun, e.

“Matagal-tagal din after ng Tanging Ina, wala rin namang nakapalit sa puso ko sa Tanging Ina… at alam yun ni Vice.

“Palagi kong sinasabi kapag tinatanong niya ako kung ano ang paborito ko, sisimangutan ako noon kasi, palagi kong sinasabi, Tanging Ina 1.

“Tapos, number two nga yung Praybeyt Benjamin dahil iba rin ang experience ko sa Praybeyt Benjamin at kauna-unahang pelikula na naka-300 million [pesos].

“So, ibang experience yun, nararamdaman ko. Malay ninyo, kapag kumita rin ‘to, maging number three rin si Joey sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

“Balimbing ho ako, balimbing ho ako by nature.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN