Bekikang director Wenn Deramas misses movie premiere due to mild stroke

Maricel Soriano (left) and Joey Paras (right) graced the Bekikang movie premiere at SM Megamall. Maricel said about director Wenn Deramas who suffered a mild stroke recently, “Wala siya physically dito, pero emotionally and mentally nandito siya.”


Bagamat absent ang kanilang direktor, masaya pa ring dinaluhan ng cast members ng movie premiere ng Bekikang noong October 22 sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Hindi nakadalo ang comedy movie director na si Wenn Deramas dahil nagkaroon siya ng mild stroke kamakailan at nasa ospital pa rin para magpagaling.

Pinangunahan ng bidang si Joey Paras ang mga artistang dumalo sa nasabing premiere night.

Kasama niyang rumampa sa red carpet, at tila humalili na rin kay Direk Wenn, si Diamond Star Maricel Soriano.

Si Maricel ay bahagi na ngayon ng Viva Artist Agency. Ang Viva Films ang producer ng unang mainstream movie ni Joey na Bekikang.

Sa maiksing panayam kina Joey at Maricel bago sila pumasok sa sinehan, pareho silang nagbigay ng mensahe para kay Direk Wenn.

Sabi ni Joey, “Direk Wenn, alam ko gustung-gusto mong ipalabas na [ang Bekikang].

“Ito, palabas na ang pelikula natin.

“Laban nating lahat ito. Ito si Inay Mary, o, ikaw lang ang absent.

“So, sana magpagaling ka at saka para sa’yo ang success ng Bekikang dahil ikaw ito.”

Para naman kay Maricel, “Wala siya physically dito, pero emotionally and mentally nandito siya. Kasi siya ang may pakana nang lahat ng ito.

“Alam nating lahat ‘yan, di ba? So, get well soon.”

Ilan pang artistang dumalo na kasama sa cast ay sina Tom Rodriguez, Nikki Valdez, Malou de Guzman, Carla Humphries, at Manuel Chua.

Kabilang din ang dalawang komedyanteng madalas napapasama sa mga pelikula ni Direk Wenn na sina Lassy at Atak Arana.

Nagbigay suporta naman ang ilang artista ng fantasy series ni Direk Wenn na Galema: Anak ni Zuma sa pamamagitan ng pagdalo sa movie premiere ng Bekikang.

Kabilang dito sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Carlo Morales, Rubi Ruiz, Meg Imperial, at Tippy Dos Santos.

Si Iza Calzado ay kasamang dumating ni Tom sa premiere night. Ang aktres ay dating nakatrabaho ni Direk Wenn sa ABS-CBN drama series na Kahit Puso’y Masugatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN