Tom Rodriguez enjoys shifting to comedy for indie film Gaydar


Si Tom Rodriguez ang isa sa mga bida ng indie film na Gaydar, na ipapalabas sa mga sinehan simula bukas, November 13.

Ang Gaydar ay kalahok sa 2013 Quezon City Film Festival na pinagbibidahan rin nina Rafael Rosell at Pauleen Luna.

Sa direksyon ni Alvin Yapan, ang romantic comedy na ito ay kuwento ng isang babae na nauuwing makipagrelasyon sa mga bading.

Kuwento ni Tom tungkol sa indie film, “Comedy siya, rom-com [romantic comedy] na light lang.

"Naka-contrast siya sa MHL [My Husband’s Lover].

“Pero, gusto ko rin maka-try ng indie na heavy drama.”

Pareho ba silang bading ni Rafael sa pelikula?

Tugon niya “Hindi. Akala lang ni Pauleen, bading. Actually, yun ang magandang twist.

“Si Raf, best friend niya, akala niya, all along bakla. Pero, hindi niya alam, may crush pala sa kanya.

“Ako naman, ako yung nagda-drive sa kanila na FX driver.

“Nabigo na kasi si Pauleen na ang mga nagugustuhan niya, bakla pala. So, yun ang ikot ng kuwento.”

Refreshing daw kay Tom na hindi siya bading sa karakter niya ngayon.

Sabi niya, “Yes, pero, mas refreshing na light lang ang role. Hindi ganoon ka-[heavy].

“Kasi, ginagawa namin ito, kasabay ng MHL… galing ka sa iyak-iyak, tapos kinabukasan, at least, tawanan naman.

“Hindi naman ganoon kabigat ang mga eksena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN