Niño Muhlach: “Hindi naman ako umaasa na magiging superstar ako uli tulad noong araw."

Former child wonder Niño Muhlach agreed to play a gay role in the indie film Slumber Party, which will have its regular run in cinemas starting November 27, 2013.



Hindi nagdalawang isip si Niño Muhlach na tanggapin ang role ng isang bading sa indie movie na Slumber Party.

Ayon sa dating showbiz child wonder, tinanggap niya ito matapos banggitin ito sa kanya ni Emmanuel Dela Cruz, ang nag-direk ng naturang 2012 Cinema One Originals entry.

“Gusto ko iyan. I want to challenge myself,” pahayag ni Onin (palayaw ni Niño) nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa November 22 presscon ng Slumber Party na ginanap sa Cucina ni Bunso restaurant.

Itong ang unang pagkakataon na tumanggap si Onin ng gay role sa isang indie film.

Ang Slumber Party ay magkakaroon ng regular run sa cinemas nationwide starting this Wednesday, November 27.

Pati ang mga bida na sina RK Bagatsing, Markki Stroem, at Archie Alemania ay gumanap na mga bading sa comedy film na ito. Sila ay mga gays na nanonood ng Miss Universe pageant nang biglang may pumasok na frat boy (played by Sef Cadayona) sa loob ng tirahan kunsaan ginagawa nila ang kanilang slumber party.

Kuwento ni Onin tungkol sa pelikula niya: “Pati ang pagda-dialogue ko ay parang bading din. Kung paano magsalita ang bading, ganun din ako kung magsalita.

"Para di ako masyadong mahirapan sa dialogue, ini-record nila ang mga lines ko para may guide on how I should deliver them.

“It was a real challenge for me pero I enjoyed it so much. Kailangan i-feel ko na bakla talaga ako. One more thing why I decided to accept the role kasi comedy naman ito and hindi naman sa sex ang thrust ng movie. Natural lang ang portrayal ko ng bading.”

Sabi pa ni Onin, at this stage of his career, mas gusto niya na gumawa ng pelikula na edgy ang dating. Nais rin niyang gumanap ng mga karakter na ayon sa kanya ay hindi niya siguro tatanggapin years ago.

Earlier this year, napanood si Onin sa Erik Matti film na On The Job kunsaan isang drug lord ang kanyang papel.

Masaya si Onin sa mga roles na dumarating sa kanya.

“Hindi naman ako umaasa na magiging superstar ako uli tulad noong araw.

"Once you’ve reached the top, there’s no way to go but down. Naranasan ko na how it was to be on top. So ngayon, mas choosy na ako sa projects. Basta gusto ko and I feel na I will be challenged by it, gagawin ko ito,” sabi pa ng dating boy wonder ng Philippine showbiz.

“Tignan mo sa OTJ [On The Job], ang role ko ay drug lord. Maiisip mo ba ako na lumabas na isang drug lord, e, ang liit ko? Pero napanindigan ko naman.

"Doon naman sa Juana Change The Movie, nagpakita naman ako ng puwet. Kaming dalawa ni Mae Paner may love scene pero sa halip na mandiri ka, matatawa ka,” sabi niya.

Okay lang sa kanya na muling tumanggap ng gay role basta maganda ang role at maganda ang script.

“Ang ayaw ko lang naman sa gay film ay kung ginagawa ito for prurient interest. Yung bang parang gagawa lang indie film para makapaglandi? Ayoko ng mga ganoon,” diin niya.

Aside from doing indie films, abala rin si Niño sa pagdidirek ng stage plays. Inaasikaso rin niya ang negosyo nilang bakery, ang Megamelt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN