Daniel Padilla and Kathryn Bernardo lead cast of Metro Manila Film Fest horror entry Pagpag

Pagpag, Siyam Na Buhay—starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo—depicts the Filipino superstitious beliefs associated with deaths and funerals.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN, published as is:


Kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo nito, muling magsasama ang Star Cinema at ang Regal Films sa darating na holiday season. Pinagsama ng dalawang higanteng film companies ang hottest young stars sa bansa ngayon sa Pagpag, Siyam Na Buhay—ang pinaka-malaki at pinaka-nakakatakot na pelikula ng taon.

Ang Pagpag ang kaisa-isang horror movie na lalahok sa pinakahihintay na 39th Metro Manila Film Festival na magaganap ngayong Disyembre. Pinagbibidahan ang pelikulang ito nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Paolo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado kasama sina Matet De Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus Del Prado, at Marvin Yap.

Sa direksyon ni Frasco Santos Mortiz at panulat ni Joel Mercado, hango ang Pagpag sa pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masasamang espiritu.

Ang subtitle ng pelikula, ang Siyam Na Buhay ay kumakatawan sa 9 na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw na ito. May kasabihan na maaaring humantong sa labis na kamalasan ang mangyayari sa sino mang lalabag sa alin man sa mga 9 na paniniwalang ito.

Ang mga paniniwalang ito ay: bawal hindi magpagpag pagkatapos ng lamay; bawal magwalis sa burol; bawal magpatak ng luha sa ataul; bawal manalamin sa burol; bawal maguwi ng pagkain mula sa burol; bawal pumunta sa burol kapag may sugat; bawal punasan ang luha sa ataul; bawal nakawin ang abuloy sa burol at bawal maghatid sa mga nakilamay.

Sa Pagpag, kahindikhindik na mga pangyayari ang magaganap sa di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at ng kanyang mga kaibigan sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pagasang matatalo nila ang mga kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami ng parami ang mga napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Bukod sa mga spine-chilling scenes ng Pagpag, mayroon ding touch of humor at romance ang pelikula na tiyak na kagigiliwan ng mga fans at ng buong pamilya lalo na’t sina Daniel at Kathryn ang matuturing na reigning teen royalty ng primetime television kasama pa si Paulo Avelino at Shaina Magdayao na ngayon lang magtatambal sa pelikula.

“Sobrang nakakatakot po ang Pagpag pero sa likod ng nakakakilabot na istorya nito ay ang mensahe na ang pagmamahal at pagsasakripisyo para pamilya ang pinakamalakas na puwersa sa lahat,” says Daniel.

Ayon naman kay Kathryn, bukod sa pagiging isang suspense-thriller, adventure movie din ang Pagpag na tiyak na magugustuhan ng lahat, “Pinapakita po ng pelikula namin ang age-old conflict ng mabuti laban sa masama at napaka-exciting pong makita ang paglalakbay ng aming mga karakter. Makikita po natin kung magwawagi kami o hindi.”

Ipapalabas ang Pagpag, Siyam Na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa simula sa darating na Disyembre 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN