Dion Ignacio plays a drug dealer in horror film Basement


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion Ignacio bago matapos ang taong 2013 sa shooting ng horror film na Basement ng GMA Films.
Isang security guard ng mall ang role ni Dion.
“Guard ako dito na parang dealer ako ng drugs, sa mga sindikato, may iligal akong sideline. Ako yung nagpapapasok sa kanila [sa mall], may parte ako sa kita nila.”
Kasama siya sa mga mata-trap sa basement ng mall kung saan may isang aswang.
“Bale pagpasok nila sa basement, lahat kami na-trap na, yun pala may aswang na. “Naano tuloy kami.”
Sa tanong namin kung mamamatay ba siya sa pelikula…
“Basta panoorin ninyo, abangan ninyo.”
Unang horror movie ni Dion ang Basement.
“Yung mga eksena, kapag fineel mo talagang kikilabutan ka!
“Na kapag may eksena ako, talagang may kilabot pala, na dati napapanood ko lang sa mga horror na pelikula, kapag ikaw na ang nasa eksena, mas lalo ka palang kikilabutan.”
Sa direksyon ni Topel Lee, ang ibang artista sa Basement ay sina Louise Delos Reyes, Enzo Pineda, Kristoffer Martin, Sarah Lahbati, Kevin Santos, Ellen Adarna, Jan Manual, Betong Sumaya, at si Mona Louise Rey.
Produced by GMA Films, sa February 12 ipapalabas ang Basement sa mga sinehan.


(To learn more about the horror film Basement, CLICK HERE)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN