Basement actor Kevin Santos talks about his past ghost sightings

Kevin Santos reveals he has a third eye that allows him to see ghosts.


Isang truck driver ang papel ni Kevin Santos sa horror movie ng GMA Films na Basement na ipapalabas sa February 12.

“Medyo comedian si Mario dito sa Basement, e, at the same time parang hot-tempered siya lagi, so iyon medyo funny lang siya,” umpisang kuwento ni Kevin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Basement sa 17th floor ng GMA Network Center.

Pangatlong pelikula na ito ni Kevin, nauna na ang Dobol Trobol at sumunod ang My Kontrabida Girl.

“Then may gagawin pa akong isa na movie, sa Regal, kay Carla Abellana and Tom Rodriguez, yung Let’s Take a Chance.”

Unang horror movie niya ang Basement.

Paano niya in-apply ang mga napapanood niyang horror movies sa pag-arte niya sa Basement? Paano siyang umarte na takot talaga?

“Actually dito sa movie kasi hindi naman talaga siya, kasi nga parang siga yung role niya at the same time funny so hindi siya marunong matakot. Kahit kaharap na niya yung aswang, kumbaga go, laban lang, laban lang.

“Ganun yung character ko dito.

“So wala siyang nararamdamang takot dito kahit madilim na, kahit ano basta makulit lang siya.”

Sa isa lang raw siya takot…

“Sa Itaas, sa Diyos!”

Sa tunay na buhay ay hindi matatakutin si Kevin; sa kabila ng katotohanang may third eye daw siya at madalas nakakakita ng mga multo!

“Actually kasi meron talaga akong third eye, kitain ako ng mga multo. Nung first encounter sa white lady actually hindi naman ako natakot. Somewhere in Bulacan.

“Kasi may pinuntahan kaming parang bahay dun. Nagbabakasyon kami ng mga friends ko tapos parang kubo lang siya, tapos nagpakita siya. Gabi.

“Kasa parang namamahay ako so hindi ako basta-basta nakakatulog then siguro mga three a.m., dun na siya lumabas, then iba’t-ibang klaseng…parang sumusutsot siya sa akin, so ako talaga ako hindi ako nakatulog talaga pero ako hindi naman ako natakot talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa basement na pinag-shooting-an nila ng pelikulang Basement ay wala raw siyang nakita o naramdaman.

Ang pinaka-recent encounter naman niya ay nang nag-ghost hunting sila ng mga kasamahan niya sa StarStruck.

“Nag-ghost hunting kami sa Clark, sa may abandoned hospital.

“Iyon naman kasi parang reunion namin ng mga ka-batch ko sa StarStruck so parang Christmas party yun and ginanap yun sa Pampanga, tapos yung isang ka-batch namin nagyaya siyang mag-ghost hunting, sa Clark, Pampanga.

“Ano siya, abandoned hospital.”

May nakita raw si Kevin.

“Meron!

“Ang hirap kasing maniwala pag hindi mo nakikita, e. Nakakita talaga ako ng ano, lalaking walang ulo. Para siyang karpintero yung suot niya na something na parang ganun.”

Hindi raw natakot si Kevin.

“Hindi. Kasi ang dinaanan lang namin, ano, parang fire exit lang kasi sobrang dilim, so habang pumapanhik kami, may door dun na naaninag ko lang siyang ganun. Tapos dire-diretso na, deadma na lang kasi marami naman kami.”

Sinabi ba niya sa mga kasama niya na may nakita siyang multo?

“Ay hindi, hindi, wala, walang nagsasabihan. Kumbaga ang nakakita lang si LJ [Reyes], si Mike [Tan] at ako, tatlo lang kami.”

Magkaka-batch sa batch 2 ng StarStruck sina LJ Reyes at Mike Tan.

“Nakita rin nila, may third eye rin daw sila so nakita namin.”

Hindi raw niya kinausap ang multo.

“Hindi! Walang ulo, paano siya sasagot,” sabay tawa ni Kevin.

“Wala ng ano, deadma na lang, so ayun. Nakakatakot din pero parang maa-amaze ka lang kasi, ‘Ay totoo pala yung kuwentu-kuwento.’

“Pero dun sa mga hindi nakakakita parang sasabihin sa iyo, ‘Ay talaga?’

“Na parang haka-haka lang pero pag nakakita ka na, iyon pala totoo pala siya.”

Kasama ni Kevin sa Basement (direted by Topel Lee) sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Dion Ignacio, Ellen Adarna, Sarah Lahbati, Teejay Marquez, Mona Louise Rey, RJ Padilla, Betong Sumaya at Kristoffer Martin. Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehansa February 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ni Kevin na kahit hindi siya nanalo noon sa StarStruck ay hindi siya nawalan na career?

Sa katunayan, isa siya sa mga produkto ng naturang artista-search na hanggang ngayon ay aktibo sa pag-aartista sa pelikula at telebisyon.

Ang most recent ay ang gay role niya bilang si Danny sa highly-successful GMA drama series na My Husband’s Lover.

“E, ako po kasi talagang hindi ako nag-give-up, e. Kumbaga parang nawala ako ng ilamng years pero naghanda ako dun at the same time binigyan ako ng opportunity ng GMA, ng Artist Center na bigyan pa ako ng second chance na bumalik.

“At the same time nakuha naman, at pinagbutihan naman natin ang trabaho natin so eto na tayo ngayon,” ang nakangiting sinabi pa ni Kevin.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN