Richard Gomez talks about his legal drama movie with Gretchen Barretto and John Lloyd Cruz

Richard Gomez will start shooting the TV5 sitcom My Pirated Family with Sharon Cuneta next week.


Matapos mapanood si Richard Gomez bilang guest sa TV5 show na Madam Chairman, makakasama niya muli ang Megastar sa panibagong palabas sa Kapatid Network.

“Next week, sisimulan namin ni Sharon [Cuneta] yung My Pirated Family. It’s a sitcom sa TV5.

“For one season lang ‘yon. If it becomes successful, then most likely magtutuluy-tuloy,” masiglang pagbabalita ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa 30th Star Awards for Movies na ginanap sa Solaire Grand Ballroom noong Linggo, March 9.

Isa si Goma sa nag-host ng awards ceremony, kasama sina Dawn Zulueta, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Robi Domingo, at Maja Salvador.



SHARON-RICHARD TANDEM. Ano ang pakiramdam na pagkatapos ng maraming taon ay muli silang magtatambal ni Sharon sa isang proyekto?

Huling nagkasama sina Richard at Sharon sa pelikulang Walang Kapalit noong pang 2003.

Ayon sa aktor, “Ayos naman. Alam mo naman si Sharon, tawa lang nang tawa ‘yon.”

Bagamat mas identified si Richard bilang drama actor, hindi naman daw magiging mahirap para sa kanya ang mag-comedy.

“Nag-Palibhasa Lalake na ako dati, ‘di ba?” pagtukoy niya sa long-running sitcom na ginawa niya noon sa ABS-CBN.

Biro pa niya, “Versatile naman tayo, e!

“Ang sarap ngang mag-sitcom, kasi relaxed ka lang.”

Ano ba ang istorya ng sitcom na gagawin nila ni Sharon at ano ang kani-kanilang magiging role?

“Galing kami sa isang adoption house. Lumaki kami sa isang adoption house.

“Hanggang sa dumating kami ng age na 16 or 17 na kailangan mo nang umalis sa adoption house, e.

“Kasi malaki na kami masyado, wala pa ring nag-a-adopt sa amin.

“’Tapos we have to leave the adoption house na nga. Naghanap kami ng future namin.

“E, nagkataon na may isang mayaman na matanda, naghahanap ng pamilya niya.

“Nag-pretend kami ni Sharon na mag-asawa at kami ang pamilya na hinahanap niya.

“Exciting ang sitcom na ito.

“Hindi ko pa alam yung buong cast, pero ang alam ko, makakasama namin sina Gina Pareño, G Tongi, at Asssunta de Rossi.”



UPCOMING MOVIES. Bukod sa sitcom nila ni Sharon, kasama rin si Richard sa cast ng pelikulang Sugo, kung saan gaganap siya bilang founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo.

Naghihintay lang daw siya ng kanyang shooting schedule para rito.

May gagawin din siyang pelikula under Star Cinema titled The Trial. Makakasama naman niya rito sina Gretchen Barretto at John Lloyd Cruz sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño.

Nang tanungin siya tungkol sa pelikula, kuwento niya: “Legal drama ang tema naman nun. Serious movie talaga ‘yon.

“Si Gretchen portrays a doctor. Ako naman, a lawyer.

“And then si John Lloyd, parang may tama siya sa pag-iisip, pero hindi naman masasabing mentally retarded.

“Sa story nito, mag-asawa kami ni Gretchen na we’re about to break up. Gano’n ang status namin.

“’Tapos parang magkaka-love triangle sa aming tatlo ni John Lloyd."

Hindi ito ang unang beses na nakapareha ni Richard si Gretchen. Noong 1992, nagkatrabaho sila sa Laurice Guillen film na Lumayo Ka Man Sa Akin.

“Marami na rin kaming pinagsamahang pelikula ni Gretchen.

“Si John Lloyd naman, although first movie namin ito, nakatrabaho ko na siya noon sa Palibhasa Lalake.

“Totoy pa siya that time, batang-bata pa siya noon.”

Pero ngayon, isa na si John Lloyd sa mga sumusunod sa yapak niya bilang isang dekalibreng aktor.

“That’s nice!” nangiting reaksiyon ni Richard.

“Unang-una, guwapo siya, ‘tapos magaling pang artista. ‘Di ba?

“Versatile, ‘tapos for the longest time, nandiyan pa rin siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN