Tom Rodriguez to reunite with Carla Abellana for romantic comedy So It’s You

Tom Rodriguez (in photo) and Carla Abellana topbill the romantic comedy So It's You, which will be screened this May.



Ibinahagi ni Tom Rodriguez na malapit nang ipalabas ang pelikula nila ni Carla Abellana, ang So It’s You.

Isa itong romantic comedy kung saan gumanap si Tom bilang Goryo, isang single dad na may anak na deaf mute.

Makikilala niya si Lira (Carla), isang anak-mayaman na sawi sa pag-ibig.

Ayon pa kay Tom, malaki ang kaibahan nito sa My Husband’s Lover, kung saan gumanap sila ni Carla bilang mag-asawa. Ang kanyang character sa MHL ay si Vincent, isang married gay na may male lover (portrayed by Dennis Trillo).

Magaan at madalas ay nakakakilig ang eksena sa So It’s You kaya hindi sila nahirapan na bigyang-buhay ang kanilang roles.

“Ang laki ng contrast ni Goryo kay Vincent. Si Vincent kasi ang dami niyang hang-ups sa buhay, unlike Goryo, who’s a happy-go-lucky guy.

“Interesting din kung paano niya tina-tackle yung problems niya especially when he experiences things na hindi pa niya nae-experience before or parang nabibigatan siya.”

Ang So It’s You ang kauna-unahang pelikulang pinagbidahan ni Tom kaya aminadong nakakaramdam siya ng kaunting pressure na maging positibo ang pagtanggap ng tao sa bago niyang proyekto.

“May halong pressure at pangamba kasi sa lahat ng trabahong ginagawa ko, nai-imagine ko siya na parang anak ko.

“Yung tipong nakakakaba na first time siya papasok sa kindergarten. Naisip mo, ‘Ibu-bully ba ito? Baka hindi maging mabait sa kanya yung kaklase at teachers niya.

“Naisip ko, ‘Siguro ganito ang pakiramdam kapag naging parent na ako.’

“Iba, e. Sana pagbigayan ng mga tao.”

Nakatakdang ipalabas this May ang So It’s You, na pelikula ng Regal Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN