Enrique Gil’s character will play with Liza Soberano’s feelings in The Bet

Enrique Gil and Liza Soberano previously worked with each other for the movie She's The One. This time, they are the lead stars of The Bet, which is based on a Wattpad story.


Nauuso ngayon ang mga pelikula na hango sa mga best-selling books. Tulad na lamang nang nalalapit na pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na She’s Dating The Gangster na hango sa best-selling book published by Summit Media.

(Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to topbill movie version of the book She’s Dating the Gangster)

Muli na namang gagawa ang Star Cinema ng pelikula base sa isang Wattpad book, ang The Bet. Kamakailan, nagkaroon ng story conference para sa pelikulang The Bet kasama ang cast members na sina Enrique Gil, Liza Soberano, Yves Flores, Marco Gumabao, Sue Ramirez, Erin Ocampo at Chienna Filomena (na kilala bilang young daughter sa Movie and Television Review and Classification Board infomercial). Ang Wattpad ay online writing community kunsaan puwede magsulat ng mga stories ang mga registered users.

Ang The Bet ay sinulat ni Kimberly Joy Villanueva.

Sa isang hiwalay na interview, inamin ni Liza na may crush siya sa kanyang leading man na si Enrique.

(Read: Liza Soberano admits she has a crush on Enrique Gil)

Pagkatapos ng story conference ay nagkaroon ang pagkakataon ang media na makapanayam ang cast members at ang director na si Ted Boborol tungkol sa kanilang bagong pelikula.


Direk Ted Boborol:The Bet is a Wattpad book, very popular Wattpad book like She’s Dating a Gangster and we are going to adopt it on film to launch the love team of Enrique Gil and Lisa Soberano.”


Bakit puro kabataan ang bida dito sa The Bet?


Direk Ted: “Medyo youth movie din ito, very youth romantic comedy, tapos ang pinapakita namin dito ay kung ano ang mga gawain ng mga kabataan?”


Bakit The Bet yung title? May pustahan bang magaganap dito or sugal?


Direk Ted: “Yes, may pustahan! Yung kwento nito ay tungkol sa isang pustahan. At sa pustahan na yun magsisimula ang love story nina Lisa at Enrique.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para kina Enrique at Liza, this is your launching movie as a love team. Anong masasabi n'yo na ilo-launch na kayo as love team after kayong mapanood sa She’s the One?


Enrique: “I’m excited to do the movie, let’s see how it goes. Hindi rin namin alam na may chemistry din pala kami ni Liza sa She’s the One. Siguro nga yun ang nakita ng Star Cinema sa She’s the One kaya kami i-launch dito sa The Bet as bagong loveteam. Mukha namang masaya yung story kaya, kaya yun.”


Liza: ”I’m excited and nervous, I know so many people are expecting so much. I just everyone to be happy.”


Please tell us something about your characters in The Bet.


Enrique: “I’m Drake here, Mr. Popular sa school. Yung best friend niyang si Andrei played by Yves Flores, may bet silang gagawin. At yung bet na yun ay to make a girl fall in love with me in 30 days. Pag nagawa ko nga yun at sumagot na yung girl ng ‘yes,’ saka ko sasabihin sa kanya na it’s just a bet. Yun yung pinaka story ng The Bet.”


Liza: “I play the role of Sophia who is kind of nerdy. Doesn’t fit as well in other people. She’s a type of person who wants to fit in, but trying to make friends with other people from the Philippines because she came from America. Along the way, I have to meet Drake nga at una di ko alam na mayroon silang gagawin bet sa akin, and soon malalaman ko rin. Doon na po iikot ang istorya.”


Sue Ramirez: “I’m gonna play the role of Driana, Drake sister at magiging best friend ko si Sophia.”


Erin Ocampo: ”I’m Nikki here, best friend kami ni Driana and Sophia. Malalaman ni Sophia na may bet sa kanya sina Drake at hindi niya masasabihan si Driana about the bet kasi nga kapatid niya si Drake, ako yung magtuturo sa kanya kung papaano talaga gumanti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Chienna Filomena: “I’m going to play the role of Casey, yung may gusto kay Drake, patay na patay siya kay Drake. She is the popular girl in school, lahat nakukuha niya pero hindi si Drake.”


Marco Gumabao: “My name here is Kai, yung taga Alabama na best friend ni Sophia, babalik ako ng Pilipinas para makita yung best friend ko, then I’m secretly in love with her. Ako yung magsasabi na huwag siyang maniwala sa pagiging in love ni Drake sa kanya.”


Yves Flores: “Ako rito si Andrei na best friend ni Drake, ako yung makakaisip ng pustahan na gagawin ni Drake kay Sophia.”


Direk, kailan magsisimula ang shooting n’yo nito? Paano gagawin ang transition from book to screenplay?

“Right now, we just finished the story con, last week lang na finalize yung casting ng movie. After this, dire-diretso na. May reading, workshop and bonding, [plus] our look test. Hoping by the first week of July, we have our first shooting day already.

“Yung script naman, siguro, just to Filipinize the setting, kasi yung book ang setting ay sa U.S., we added the character of Nikki [not in the book] kasi yung mga karakter sa book medyo mayayaman, parang kailangan namin lagyan ng masa na karakter, yun nga si Nikki [Erin Ocampo].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN