Jackie Rice describes her experience using plaster for the first time for love scenes

“Ang pinakamahirap pala ay yung tatanggalin, hindi pala iyong ilagay yung plaster," reveals Jackie Rice who plays a bar girl in the indie film Kamkam. She shot a love scene with Kerbie Zamora (right) and Allen Dizon for this grade-A film, which will open in cinemas by July 9.


First time na sumabak sa maiinit na love scenes si Jackie Rice sa pelikulang Kamkam. Ayon sa GMA-7 actress, ibang Jackie ang makikita sa pelikulang ito.
Aminado rin siyang nagdalawang-isip bago tinanggap ang pelikulang ito. Pero sa bandang huli, ang pagiging aktres niya ang naging daan upang tanggapin ang daring role bilang bar girl na ikatlong asawa ng karakter ni Allen Dizon.
“Ibang Jackie Rice ang mapapanood dito, kasi, first time kong gawin yung mga nagawa ko rito. Kakaibang Jackie Rice yung pinakita ko, e.

"Hindi ako, hindi si Jackie Rice iyong makikita nila rito, kundi iyong character ko.
“Walang bakas ng Jackie Rice ang makikita nila rito,” panimulang saad ng aktres nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng pelikulang Kamkam (Greed) na ginanap sa Edward dela Cuesta Photography studio sa Sct. Tuazon, Quezon City.

produced by Heaven's Best Entertainment, ang pelikulang Kamkam ay binigyan ng grade na "A" ng Cinema Evaluation Board. Ipapalabas na ito sa mga sinehan simula July 9.

Bukod kina Jackie at Allen, tampok din sa pelikula sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita de Guzman, at Hiro Peralta. Pinapakilala naman dito si Athena Bautista (anak ni Herbert Bautista) at Zeke Sarmenta (anak ni Romnick Sarmenta).
Saad pa niya, “Ang hirap, dahil habang ginagawa ko itong Kamkam ay mayroon akong Innamorata [GMA afternoon teleserye]. Sa Innamorata ang character ko ay mayaman na laki sa States na finesse kumilos and dito, sobrang kakaiba siya, kabaligtaran, e.
“Kaya ang hirap-hirap dahil halimbawa kapag Monday, sa Bubble Gang ako. Tapos sa Tuesday yung shoot sa Innamorata, Wednesday itong movie naman.”
So, kailangang paghandaan talaga ang papel mo rito?
“Oo, kaya minsan ay kinakabahan ako dahil baka mapagalitan ako. Kasi hindi naman nila alam na puyat ako. Siyempre di ko rin puwedeng idahilan yun, sana hindi ko na lang tinanggap kung di ko rin naman maano, di ba? Siyempre gusto kong ibigay yung best ko.”

Inamin din niyang nagdalawang-isip siya na tanggapin ang pelikula dahil sa mga love scenes na super-daring.

“Dalawa yung kaeksena ko rito na may intimate love scene. Kinabahan ako noong una, I mean parang hindi ako handa. Kasi sa Pilipinas, kapag ganoon kasi ay nag-iiba yung tingin ng tao, ‘di ba?” pag-amin ni Jackie.

“So, inisip ko, pinag-isipan ko talaga kung dapat ko ba siyang tanggapin at nangibabaw ‘yung gusto kong tanggapin ito.

“Unang una, si Direk Joel Lamangan ito at hindi ko pa kasi siya nakakatrabaho. Pangalawa, maganda yung istorya niya, I mean hindi siya basta-basta na magpapa-sexy ka na lang. Pangatlo, maganda yung casting.

“So sabi ko, I’m sure hindi siya lalabas na bastos. Kasi ang ganda ng kabuuan niya. So hayun, napapayag ako.

“Isa rin na dahilan, yung kapag nanonood kasi ako ng film, sina Angelina Jolie nagpapakita ng boobs, ganyan, pero ang ending, ‘Ay ang ganda-ganda ng film, naiiyak ako.’

“I mean, hindi nila naiisip na malaswa yun. So sana pagdating rin dito sa Pilipinas, mabago rin natin yun. I mean, malay mo ‘di ba? Na kapag ending na, hindi lang yung love scene ang tumatak sa viewers, kundi yung bawat acting namin, bawat ginawa namin sa movie,” mahabang paliwanag pa niya.

So kahit nagdalawang isip ka, nangibabaw pa rin ang pagiging artista mo?

“Oo, kasi gusto ko rin i-prove sa sarili ko na hindi lang eto ang kaya kong gawin. Bago ko rin yun tanggapin, parang may sign din nang nag-ano ako sa internet, nabasa ko from Kate Winslet na, ‘Nudity is art.’”

Ito ba ang naging motto mo nang ginagawa ang pelikulang ito?

“Hindi naman ganoon,” nakatawang saad ni Jackie.

“Naisip ko lang kasi, na bakit yung film nila, kahit ganoon iyong ginawa nila, hindi bastos sa kanila iyon. Pero sa atin, once na ganoon ang tema, sinasabihan nila na [bastos].

“So dito, gusto ko i-prove na hindi lang yun iyong makikita nila, hindi lang yung pagka-daring ko, kundi yung acting wise. Yung lahat ng kabuuan ng movie, yung aral ng pelikula… lahat, package siya kumbaga.

“Like iyong 'My Love Don’t Cost A Thing' ni JLo [Jennifer Lopez], yung music video niya ay nagpakita siya ng boobs doon. Ang ganda-ganda, pero yung song ang tumatak sa utak mo at hindi yung pinakita niya, ‘di ba?”

Nagpasilip ba siya ng boobs sa pelikulang ito?

“Hindi po, sinasabi ko lang na it’s part of art, di ba? Na bakit sa kanila ay nagagawa nila yun?” nakatawang sagot pa niya.

“Ang love scene naman kasi, part din yun ng normal na ginagawa ng tao,” pahabol pa ng aktres.

Sinabi rin ni Jackie na ito ang pinaka-daring na pelikula niya.

“Ang ginawa ko talaga ay sobrang hindi siya biro. I mean, ano siya, parang nagsisiga ako ng apoy ulit, na hindi ko alam kung magtutuloy-tuloy yung pagliyab ng posporo or mamatay siya.”



ON USING PLASTER. Naikuwento pa ni Jackie kung paano siya nangatog sa kaba noong kukunan na ang love scene nila ni Allen, habang naka-plaster na ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

“Naka-plaster naman ako, safe naman. First time ko po ginawa iyon. Naiihi na nga ako, e! Hahaha!

“Ang hirap palang tanggalin niyon at nahihiya pa ako. Isa yun sa mga nakatagal, kasi nahihiya pa ako. Kasi ‘di ba ilalagay nila iyon sa ‘yo? Hindi ko alam kung papaano siya ilalagay, e. So, isa iyon sa nakatagal, kasi first time kong gawin ang ganoong eksena na kailangang mag-plaster.

“Ang pinakamahirap pala ay yung tatanggalin, hindi pala iyong ilagay yung plaster. And siyempre, first time na ibang tao ang makakakita niyon, para ilagay iyong plaster, hindi ba? At nalaman ko na pinakamahirap pala ay iyong tatanggalin na, kasi ay masakit.

“E, naiihi na ako niyon, pero no choice ako, tiniis ko na lang. Kasi, sa sobrang kaba kaya ako naiihi, habang ginagawa ko yung… Napi-feel ko siyempre yung pressure, kasi hindi ko naman iyon ginagawa talaga, e. First time ko lang gumawa ng ganoong bagay.

“Tapos, [naisip ko] paano ako iihi, e, may plaster, hindi ba? Kaya nakakatawa talaga,” nakatawang kuwento pa ni Jackie.

Hindi ba naapektuhan ang performance mo dahil kinakabahan ka at naiihi na?

“Hindi, noong sumigaw na ng ‘Action!’ ay kinalimutan ko na lahat. Nang narinig kong take na, kung ano iyong karakter ko, dapat ay ganoon na ako.

“Hindi ko na inisip na naiihi na ako o kung paano ko tatanggalin iyong plaster. Focus na ako sa karakter ko, si Shane.

“Kasi, galing ako rito sa club na ibinahay ako ni Allen. So, noong love scene na namin, ang inisip ko ay isa akong pokpok na palaban na ang dapat gawin ay paligayahin yung lalaki, si Allen,” sabi pa ni Jackie.

Dagdag pa ng tisay na aktres, “’Tsaka before kami nag-start, tinulungan din ako ni Direk Joel. Sabi niya ay magpunta ako sa club na mumurahin, pero iyong boyfriend ko ay ayaw akong dalhin dahil baka raw matsismis ako.

“Sabi ko sa kanya, ‘Wala akong pakialam kung matsismis ako! Basta kailangan ko silang pag-aralan kung paano ang kilos nila, iyong the way sila makitungo sa mga lalaki, ‘yung pananalita nila.’ So, pinag-aralan ko talaga.

“Hindi nila alam na nandoon ako, hindi kami bumaba ng kotse. Kumbaga, nasa kotse lang kami at nag-oobserba sa mga babae roon na nasa kalye.

“Tapos may nabasa pa ako, nakalimutan ko kung kanino ko nabasa. Para maging one hundred percent na full iyong performance mo, dapat daw ay ma-in-love ka roon sa character mo, kahit na katiting. Na hanggang sa gabi pag-uwi mo sa bahay, madadala mo pa rin iyong karakter, iniisip mo pa rin iyon.”

Nang nakita mo ang teaser ng movie n'yo, ano ang na-feel mo?

“Proud ako sa ginawa ko, proud ako sa movie na ito. Kasi feeling ko yung ibang artista, hindi nila kaya iyong ginawa ko.

“Kaya may mga tumanggi nga doon sa role hindi ba? So, proud ako na nagawa ko siya.”

Sinabi rin ni Jackie na walang kaso sa kanya kahit hindi siya ang first choice sa movie.

“Kahit third choice ako, ang una ay si Charee Pineda, tapos ang alam ko ang second choice ay si LJ [Reyes] e, pero ang mahalaga ay sa akin siya napunta. Ako ang nagwagi, kumbaga. Hahaha!”

Happy ka ba ngayon sa takbo ng career mo?

“Oo naman, oo naman. Hindi ko na hinahangad iyong fame, ang mas gusto ko ay iyong magagandang roles and projects.”

Nang ginagawa mo ba ang pelikulang Kamkam, naiisip mo ang magka-award?

“Award ang gusto ko. Hahaha! Gusto ko talagang magka-award at kung ibibigay, salamat at kung hindi naman ay okay lang. Basta ang alam ko lang, masaya ako sa ginawa ko.”

Pero sa palagay mo ba ay mapapansin ang acting mo rito?

“Hindi ko na nga inaano iyong mapapansin e, basta magka-award siguro… Basta yun nga, like sa daddy ko, kahit na-hurt ko siya sa ginawa ko rito, masaya ako sa ginawa ko, e. Ang goal ko kasi ay manalo ng award.”

Totoo ba na nag-walk-out ang boyfriend mo dahil sa love scene mo rito?

Natawa muna si Jackie bago sumagot. “Totoo iyon, si Kerbie [Zamora] iyong ka-love scene ko noon.

“Kasi sa mga soaps ko, never pa naman na nangyari iyon na may love scene na ganoon. Alam niya, yun nga na may plaster ako, ganoon.

“So, siyempre ay mahe-hurt iyon dahil five years na kami.”

Kanino ang mas mainit na love scene mo rito, kay Allen Dizon o kay Kerbie?

“Magkaiba e, kasi kay Allen, hindi ko siya mahal pero pini-please ko siya dahil ibinahay niya ako.

“Si Kerbie naman, siya iyong mahal ko talaga. So mas passionate iyong kay Kirbie, punong-puno ng pagmamahal.”

Nude at naka-plaster ka rin ba sa love scene ninyo ni Kerbie?

“Oo, kaya dalawang beses akong nag-plaster dito. Pero masakit pa rin at mahirap pa rin, dahil hindi naman ako sanay na mag-plaster. Hahaha!

“Kaya alam mo iyon? Iyong paggawa nitong Kamkam, punong-puno ng sakit, sampal, lahat… Kaya proud ako, kasi parang dito lahat ay first time ko.”

Masasabi mo ba na after ng pelikulang ito, naging ganap na aktres ka na?

“After this movie ay artista na talaga ako. Naging estudyante ako rito sa pagiging artista. Pero gusto ko ay tuloy-tuloy pa rin pagbutihin iyong craft ko, mag-workshops… dapat hindi ka mag-stop from learning.

“Gusto ko ay maging magaling talaga. I mean, hindi ko gusto iyong fame, ang gusto ko ay tumagal sa industriyang ito. Parang si Ms. Jean Garcia, iyang idol ko.

“Na gusto ko ay tatagal at tatak ka sa mga tao dahil sa nagawa mo. Iyong tipong kapag lalabas ka ng bahay, hindi si Jackie Rice ang nakikita nila. Na ang maaalala ng mga tao ay, ‘Ito yung nakita ko sa film, si Shane, Hi Shane!’ iyong ganoon.

“Ibig sabihin ay masaya na ako kapag ganoon, fulfilled na ako kapag ganoon.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN