Matteo Guidicelli had no problem working with ex-girlfriend Maja Salvador in New York

Matteo Guidicelli on ex-girlfriend Maja Salvador: “We’re civil with each other.” The ex-couple recently spent time in New York for a TFC show.


Abala ngayon si Matteo Guidicelli sa paggawa ng pelikula at pagte-train sa susunod niyang sasahilang triathlon competition, ang Iron Man 70.3 Philippines na gaganapin sa Cebu sa susunod na buwan.

Mayroon na siyang dalawang pelikula bukod sa sisimulan pa lang na Shake Rattle and Roll XV. Kabilang ang actor sa SRR final episode titled “Flight 666.”

“I just finished my first film for Regal, it’s called Somebody to Love. It’s by Direk Joey Reyes. It’s showing po on August 20. Kasama ko si Carla Abellana and Isabelle Daza. And I’m also shooting another film for Viva, Moron 5 [and the Crying Ladies] Part 2 with Direk Wenn Deramas.”

Ginanap ang interview with Matteo noong July 12 sa Valencia compound kasama ang mga piling writers kabilang na ang Philippine Entertainment Portal (PEP).

Nabanggit ng director nila sa “Flight 666” na si Direk Perci Intalan na magiging mahirap ang pagshu-shoot ng episode dahil karamihan sa mga eksena ay ishu-shoot sa isang totoong eroplano sa Clark Field, Pampanga.

Hindi ba mahihirapan si Matteo sa kanyang schedule pati na sa kanyang triathlon training?

“’Yan lang, that’s my concern now because my next race is August 3 and I just got back from the States two, three days ago. So I have four weeks to prepare and it’s kinda short. But I’m trying, so we’ll see. My management will handle all the schedule and stuff. I trust them.”

First horror movie ni Matteo ang Shake Rattle & Roll XV episode “Flight 666.” Hindi raw siya nagdalawang isip na tanggapin ang proyekto na kabilang sa Metro Manila Film Fest this year.

“Actually this is the first time I found out about the story. I had a little summary of the story with Direk Manny Valera before I left for the States. So yun, siyempre when I heard about, when they told me that we’re gonna do Shake, Rattle and Roll, I said ‘Let’s do it!’ right away. But my manager said, ‘Wait just read the script.’ I really wanna do it because it’s Shake, Rattle, and Roll, di ba? I’ve heard about it since I wasn’t even in showbiz yet. So it’s like a dream project to do horror. One of my dreams is to do [a] horror [movie]. Plus it’s Shake Rattle and Roll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang doktor ang role ni Matteo sa pelikula, kung saan makakatambal niya si Lovi Poe, na gaganap na ex-girlfriend niya. Excited si Matteo na masimulan ang bagong movie, na kakaiba sa nagdaang episodes ng SRR dahil mangyayari ito sa loob ng isang eroplano.

“Yeah, it’s in a plane. It’s exciting. It’s very, very exciting. I’m excited to scare people. I love scaring people! Hehehe. I’m excited for this project, super, especially to work with this whole cast. Everybody’s very new to me, like Lovi, I’ve never worked with her before. And also to work with everybody else, Direk Perci, I’m very excited to work with him.”

Bukod kay Lovi Poe, makakasama rin ni Matteo sa Shake Rattle, and Roll XV “Flight 666” sina John Lapus, Baron Geisler, Kuya Kim Atienza, Ria Garcia, Arlene Muhlach, IC Mendoza, Kiray Celis, Natalie Hart, Ryan Bang, at Yael Yuzon. Nakatakdang magsimula ang shooting ng MMFF entry sa July 18.



ON GOOD TERMS WITH EX-GF MAJA. Nakasama ni Matteo sa TFC show sa New York ang kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador, na masaya na rin ngayon kapiling ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.

(READ: Maja shares sweet moments with Gerald Anderson during concert)


Wala naman daw ilangang nangyari sa kanila ni Maja, ayon kay Matteo.

“Okay naman, nagulat nga po lahat ng mga tao, e. Dahil sabi nila, ‘Matteo, ex mo ‘yan, e. Hindi ba awkward?’ Hindi naman dahil, you know, we respect each other. We’re civil with each other. And we’re friends.”

Masaya rin daw si Matteo na pareho na silang in a good place ni Maja ngayon.

“Yeah, she’s doing great in her career, di ba. So everything’s good. There’s no reason to hate one another…it’s important, dapat happy lahat!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN