Erich Gonzales on leading man JC de Vera: “Napaka-gentleman naman ni JC sa love scene namin."

Once a Princess lead actress Erich Gonzales compares kissing scenes between Enchong Dee (left) and JC de Vera (right): “Yung kay Enchong, there is fire!”


Matapos ang ilang taong pamamahinga ng love team nina Erich Gonzales at Enchong Dee ay muling nagsama ang dalawa para sa pelikulang Once A Princess.

Ang naturang pelikula ay ang movie version ng Precious Hearts Romances novel na isinulat ni Angel Bautista na may parehong title. Bukod kina Enchong at Erich, kasama nila si JC de Vera sa pelikula na idinerehe ni Laurice Guillen.

Ang romantic drama na ito ay produced by Skylight Films (a subsidiary of Star Cinema) at Regal Films.

Ayon kay Direk Laurice, may dalawang time periods na sakop ang pelikula: “Noong 2007 nung bata sila at the present ang sitwasyon nila ngayon.”

Pinaliwanag naman ng PHR writer na si Angel Bautista kung ano ang inspirasyon niya para sa Once a Princess.

“Every girl dreams of being a princess: having everything, being most popular. But because of one decision that she made, she lost everything. She made choices that made her stronger and she claimed the happy-ever-after that she wanted.”

Ikinuwento rin ni Angel na inspire siya na isulat ang libro dahil sa classic American movie na Gone With The Wind na set during the 1800s.

“May eksena sina Scarlett O’Hara and Rhett Butler. Scarlett used to be the Southern Belle at nagpapanggap siya na siya pa rin ang Southern Belle kahit na hindi na.

“Rhett Butler touched her hand and naramdam niya na magaspang ang kamay niya. That scene played in my mind.”

Inamin rin ni Angel na ang Once a Princess ay ang sequel ng isa pa niyang novel titled Mine to Keep na tungkol sa leader ng clique kunsaan kabilang si Erin.

“I wanted to create a character who is flawed. I wanted to see what happens in the mind of a mean girl,” ani Angel.

Sa general press conference ng movie, tinanong ang lead stars kung ano ang similarities at at differences nila sa kanilang mga karakter.

Ayon kay JC, “Ako, different yung personality ko pero there is one scene na na-experience ko before. Pag dating sa love, may chances na hindi mo ma-control ang sarili mo. Pwede kang magwala, pwedeng kang makasakit. Pwede palang maging destructive ang love but not as violent.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Enchong, “Pag nagmahal tayo at hindi nag work out, you end up wanting revenge on that person. You [improve] yourself. That's your revenge. [Parang sinasabi mo] ‘I could be better for you,’ in terms of love.”

Sinabi naman ni Erich, “Siguro kaibahan kasi si Erin pinanganak na siya meron lahat pero ako hindi. Pareho rin kasi siya kaya niyang magsakripisyo sa mga taong mahal niya.”


Sa presscon na ginanap kagabi, July 23, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, nakapanayam ng media si Erich tungkol sa kanyang daring scenes sa romantic drama na nakatakdang ipalabas sa August 6.

(Read: Enchong Dee on his mature role in Once A Princess: “This is an adult material.”)


Ani Erich tungkol sa kanyang character: “Ako po rito si Erin Almeda, isa siyang sikat, mayaman at sheltered siyang lumaki talaga, tapos sa isang iglap nawala sa kanyang lahat.

“Tapos na-meet niya si Leonard [Enchong] na lalaking mahal niya. Pero dahil sa hindi magagandang pangyayari sa buhay ni Erin, nagkahiwalay po sila at napilitan po siyang magpakasal sa karakter ni JC de Vera na hindi ko naman talaga mahal. Tatanungin ng pelikula kung ano ba ang happily ever after para sa sa ‘yo? Kung idedepende mo ba ang kaligayahan mo sa ibang tao o ikaw ang gagawa ng sarili mong happy ending.”

Mag-asawa kayo ni JC de Vera sa pelikulang ito. Hindi ba kayo nagkailangan ni JC na gawin ang love scene n’yo para sa movie?

“Buti na lang po nung ginawa namin yung love scene namin ni JC, nakakapagusap-usap na kaming dalawa. Kasi yung first scene namin together, heavy scene na rin talaga agad, e. Medyo doon na break yung ice at naging palagay na kami sa isa’t isa, kaya nung kukunan na yung love scene naming dalawa, pinagtatawan na lang namin. Sabi niya sa akin, ‘Ikaw na ang bahala.’ Sabi ko, si Direk na ang bahala. Buti na lang na guide din kaming mabuti ni Direk Laurice sa love scene na yun. Saka napaka gentleman naman ni JC sa love scene namin na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong may non-showbiz boyfriend ka na, ipinapaalam mo ba sa kanya ang mga love scenes na gagawin mo?

“Hindi na! Hindi naman sya pakialamero, wala na siyang care, basta sa kanya work lang ako ng work.”

Pero ia-allow mo namang namang panuorin niya yung mga pelikula mong tulad nito?

“Yes! Minsan nagpapablock screening pa siya, kasama yung mga friends namin. Isa nga siya sa excited na panuorin itong bago kong pelikula. Wala pa man, nagpapaschedule na siya ng block screening.”

Hindi mo ba tinatakpan ang mata niya pag may love scene kana na eksena?

“Hindi! Gustong gusto niyang panuorin…wide open eyes pa siya.”

Anong pagkakapareho ng karakter n’yo ni Erin in real life?

“Si Erin dito sa pelikula, marami siyang natutunan dahil sa pinagdaanan niya sa buhay. Ako din po, habang nag mamature tayo, marami rin tayong natutunan sa mga nangyayari sa buhay natin. Si Erin tungkol sa pag-ibig at sa pagiging selfish niya, naging selfless sya. Natuto syang magbigay ng unconditional love, mas naging open sya at mature talaga.”

May pressure ba on your part na dahil naging successful yung pelikula ninyong I Do ni Enchong, may pressure pa rin ba na sana tangkilikin uli ng mga tagahanga n’yo itong Once A Princess?

“Hindi sana ako pressured, dahil sa na mention n’yo ngayon, na-pressure ako! (sabay tawa) Yung pressure naman, lagi namang nandiyan. Basta naniniwala kami sa kwento. Lalo na nung nabasa namin yung libro. Ito palang Once A Princess ay inspired po siya sa one of the bestselling books from Precious Heart Romances na si Ms. Angel Bautista ang nagsulat. But basically, may mga changes, may mga nadagdag, lalo na dun sa characters. Like si JC, dahil dun sa book wala naman talaga siya. Idinagdag siya para mas maging maganda yung kalabasan ng pelikula. Siyempre iba naman po yung market ng book sa pelikula. Siyempre maganda na yung book, mas pinaganda pa para sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing isa na ito sa pinakadaring at mature na karakters na ginawa mo, kasi bukod sa love scene n’yo ni JC, may eksena ka pa sa beach kasama si Enchong kunsaan naka two-piece swimsuit ka.

“Diyos ko! Yun nga po! First time kong mag swimsuit. Nung nabasa ko po yung script, sabi ko, ‘Hala may beach scene.’ Akala ko preparing lang baka pwede naka-dress. Pero hindi pala, kasi diretso na siya na nakabathing suit na two-piece pa talaga. Sabi ko nga, okay lang kasi lagi ko namang sinasabi na pag kailangan sa eksena. Gagawin ko naman po yun na walang inhibition at walang arte.”

Paano mo ide-describe yung kissing scene mo kay JC de Vera sa kissing scene mo kay Enchong Dee sa pelikulang ito?

“Ang hirap ng tanong mo, ha. Magkaiba po kasi, magkaibang tao po naman kasi sila at magkaibang lips! (sabay tawa) Siguro parehong passionate. Yung kay JC may passion kasi husband ko siya sa pelikula, pero yung kay Enchong true love, e. Siguro yung kay Enchong, there is fire!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN