Julian Trono felt starstruck working with idol Ai-Ai delas Alas on Cinemalaya entry Ronda

Julian Trono is cast as the rebellious son of Ai-Ai delas's character in the indie film Ronda. (To learn more about Cinemalaya 2014 entries, CLICK HERE)


Ipinagmamalaki ng GMA-7 young actor na si Julian Trono na kabilang siya sa Cinemalaya 2014 entry na Ronda kunsaan gumaganap siyang anak ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.


Ang Ronda ay isa sa official entries ng 10th Cinemalaya Independent Film Festival kunsaan kabilang din sa cast si Cesar Montano.


(To learn more about Cinemalaya 2014 entries, CLICK HERE)


Ayon kay Julian, sobra siyang na-starstruck noong una niyang ma-meet si Ai-Ai sa set ng indie film na idinerehe ni Nick Olanka.

“Hindi po kasi ako makapaniwala na makakatrabaho ko si Ms. Ai-Ai delas Alas.

“Big fan po niya ako at lahat ng mga pelikula niyang Ang Tanging Ina ay napanood ko.

“Kaya noong ma-meet ko po siya sa set, talagang kinabahan ako. Kasi hindi ako makapaniwala na ako ang gaganap na anak niya,” ani Julian nang makapanayam namin siya last July 28 sa 17th floor ng GMA Network Center.


Isang policewoman si Ai-Ai sa Ronda na matagal nang hinahanap ang kanyang anak (payed by Julian Trono) na nagrebelde at naglayas.


Sa buong pelikula nga raw ay isang beses lang daw silang magkikita ni Ai-Ai at ito ay sa bandang ending na ng pelikula.


“Yun po ang pinaka-highlight ng kuwento naming mag-ina. Marami po akong scenes pero hindi ko po kasama si Ms. Ai-Ai. Magkahiwalay po lahat ng mga eksena namin.


“One scene lang po yung pagsasamahan namin tapos magyayakapan kami.


“Bago po kunan yung scene, lumapit po ako kay Ms. Ai-Ai at tinanong ko siya kung puwede ba kaming mag-usap kahit ilang minutes lang para lang makilala ko siya at ma-feel ko naman na siya ang ina ko sa pagsasamahan naming eksena.


“Kasi nga po, doon ko lang po siya unang nakilala at gusto ko po na kahit paano ay may ma-establish kaming bond bago kami kunan ng eksena.


“Para kapag tinawag po siyang ‘inay’ ay maramdaman ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Napakabait po ni Ms. Ai-Ai at nakipagkuwentuhan po siya sa akin. Marami po akong tinanong sa kanya at kahit sa mga sandaling iyon ay nakilala ko po siya.


“Kaya noong kunan po ang scene namin, ramdam na ramdam ko po na nanay ko si Ms. Ai-Ai.


“Kaya maipagmamalaki ko nga na isa ako sa mga gumanap ng anak ng kilalang Tanging Ina,” ngiti pa ni Julian.


Panghihinayang nga lang ni Julian ay wala siyang eksena na kasama si Cesar Montano na siyang gumanap na ama niya.


“Sayang nga po kasi wala akong scene na kasama si Mr. Cesar Montano.


“Pero at least po, nakasama ako sa pelikula na nandoon siya.


“Mga nakasama ko po sa mga eksena sina Carlo Aquino, Perla Bautista, Angeli Bayani. Kasama rin pala sa movie si Cogie Domingo.”


Ito ang second indie film ni Julian para sa Cinemalaya. Una niyang nagawa ay ang Purok 7 noong 2013. Kamakailan, pinalabas sa isang film festival sa Hawaii ang indie film niyang ito.

Nag-compete ang Purok 7 sa Vittorio Veneto International Kids and Teens Festival sa Italy last April at pinalabas sa Fairmont Orchid, Hawaii last May.


“Enjoy po akong gawin ang mga ganitong movies kasi nare-recognize siya sa mga international film festivals.

“Gusto ko pong makagawa ng mas marami pang indie films. At kung maaari ay ‘yung matsa-challenge talaga ako sa pag-arte. Gusto ko rin pong manalo balang araw ng best actor award,” sey pa niya.


Busy rin si Julian sa primetime series na Niño bilang si Cocoy. Siya nga ang ka-love triangle sa tambalan nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.


Happy si Julian para kay Miguel dahil sa success ng Niño.


“Masaya ako para kay Miguel. Kasi una ko siyang nakatrabaho sa Futbolilits noong 2011.


“Nagbabalik pa lang si Miguel that time sa pag-aartista. Naging close kami noong gawin namin ang Futbolilits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Ngayon at bida na siya, deserve niya ang Niño kasi magaling siyang umarte talaga.”


Tungkol naman kay Bianca Umali, nag-deny si Julian na may balak siyang ligawan ito at unahan si Miguel.


“Wala pong gano’n,” tawa pa niya.


“Kami po ni Bianca, matagal na kaming magkakilala. Four years po kaming nagkasama sa Tropang Potchi.


“Good friends po kami ni Bianca. Tsaka ang alam ko, hindi siya puwedeng ligawan pa.


“Happy lang po ako na nagkakatrabaho pa rin kami hanggang ngayon.

“Inaamin ko naman po na medyo may crush ako kay Bianca, pero hanggang doon lang muna iyon.


“Ayoko naman pong makasira sa team-up nila ni Miguel lalo na’t maganda ang feedback sa kanilang dalawa sa Niño.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN