Sylvia Sanchez, Angela Cortez tie for Best Actress at Sinag Maynila 2019 awards night

IMAGE Jerry Olea

Angela Cortez (left) and Sylvia Sanchez (middle) tied for the Best Actress award at the 2019 Sinag Maynila indie filmfest awards night held at the Conrad Hotel Manila on Sunday, April 7. Nar Cabico (right) was named Best Actor.


Tabla sina Sylvia Sanchez (Jesusa) at Angela Cortez (Jino to Mari) bilang Best Actress sa awards night ng 5th Sinag Maynila indie filmfest na ginanap ngayong Linggo ng gabi, Abril 7, sa Conrad Hotel Manila.

Nang tawagin ang mga pangalan nila, lumapit si Sylvia kay Angela at magkahawak-kamay silang umakyat sa entablado.

Naunang nag-acceptance speech si Angela, na nagsabing hindi siya nag-expect na manalo.

Sabi pa ni Angela, “To share this award with Miss Sylvia Sanchez, thank you so much! Thank you!”

“Congrats, Angela,” sambit ni Sylvia nang ipasa ni Angela ang mic sa kanya.

Pahayag ni Sylvia, “Honestly, sa maniwala ho kayo o sa hindi, natutuwa ako, kasi kami ni Angela ang nanalo. Kasama ko siya sa stage.

“Sa bahay pa lang, sinasabi ko sa make-up artist ko, kahit kay Ynez Veneracion, sa lahat ng nandoon, ‘Masarap manalo ng award. Masarap yung nandito ka, nagpapasalamat at hawak mo ‘to [tropeo].’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero po dumating ako sa point na kuntento na ako.

“Masarap yung maririnig ko na lang sa mga importanteng tao at sa lahat ng mga taong naniniwala sa akin na nagampanan kong mabuti yung pelikulang ‘yon.

“At ang dami kong narinig. Nagpapasalamat ako. Tropeo ko na ‘yon.

“At ang sinabi ko kanina, ayan si Ynez—gusto ko, si Angela ang manalo.”

Humarap si Sylvia kay Angela, “Alam mo, bakit kasi, gusto kong bigyan ng tsansa yung mga bata, yung mga bagong artista...

“Na katulad ko rin noon, ahmm... grabe rin yung hirap at gapang ko para tawaging isang aktres. Hindi starlet.

“Hindi... hindi... ahmm, kung anu-anong... kung anu-anong salita.

“Iyong aktres in the true sense of the word.”

Gumaralgal ang boses ni Sylvia, “Alam niyo po, ahh... masaya ako para sa ‘yo, Angela!

“Totoo lang. Sa totoo lang, K!”

Nagpasalamat si Sylvia sa lahat ng bumubuo ng Sinag Maynila 2019, lalo na kina Direk Brillante Mendoza at Wilson Tieng, sa pagkilala at pagtitiwala sa kakayahan niya bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ang magsisilbi po ulit na bagong inspirasyon sa karera kong ito,” pagdidiin ni Sylvia.

Nangako si Sylvia na lalo siyang magpapakahusay bilang aktres, at hindi lalaki ang kanyang ulo sa pagtanggap ng mga tropeo.

Sa halip, lalo siyang magpapakumbaba at pag-aaralang mabuti ang kanyang homework bilang artista.

Dagdag ni Sylvia, “At higit sa lahat, dapat magpasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong naniniwala sa ‘yo.

“Hindi ito reason para ikayabang ko.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Nagkatotoo ang sinabi ko.

“Gusto ko na manalo si Nar [Cabico] at si Angela, dahil gusto kong iangat sila bilang mga bagong artista.”

Si Nar ang Best Actor para sa Akin Ang Korona.

Ang tatlo pang nominadong Best Actress ay sina Angel Aquino (Akin Ang Korona), Liza Lorena (Persons of Interest), at Mara Lopez (Pailalim).


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN