Brillante Mendoza reveals Piolo Pascual not allowed to shoot in Mindanao

IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

Director Brillante Mendoza on Lupang Hinirang star Piolo Pascual: "Hindi ko ini-expect na makaka-adapt siya ng ganoon kabilis, naka-adapt siya ng ganoon kabilis, at impressed din ako sa kanya dahil hindi siya ganoon na ine-expect ko."


First choice si Piolo Pascual sa papel nito sa pelikulang Lupang Hinirang na idinidirek ni Brillante Mendoza.

“Kasama talaga siya from the very start,” sambit ng premyadong direktor nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awards night ng Sinag Maynila 2019 indie filmfest nitong Abril 7, Linggo, sa Conrad Hotel.

“Kasama talaga siya sa project na yun.

"Actually, naiba lang yung role... not because of schedule, dahil we have to shoot in Mindanao, at nag-isyu ng memorandum ang ABS-CBN that they don’t allow their actors to go to Mindanao.

“So, kailangan siyang i-shoot dito. So, iniba ko yung kanyang role, syinut ko siya dito sa Manila.

“But we will still go to Mindanao. My team will still go to Mindanao.”

Maganda ang karanasan ni Direk Brillante sa pakikipagtrabaho kay Piolo sa Lupang Hinirang.

“Actually, matagal ko na dapat ano... second na dapat ito,” matamang lahad ni Direk Brillante.

“Kaya lang, as usual, ang mga problema ng actors na merong telenobela, yung schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It so happened na naayos namin ang schedule this time, so nakasama siya sa pelikula.”

Tapos na ang mga eksena ni Piolo sa pelikula, pero matatagalan pa ang shooting ng ibang sequences.

ANOTHER FILM

Gusto ni Direk Brillante na idirek si Piolo sa isa pang pelikula.

“Well, I’m looking forward, kasi madaling katrabaho si Piolo.

"I didn’t expect na... alam mo yun, kasi exposed siya sa mainstream.

“Saka iba naman yung way of doing films ko, hindi naman siya katulad ng paggawa ng mainstream.

“So, hindi ko ini-expect na makaka-adapt siya ng ganoon kabilis, naka-adapt siya ng ganoon kabilis, at impressed din ako sa kanya dahil hindi siya ganoon na ine-expect ko.

“He’s very quiet. Nag-i-internalize siya sa set. Ano lang siya, nasa isang sulok lang siya, which I like a lot.

“Kasi, ganoon ang gusto ko sa mga artista, e. Ayoko yung masyado silang ano sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I like him to be always in character.”

For next year pa ang showing ng Lupang Hinirang.

Sa November nakatakdang ipalabas ang pelikula ni Direk Brillante entitled Mindanao, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial (100 Years) ng Philippine Cinema na magki-kick off sa Setyembre.

Bida sa Mindanao sina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

At one point, ang title niyon ay Bayang Magiliw, na naging Maguindanao, bago naging Mindanao.

Iyong Bayang Magiliw ay gagamiting title ng isa pang movie na tatampukan din ni Piolo, kasama sina Baron Geisler, Rocco Nacino, at Laurice Guillen.

Naku! Baka puwedeng isama sa cast si Judy Ann Santos para mag-reunion na sila ni Piolo!

Natawa si Direk Brillante, “Ha! Ha! Ha! Sige... tingnan natin kung puwede. Sige! Ha! Ha! Ha! Ha!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN