Miles Ocampo admits second thoughts about accepting Maledicto role

IMAGE Rose Garcia

Miles Ocampo (left, with Tom Rodriguez and Jasmine Curtis Smith) says her role as possessed girl in Maledicto drained her physically, emotionally, and spiritually.


Saktong birthday ni Miles Ocampo ang showing ng pelikula niyang Maledicto—Mayo 1, Labor Day.

“Kaninang sinu-shoot nila ako ng promo, doon lang nag-sink-in sa akin!” natatawang sambit ni Miles sa mini-presscon ng horror movie noong Abril 4, Huwebes, sa Prime Hotel, QC.

“Magagamit ko sa promo ang linyang, ‘Birthday gift niyo na po sa akin.’ Naks, first time!”

Ang Maledicto ang unang Pinoy film na produced ng FOX Productions, at co-produced ng Unitel at Cignal Entertainment.

Hindi dumaan sa audition si Miles.

“Napili po nila ako,” aniya.

“Noong una, natakot ako. Para bang hindi ako kumportable. Parang nagdalawang-isip akong tanggapin ang project.

“Sabi ko, sige, pabasa muna po ako ng script. Noong nabasa ko ang script, ang ganda ng story at yun nga, collaboration ito ng Cignal at Fox Philippines.

“Talagang ang laking project niya.”

Nasa cast din ng Maledicto sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, Inah de Belen, Menggie Cobarrubias, Martin Escudero, at Eric Quizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time ito ni Miles na gumanap bilang nasasapian ng masamang espiritu.

Saad niya, “Meron na po akong mga nagawang horror before, pero ito iyung pinakaiba sa lahat. Ito ang pinaka-challenging na nagawa ko.

“Nakapag-horror ako before pero barkada movie siya. Ito, very different.

“Yung role ko rito, I’m Agnes, sa Catholic school siya nag-aaral and then, sabi nga nila, sobrang perfect daw si Agnes—mapagmahal sa mga magulang, mahal siya ng mga tao.

"Kapag nangyari na yung mga nangyari sa kanya, siyempre, mag-iiba ang personality niya at maaapektuhan na ang mga taong nakapaligid sa kanya.

“Ito yung klase ng trabaho at pelikula na hindi ka lang physically pagod.

"Emotionally, physically and spiritually, kasi, di ba, matatakot ka?”

EXORCISM OF MILES OCAMPO

Hindi pa napapanood ni Miles ang supernatural horror film na The Exorcism of Emily Rose (2005) pero parang naalala raw niya rito ang kanyang karakter sa Maledicto.

“Natatakot ako sa movie, e,” hirit ni Miles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro, sa buong pelikula, yun talaga ang pinaka-challenging sa akin—yung nasasapian ako.

"Kasi, wala naman tayong konsepto ng totoong sinasapian.

“Never po tayong nakakakita ng totoong nangyayari."

Nagpapasalamat si Miles kay Direk Mark Meily sa paggabay sa kanya.

“Akala mo, sigaw agad. Pero hindi, merong level 6 para puwede ka pa sa level 7, level 8 hanggang level 10.

“So yun, yun ang pinakamasaya with this project, kasi hindi ko siya palaging ginagawa.

"And sana, nabigyan ko ng justice yung role.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN