Miles Ocampo clueless about John Lloyd Cruz's return to Home Sweetie Home

Miles Ocampo portrays demon-possessed teener in horror flick, Maledicto
by Ruel J. Mendoza
Apr 29, 2019
Miles Ocampo on Home Sweetie Home co-star John Lloyd Cruz: “In touch pa rin po kami ni Kuya Lloydie, pero hindi kasi ako nagtatanong ng anything related sa trabaho. Nahihiya po kasi ako. Pero nagkukumustahan kami, okay naman po siya. He’s very happy."
PHOTO/S: @milesocampo Instagram

Dahil sa ginawang reformat sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home, may ilang netizens na umaasa na babalik ang original lead star nitong si John Lloyd Cruz.

Pero wala namang kinumpirma ang isa sa cast member ng sitcom na si Miles Ocampo tungkol sa pagbabalik ni John Lloyd sa naturang serye.

October 2017 noong magpaalam si Lloydie sa sitcom dahil sa personal issues.

Ang kinumpirma lang ni Miles ay ang pagkawala ni Piolo Pascual sa show dahil mag-aaral ito abroad.

“In touch pa rin po kami ni Kuya Lloydie, pero hindi kasi ako nagtatanong ng anything related sa trabaho.

“Nahihiya po kasi ako.

“Pero nagkukumustahan kami, okay naman po siya. He’s very happy.

“About the sitcom, wala naman po silang sinasabi sa amin about Kuya Lloydie.

“Yung about kay Piolo lang po ang alam namin,” pahayag ni Miles sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Maledicto sa Finestra @ Solaire noong nakaraang April 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEW CHARACTERS

Nabanggit din ni Miles na sa pag-reformat ng show, may bagong characters na papasok sa cast.

“May mga bagong madadagdag po sa pamilya namin.

“Thankful po kaming lahat dahil maraming pinagdaanan ang HSH pero nandito pa rin po kami.

“Tuloy pa rin yung show namin,” ngiti ni Miles.

Kabilang si Miles sa upcoming horror film titled Maledicto na first locally-produced movie of FOX Networks Group Philippines.

Gaganap bilang isang demon-possessed teenager named Agnes si Miles sa horror film na ito na dinirek ni Mark Meily.

CHALLENGING ROLE

Kabilang sa co-stars niya rito sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith at Inah de Belen.

“Iba po itong ginawa ko sa Maledicto.

“Hindi kasi siya typical na nangyayari sa buhay mo, so hindi mo alam kung paano mo siya gagawin.

“Naisip ko rin na magandang project ito for me to experiment and to grow as an actor.

“I want try new things. Try different roles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nasa age na po ako na puwede na akong sumubok ng iba’t ibang roles,” diin pa niya.

INITIAL HESITATION

Inamin ni Miles na nagdalawang-isip siya na tanggapin ang role na Agnes.

“Matatakutin po talaga ako.

“Kaya nung sinabi sa akin na exorcism siya, nagdalawang-isip ako. Natakot ako!

“Hindi ako ganun ka-confident at baka lang hindi ko siya magawa nang maayos.

“Pero I really want to do something different.

“Ayokong maisip ng mga tao na pang-Goin Bulilit at pa-sweet roles lang ako.

“As Agnes, naipakita ko ang lahat ng emotions na kailangan sa mga eksenang exorcism,” pagmamalaki pa niya.

INTERPRETING HER ROLE

Para walang makopyahan si Miles, hindi siya nanood ng anumang horror movie para mabuo niya ang character ni Agnes.

Kuwento niya, “Gusto po ni Direk Mark, ibigay ko sa role as Agnes yung sarili kong interpretation, hindi yung may pinagbasehan ako na character sa isang horror film.

“With the help of Direk Mark, nagawa naming buo si Agnes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paunti-unti yung pagsapi sa kanya hanggang sa angkinin na ng masamang espiritu ang buong pagkatao niya."

Kasama rin sa cast na Maledicto sina Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena and Menggie Cobarrubias.

Magbubukas ito in cinemas nationwide on May 1.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo on Home Sweetie Home co-star John Lloyd Cruz: “In touch pa rin po kami ni Kuya Lloydie, pero hindi kasi ako nagtatanong ng anything related sa trabaho. Nahihiya po kasi ako. Pero nagkukumustahan kami, okay naman po siya. He’s very happy."
PHOTO/S: @milesocampo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results