FAMAS 2019 Best Actress Nadine Lustre almost backed out of Never Not Love You

by Jerry Olea
Apr 29, 2019
Nadine Lustre: Nadine Lustre on doing Never Not Love You despite struggles: "Kahit po... nandoon po ako sa lowest point ko, naitawid ko po yung pelikula with flying colors."
PHOTO/S: Allan Sancon

Emosyunal si Nadine Lustre sa acceptance speech niya bilang best actress ng 67th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards nitong Abril 28, Linggo, sa Meralco Theater, Pasig City.

“Oh my God! Hindi ko po alam kung ano ang nararamdaman ngayon. Mixed emotions po!” bulalas ni Nadine.

Nagwagi si Nadine para sa kanyang pagganap sa pelikulang Never Not Love You, kung saan katambal niya ang boyfriend na si James Reid. Tuwang-tuwang naghiyawan ang fans ng JaDine loveteam.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Nadine, “FAMAS, maraming-maraming salamat po!

"Gusto ko lang pong ikuwento sa inyo iyong naging experience ko dito sa Never Not Love You.

“October 2017 po kasi, merong isang malaking bagyo na dumaan sa buhay ko.

“And sobrang malaking damage po yung ginawa nito sa akin, so a few months po before namin umpisahan yung Never Not Love You, palagi ko pong iniisip kung itutuloy ko.

“Kasi, nararamdaman ko na baka ma-disappoint ko lang sina Direk Tonette [Jadaone], sina Boss Vic [del Rosario].

“Ilang beses ko rin pong gustong umatras.

“Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Never Not Love You. Sa mga magagandang salita po na ibinigay ninyo sa pelikula...

"Pero iyong reason po kasi talaga kung bakit sobrang proud and sobrang unforgettable po nitong pelikulang ito para sa akin is...

“Kahit po... nandoon po ako sa lowest point ko, naitawid ko po yung pelikula with flying colors.

Continue reading below ↓

“So, maraming salamat po sa aming mga supporters, sa mga JaDines na nandiyan sa likod, thank you so much!

“Gusto ko pong magpasalamat sa Viva family ko, kina Boss Vic, Boss Veronique, Vincent, and Val.

“Sa pamilya ko po, and sa mga friends ko na nandiyan lang palagi sa tabi ko.

“Kay Direk Tonette and kay Direk Dan [Villegas] of course, and sa lahat po ng bumubuo ng Never Not Love You.

“And, of course, kay James na palagi akong pinu-push to be at my very best.

“And sinisigurado po niya na naalaala ko na I am bigger and stronger than any storm that will come my way...”

Continue reading below ↓

Ang iba pang nominadong best actress sa 67th FAMAS ay sina Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Gabby Padilla (Billie & Emma), Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon), Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Iyah Mina (Mamu; And a Mother Too), Sarah Geronimo (Miss Granny), Marietta Subong (Oda sa Wala), at Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story).

Tumalilis na agad sa backstage si Nadine at hindi na nagpalitrato kasama ang iba pang winners nang gabing iyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre: Nadine Lustre on doing Never Not Love You despite struggles: "Kahit po... nandoon po ako sa lowest point ko, naitawid ko po yung pelikula with flying colors."
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results