Andoy Ranay says James Reid-Nadine Lustre loveteam offers something different from KathNiel tandem

Andoy Ranay observes Talk Back and You're Dead stars James Reid and Nadine Lustre (both in photo) are more open now to do kissing scenes.




Hindi raw sinadya ni Direk Andoy Ranay na punuin ng kissing scenes sina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang second movie na pinamagatang Talk Back and You’re Dead para mapaiba sa mga pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa presscon ng nasabing movie produced by Viva at Starlight Films, inamin ni Direk Andoy na marami siyang ipinagawang kissing scenes kina James at Nadine.

Saad pa ng director, “Nasa libro siya talaga. Hindi siya intensyon na lagyan ng marami. Actually, doon sa libro mas bold pa. Mas intense pa. Para silang hindi mga high school students sa libro. Ganon ka-intense [yung kissing scenes] sa libro.”

Inamin naman ni Direk Andoy na mas bolder ang pelikulang ito nina Nadine at James kung ang pag-uusapan ay ang mga nagawa nilang mga romantic at pa-cute scenes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Andoy kamakailan lang para sa promo ng pelikula nilang ito.




Direk Andoy Ranay

Meron bang love scene dapat sa pelikula pero hindi mo na ito isinama para mapanatili ang teenage angle ng movie?

“Ahm, actually papunta na, doon sa libro. Pero hindi nangyari. Pero hindi na namin isinama.”

Ano ba meron sa team-up nang dalawa at nag-click ang tambalan nila? Ano meron kay James at kinikilig sa kanya ang mga fans?

“Siguro yung charm niya. Ang cute niya kasi…saka yung role kasi ni James. Englisero siya dito, Pendleton ang apelyido niya. Mayaman sila, well-bred. Yun nga lang salbahe.”

Masasabi bang nadala ang team up nina Nadine at James ng love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

“Siguro naman. Kasi nauna naman sina KathNiel. Tapos dumating ito. Parang nanghingi yung ibang tao nang ibang flavor. Kasi yun rin naman ang ino-offer ng Nadine-James love team na iba namang flavor sa KathNiel.

“So, maganda kasi masaya ang industriya, may choices. Yun ang pinakagusto kong nangyayari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga tsismis na nagsasabing may secret relationship na raw sina Nadine at James. Kinumpirma naman ni Direk Andoy na may mga sweet gestures sa isa’t-isa ang dalawa sa set ng kanilang movie.

Sabi pa ni Direk Andoy, “Oo naman. Sa totoo lang lagi ko silang niloloko na parang, 'Oh, may kissing scene kayo diyan.' Okay. Ganon lang sila.

“Kasi noong una sa Diary ng Panget, eto ang first kiss ninyo. Parang nahihiya pa sila. Pero ngayon, 'Oh, magki-kiss kayo diyan.' Okay direk. Hmmm…iba na. Agad-agad!”

Pagpapatuloy pa ni Direk, “You know, I asked them one time. Merong chance ba? Hindi naman nila idinidinay. They’re open on the possibilities them na magiging sila.

“May mga tinginan sila pero ina-advice ko sila na just take things one day at a time at huwag tayong magmamadali. Siyempre, aalagaan natin ang career ninyo. Inaalagaan sila ng Viva, e.

“Pinagkatiwalaan sila nang Viva, inaalagaan ng Viva. So, happy naman ako kasi nagwu-work yung tandem nilang dalawa.”




Sa palagay mo kaya napu-push lang ang dalawa na magkaroon ng romantic attachment sa isa’t-isa para maging effective at kilig ang kanilang team-up?

“Hindi naman sila napi-pressure. Matatalino naman kasi yung mga batang 'yan. Ayaw din naman nilang kumilos na parang...siyempre matatalino yang mga bagets na 'yan, hindi na sila yung basta lang nagkasama sa pelikula, naghalikan, kami na.

“Sila hindi. Parang meron silang, tignan natin. Ganundin naman si Nadine na teka lang noh? Hindi porke na pogi ka [James] na bibigay na ako. Hindi gaya ng iba, pogi! Game agad.”

May kinalaman ka ba sa transformation ni Nadine? Nagbibigay ka ba ng advice?

“Ah, oo. Because she’s my actress, lead actress, especially dito sa pelikulang ito, yung movements niya, the way she talks, the way she brushes her hair. Yun nga ang sinasabi niyang OC [obssessive-compulsive] ako. Nadine, it should be like this. Eto ang nakaka-star na paghawi ng buhok. Eto yung tingin ng nakaka-star, eto yung movement nang nakaka-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You have to carry your movement. Kasi before parang wala lang, simple, nahihiya. Sabi ko no, you have to own it. Kasi 'yan na ang ibinigay sa iyo, e. Kailangan ko rin siyang tulungan sa parte na yun.

“Of course, pag sinu-shoot ko na siya kailangang ganito ang paglalakad ng star. Sa opening billboard [ng movie] siya lang ang mag-isa.

“Yun rin ang sinasabi ko sa Mommy niya. Nagi-iba rin kasi. She really need to be confident about her look, face, her hair. Lahat-lahat ng yun. Kailangan niyang tanggapin, e.

“Kasi kapag ni-resist niya hindi ko siya matutulungan. I’ll take it from there. Kung ano ang personality niya doon tayo pupunta.”



REACTION TO HEART'S COMPLAINTS. Samantala, pagdating sa nasambit na reklamo ni Heart Evangelista sa kanyang role sa Trophy Wife, nagpahayag ng kanyang saloobin si direk Andoy na siyang nagdirehe ng pelikula na pinagbidahan rin nina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

Matatandaang sinabi ni Heart na hindi siya na-challenge sa role niya sa movie dahil wala itong masyadong highlight.

Ayon kay Direk Andoy, “I did my best. Wala akong artistang hindi ko inaalagaan sa lahat ng proyektong ginagawa ko. So, kung sa tingin ng isang artista, e, na-short-change siya sa role niya o sa ginawa niya, siguro I cannot also put the blame on that actor or to myself but..perspective niya yun, e. Yun ang tingin niya.

“But I always tell my actor there are no small actors, only small actors. Kahit gaano kaliit ang role ikaw ang bahala bilang artista kung paano mo gagawin interesting yung role mo.

“With Heart after the premiere, I believed Heart was coming from doon sa kanila pa ni Direk Elwood Perez [unang direktor ng pelikula] sa shoot..masyado nang madami na parang hindi na niya alam kung ano ang ilalagay namin sa original.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa mga nakapanood ng movie, nagawa ni Heart ang kanyang trabaho at naitawid niya nang maganda ang kanyang portrayal.

Comment naman ni Direk Andoy, “Yun, e. Because of the movie and because siya si Heart Evangelista it turned out well. She saw the premiere and sabi niya, thank you very much, hindi mo ako pinabayaan.

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi kita pababayaan.”






ON EUGENE DOMINGO. Tungkol sa kaibigan niyang si Eugene Domingo na nababalitang magku-quit na raw ito sa showbiz?

Ang tanging tugon ni direk Andoy ay, “sabbatical leave lang yun. Hindi siya magku-quit. Marami lang siyang ginawa.”

May pinagdadaanan ba si Uge [palayaw ni Eugene]?

“Wala. Gusto lang niyang...naiintindihan ko kasi siya, yun ang pinanggalingan niya na mahirap ibenta talaga yung pelikula nila dito sa Pilipinas,” na ang tinutukoy niya ang indie film ng kaibigan titled Barber’s Tales na palabas ngayon sa mga sinehan.

Sa paniniwala ni Direk magpapahinga lang raw talaga ang kaibigan.

“Gusto niya yun, e. Ako bilang kaibigan susuportahan ko lang siya.”

May kinalaman ba ito sa personal life ni Uge kaya nais muna niyang magpahinga?

“Siguro yun din. Siguro gusto lang niya nang iba. The whole time kasi dati work-work-work. Ngayong na-experience niya na mag-isa travel alone, lumalabas nang bansa..busy naman ako kaya hindi ko siya nasasamahan, pero magkasama naman kami sa New York nong nakaraan.

“So, naranasan na niyang lumalabas nang bansa na mag-isa, so parang gusto muna niyang i-enjoy yung mga ganong bagay.”

Hindi kaya lovelife ang rason ni Uge? Nababanggit ni Uge na naghahanap na rin siya ng mamahalin at magmamahal sa kanya.

Pahayag naman ni Direk Andoy, “baka. It’s never too late. Sinasabi ko naman sa kanya na, 'Day, mag-asawa ka na kaya kaysa naman nagpu-focus ka sa work mo. Parang make yourself available.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na ba siyang pinagkaka-abalahang personal kaya ang takbo ng pananaw ni Uge ay magpahinga muna malayo sa showbiz?

“Walang pinagkaka-abalahan pero may pinaghahandaan. Doon lang muna ako.

“Sinasabi ko sa kanya na humanap ka nang mayaman para hindi ka na nagta-trabaho at provided ka na lang ng mister mo.”

Pero hindi raw mawawalan ng pera si Uge.

Pagpapatunay ni Direk Andoy, “Ay, idol ko yun, e. Sa kanya nga ako ang nagtatanong, ano ba yung advice mo mo sa akin, saan ako puwedeng mag-invest? Mga ganon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN