Anne Curtis confirms MMFF 2019 movie with Vice Ganda

Anne Curtis not worried about box-office success of movie with Vice Ganda
by Melba R. Llanera
May 4, 2019
Anne Curtis confirms comedy movie with Vice Ganda for Metro Manila Film Festival 2019.

Kinumpirma ni Anne Curtis ang pagsasama nila ni Vica Ganda sa isang pelikula na magiging official entry sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito'y pagkatapos i-announce ni Vice Ganda ang pagtatambal nila sa It's Showtime kamakailan.

Ayon kay Anne, kahit masaya at excited siya dahil dito, mas kinakabahan daw siya dahil hindi ito ang genre ng mga pelikulang nakasanayan na niyang gawin.

Lahad niya, “Actually, happy kami ni Vice kasi he just announced we'll be doing a Metro Manila Film Festival entry.

“Kinakabahan nga ako kasi if you look at the films I did last year, I did a lot of serious films, so it's gonna be a different genre for me.

“Comedy ito, so kinakabahan ako.

“But we all know naman that I will be safe in the hands of Vice.

“Kinakabahan pero let's see, I'm excited.

“Alam naman niya na kinakabahan ako.

“Ang sabi niya sa akin relax lang daw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CELEBRATION OF FRIENDSHIP

Ayon nga kay Anne, tamang-tama nga ang timing ng pagsasama nila sa isang proyekto ng kaibigan para sa ika-10 anibersaryo ng It's Showtime.

Naikuwento rin ng Kapamilya actress na si Vice pala ang unang nagsabi sa kanya ng balita.

Dagdag niya, “Alam niyo, perfect timing nga kasi it's the 10th anniversary of Showtime, so it's a great way to celebrate friendship.

“Siya ang nagsabi sa akin, actually kinausap niya muna si Boss Vic saka niya sinabi sa akin.”

Si Vic del Rosario ng Viva Films ay siya ring manager ni Anne.

NOT WORRIED ABOUT BOX-OFFICE SUCCESS

Lahat ng Metro Manila Film Festival entries ni Vice ay naging box-office hits at laging nagluluklok sa komedyante bilang Phenomenal Box Office Star.

May pressure bang nararamdaman si Anne dahil dito?

“People always ask me this whenever I do a film.

“Parang, 'Are you nervous about box-office success?'

“I think more than anything, especially now that the film industry is super moving now, what's more important is that you're making films, you're able to bring happiness to the people watching your film.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Having a box-office hit is just a cherry on the top,” makahulugan niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis confirms comedy movie with Vice Ganda for Metro Manila Film Festival 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results