Anna Luna discloses what happens during Darna audition

by Rommel Gonzales
May 7, 2019
Anna Luna stars in the movie Tayo sa Huling Buwan Ng Taon, the sequel of Ang Kuwento Nating Dalawa.
PHOTO/S: @annajluna on Instagram

Ang Changing Partners (2017) ang huling pelikula na ginawa ni Anna Luna. This 2019, isa siya sa mga female lead stars ng Tayo sa Huling Buwan Ng Taon ng TBA Studios na ipapalabas ngayong Miyerkules, May 8.

Talent ng Star Magic si Anna, sabay siyang inilunsad kasama nina Tony Labrusca at Leila Alcasid. Star Magic Circle Batch 2018 ang tawag sa grupo nila.

Napag-alaman namin na isa si Anna sa mga nag-audition para sa Darna movie. Pagbibidahan sana ni Liza Soberano ngunit nag-backout ito dahil sa finger injury.

“Nag-audition po ako,” ang bulalas ni Anna nang nakausap namin noong May 4 sa Cinema 76 sa Anonas para sa press conference ng Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon.

“Grabe! Pinag-audition po nila ako.”

Kumusta ang naging audition niya para sa iconic Filipina superhero role?

“Okay naman ho, okay naman ho.”

Nakakanerbiyos raw ang experience, ayon kay Anna.

Nag-Darna costume ba siya?

Continue reading below ↓

“Wala, walang costume po. Reading lang saka kunyari sinasalag-salag mo yung mga bala.”

“Game,” ang mabilis raw na isinagot ni Anna nang sabihan siya ng Star Magic na mag-audition.

“Kasi parang… siguro ho kung magkaka-chance ang mga artista, lalo na ang mga kababaihan, papangarapin nila talagang mag-Darna.

“Dyusko, iyon si Darna! Sabi ko, ‘Naku, kinakabahan ako!’

“Kasi nung audition, akala ko titingnan yung katawan, sabi ko hindi pa ako prepared, galing ako ng handaan,” at tumawa si Anna.

“Mga ganyan ho. Pero nag-reading lang naman ho. At saka hindi lang naman ako, marami rin akong kasabay.”

Incidentally ay kaibigan ni Anna ang isa sa mga nangunguna sa listahan na napipisil na maging Darna, si Nadine Lustre.

Kuwento ni Anna, “Magkasabay kami simula seventeen years old sa Viva. Tapos hanggang ngayon, yung relasyon namin hindi dahil sa showbiz na ganun, hindi.”

Continue reading below ↓

Kahit mga artista na sila, nanatili ang friendship nila kahit sikat na si Nadine ngayon.

“Yung family niya saka yung family ko, friends.”

Kaya sa tanong namin kay Anna kung ano ang meron siya na wala si Nadine para maging Darna…

“Hindi ko ho alam,” at tumawa si Anna.

Kung hindi siya makukuha bilang Darna, para kay Anna ay ayos lang ba na si Nadine ang mapili?

“Oho! Ako masaya ako dahil unang-una, kaibigan ko yun.

“Dyusko! Parang ang paglipad niya ay paglipad ko na rin!”

Isa rin sa “top contenders” na maging Darna ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ano ang meron si Anna na wala si Pia?

“Dyusko, Miss Universe po yun!

“Hindi ko kaya! Baka pag ako nag-Miss Universe mag-Harlem lang po ko dun, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,” at tumawa si Anna.

Continue reading below ↓

Si Anna ay gaganap bilang si Anna sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na pinagbibidahan rin nina Nicco Malano (as Sam), Vera (as Isa), at Alex Medina (as Frank).

Ang pelikula ay sa direksyon ni Nestor Abrogena.

Ang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon (TSHBNT) ay sequel ng pelikulang Ang Kuwento Nating Dalawa (AKND) na ipinalabas noong 2016. Wala si Anna, sina Nicco at Vera ang lead stars sa AKND.

“So ako yung bagong pasok dito [sa TSHBNT].”

Patas raw ang role nilang apat (including Alex Medina) sa TSHBNT. Si Anna na ang leading lady dito ni Nicco, sina Vera at Alex naman ang magkapareha.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anna Luna stars in the movie Tayo sa Huling Buwan Ng Taon, the sequel of Ang Kuwento Nating Dalawa.
PHOTO/S: @annajluna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results