Inah de Belen: "I'm always in the shadow of my mom, shadow of my dad."

by Julie E. Bonifacio
May 8, 2019
Maledicto stars Tom Rodriguez and Inah de Belen open up about their supernatural experiences.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kakaibang experience ang naranasan ni Tom Rodriguez sa set ng latest movie niya ang Maledicto, ang first locally-produced horror film ng FOX Networks Group.

Directed by Mark Meily, ang horror film na ito ay kasalukuyang pinapalabas sa mga sinehan.

Ayon kay Tom, “Nag-shoot kami sa isang abandoned na school dahil nasunog noong 2008. Ito yung eksena na pinakita sa trailer na nakasuot ako ng brown na jacket, ano yun, sa classroom na pinagmukhang bahay. So, nasunog yung eskwelahan.

“Sa likod noon may black backing na nilagay doon sa room. Tapos nasa labas yung monitor nina Direk [Mark Meily]. So, nandoon lang ako sa labas pinapanood namin yung take. Bigla na lang akong may narinig na shiiihhhh, boooom!

“Nahulog na isang sunog na sanga. Malaking-malaki, as long as this table.

"Kaso ang problema, itong paikot [sa harap ng table nila ni Inah] na ‘to, clear. All of the trees na sunog, malayo. Tapos yung itaas, blue clear skies. Itong gitna parang basketball court. Sabi namin, ‘San nanggaling yun?’ Bigla na lang from out of the blue.

Continue reading below ↓

“Ang lakas ng hampas ng bagsak. Buti na lang walang nabagsakan, so, I kinda feel weird.”

Nagkuwento si Tom ng kababalaghang nasaksihan niya sa set ng Maledicto nang gawin ang blog con nila para sa pelikula. Kasama niyang humarap sa media ang co-star niya sa movie na si Inah de Belen.

“Ang ganda ng premise ng pelikula. Nabasa ko pa lang ang scrpit, on board na ako agad,” lahad ni Tom.

“Kuwento ng isang pari na skeptic. Exorcist siya na skeptic na pares siya ng isang madre naman na sobrang devout pero may clairvoyance siya.

“Meaning, nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang normal na tao. So silang dalawa laging nagba-butt heads and yet kailangan nilang i-solve ang ilang cases na exorcism na nangyayari dito sa Pilipinas.”

Kumusta ang pagganap niya bilang pari sa pelikula?

“I had so much fun. Parang ang feeling ko school or college yung pinasukan ko. Parang ang feeling ko isa akong intern na ang dami kong natutunan from the production.

Continue reading below ↓

“Our writers were always on the set. Our producers were always on the set. Our directors were very easy to talk to and accessibly and our DOP [Director of Photgraphy], Direk Boy Yniguez.

“He's brilliant and so amazing, very giving na kapag kausapin mo siya, you ask tips from their work, wala silang sikretong tinatago. And even our co-actors, lahat nagbibigayan talaga. Kaya the whole ano felt it’s like a workshop, parang ganoon yung pakiramdam. Sobrang nag-enjoy ako.

“And playing the role of a priest, I enjoyed it. It was my first time. Wala pa akong naging role na priest. Tapos dito, it’s an offbeat type of character kasi hindi siya yung traditional na priest per se talaga, e.

“Sa pamilya ng priesthood nila, sa parish nila, Si Father Xavi [his character] yung medyo black sheep.”

Ayon kay Inah, hindi pa siya naka-witness o nakaranas ng exorcism ngunit may mga kuwento na siyang naririnig tungkol dito.

Continue reading below ↓

“Ah, may mga naririnig akong kwento sa kanila. Actually, tatlong tao na sa buhay ko na nakarinig na ako ng ganyang kwento. Pero hindi ako kasama sa experience nila noon. Kinuwento lang nila sa akin."

Ang nanay ni Ina na si Janice de Belen ay may nasaksihan na possession.

“Yung mom ko, I remember nagkuwento siya when she was still studying. Ah, all-girls school ata siya, Catholic school. And then, hindi ko maalaala kung kasama ba yung mom ko sa game na yun. Pero ang kuwento lang niya, nag-i-spirit of the glass sila, yung isang classmate nila na-possess nga.

“And then, meron pa akong isa. Yung yaya ko nung baby pa ako, nag-kuwento siya yung anak niya na-possess and nakita pa niya na talagang nagko-crawl sa wall.

“And then, the last person I heard, this kuwento is from my friend nung college pa. She went to this park in Antipolo, kasi bundok talaga siya. And then, may family member siya, cousin 'ata, habang nagswi-swimming sila biglang na-possess. Hindi siya mahila sa tubig kasi sobrang bigat niya.

Continue reading below ↓

“And when they finally got her out, ang laki ng boses niya. A very, very deep voice talaga. She’s a small girl daw but for some reason hindi siya mahila agad kasi ang bigat-bigat niya talaga. Nagwawala na talaga siya. Sobrang baba ng boses.

“But so far, wala naman, thank God wala pa naman akong experience na ganoon. Kasi kapag nangyari yun, hindi ko alam talaga kung ano ang gagawin ko.

“I think I will just faint, kapag may nangyaring ganoon, di ba?

"Ako, I felt something. Pero never pa akong nakakita. Nakakaramdam lang ako,” pag-amin ni Inah.

Pero si Tom ishinare niya ang nakakatindig balahibo na karanasan ng GMA-7 newscaster na si Arnold Clavio tungkol sa multo.

“Nag-guest kami sa Tonight with Arnold Clavio, nagkuwento si Kuya Igan na ilang beses na raw siyang may nakita doon mismo sa loob ng studio.

Continue reading below ↓

“At the end of the day, may nakita raw siya na tao. Nagtanong sa kanya, ‘O, kumusta?” Nagkausap sila only to find out that crew member has passed away pala that same day lang. Hindi pumasok.

“Tinanong siya kung paano yun? Transparent ba siya?

“Pero sobrang klaro raw nung tao, nakausap pa nga niya, e. Ako rin, I never seen like that na yung apparition buong-buo talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nangyari sa akin yun."

DID INAH ASK FOR ACTING TIPS FROM JANICE DE BELEN?

Nagmarka sa moviegoers ang horror films na ginawa ng mommy ni Inah na si Janice de Belen noon. Humingi ba siya ng tips kay Janice para sa epektibong acting performance in a horror film?

“Uhm, no. I did not ask advice from my Mom kasi siyempre, coming from a showbiz family siyempre andoon ako sa, I don’t have my own identity. I’m always in the shadow of my mom, shadow of my dad," sagot ng aktres na anak ni Janice at ni John Estrada.

Continue reading below ↓

“So, siyempre gusto ko, when I did this [Maledicto], I really wanted this just to be me. You can’t really teach acting. You can’t [ask] ‘Mom, how did you act on this and that?’

“Kasi, that might be her own tackle on how she portrays a certain role. Siyempre, I wanted it to be my own take on how I’m gonna act.”

Napanood ba niya ang mga horror films ni Janice noon?

“I think I’ve only watched mga ano, siguro dalawa lang or isa lang yung pinanood ko. Kasi ang dami talaga. Siyempre, yung Anak ni Janice [1991], yung mga ganyan, nakatatak na sa kanya.

“Siyempre, I want this role na ako lang talaga. I want sana, hopefully, after they’ve watched this movie sana nakatatak din sa kanila yung role ko. And, of course, yung buong film."

Continue reading below ↓

Ano ang role niya sa Maledicto?

"Ako si Mara dito, nag-iisang kapatid ni Father Xavi, sobrang close sila, kasi siyempre, dalawa lang sila. And, sobrang bait niya.

“We come from a religious family and with this type of thing happened sa kanya, parang yun yung nag-shape sa kung ano yung Father Xavi right after namatay si Mara.

“So, feeling ko, I mean, in my own opinion, ito yung naging foundation ng buong nangyari after she died.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maledicto stars Tom Rodriguez and Inah de Belen open up about their supernatural experiences.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results