Who among these nominees will win in the 42nd Gawad Urian Awards?

BuyBust (upper left frame) and Signal Rock (lower left frame) received the highest number of nominations in the Gawad Urian Awards 2019. Mike de Leon's Citizen Jake was not nominated in the Best Director and Best Film categories.


Hindi nakasama sa Best Picture, Best Director, at ilang technical categories ang pelikulang Citizen Jake sa 2019 Gawad Urian Awards.

Ang pelikulang Citizen Jake ay pinagbidahan ng broadcast journalist na si Atom Araullo. Isa siyang journalist na habang iniimbestigahan ang murder ng isang student ay nadiskubre ang lihim na tinatago ng kanyang sariling pamilya. Ang Citizen Jake ang comeback film ng award-winning film director na si Mike de Leon pagkatapos ng 19 years na hindi ito gumawa ng pelikula. Ang last film na ginawa ni Direk Mike ay ang Bayaning 3rd World noong 1999.

Tatlong beses nang nanalo bilang Best Director si Mike de Leon sa Gawad Urian. Ito ay para Kakabakaba Ka Ba? (1981), Sister Stella L (1985), at Bayaning 3rd World (2000).

Sa acting at editing category nakakuha ng nominations ang Citizen Jake.

Ito ay para sa Best Supporting Actress (Cherie Gil) at Best Supporting Actor (Nonie Buencamino, Teroy Guzman and Lou Veloso). Nominated naman si Gerone Centeno and Tom Estrera for Best Editing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakamaraming nakuhang nominations sa 2019 Gawad Urian ay ang BuyBust with a total of 10 nominations.

Ang BuyBust ay mula sa direksyon ni Erik Matti at bida si Anne Curtis bilang miyembro ng isang team na gumawa ng isang violent drug bust sa isang slum area ng Manila.

Sunod ay ang pelikulang Signal Rock ni Chito Roño with 9 nominations.

Ang Signal Rock ay dinirek ni Chito Roño at tungkol ito sa isang pamilya na nakatira sa isang isla sa Biri, Northern Samar. Pinagbidahan ito ni Christian Bables.

Walong nominations naman ang nakuha ng ML na dinirek ni Benedict Mique Jr. na tungkol sa encounter ng isang student (played by Tony Labrusca) sa isang retired Metrocom Colonel (Eddie Garcia) na may Alzheimer’s disease.

Nakakuha naman ng tig-dalawang acting nominations sina Anne Curtis, Eddie Garcia, at Victor Neri.

Nominated si Anne for Best Actress sa action-drama-thriller na BuyBust at sa romantic drama na Sid & Aya: Not A Love Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Eddie naman ay nominated for Best Actor para sa thriller na ML at sa drama na Hintayan sa Langit.

Nasa dalawang categories naman si Victor, Best Actor for A Short History of a Few Bad Things at Best Supporting Actor for BuyBust.

Ang 42nd Gawad Urian Gabi ng Parangal ay gaganapin on June 18, 2019 sa University of the Philippines Film Institute sa Quezon City.

Heto ang official list of nominees ng 2019 Gawad Urian:

Best Picture

"A Short History of a Few Bad Things," Gale Osorio

"Ang Panahon ng Halimaw," Bianca Balbuena et.al.

"BuyBust," Vic del Rosario Jr. et.al.

"ML," Roselle Lorenzo

"Signal Rock," Chito Roño

Best Director

Whammy Alcazaren, "Never Tear Us Apart"

Keith Deligero, "A Short History of a Few Bad Things"

Lav Diaz, "Ang Panahon ng Halimaw"

Alec Figuracion, "The Eternity Between Seconds"

Denise O'Hara, "Mamang"

Carl Joseph Papa, "Paglisan"

Chito S. Roño, "Signal Rock"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erik Matti, "BuyBust"

Benedict Mique, Jr., "ML"

Irene Emma Villamor, "Meet Me in St. Gallen"

Best Actress

Ai-Ai delas Alas, "School Service"

Perla Bautista, "Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon"

Anne Curtis, "BuyBust"

Anne Curtis, "Sid and Aya"

Glaiza de Castro, "Liway"

Maribeth Fanglayan, "Tanabata's Wife"

Celeste Legaspi, "Mamang"

Nadine Lustre, "Never Not Love You"

Iyah Mina, "Mamu: And a Mother Too"

Bela Padilla, "Meet Me in St. Gallen"

Pokwang (Marietta Subong), "Oda sa Wala"

Best Actor

Carlo Aquino, "Meet Me in St. Gallen"

Christian Bables, "Signal Rock"

Dingdong Dantes, "Sid and Aya"

Ketchup Eusebio, "Mamang"

Eddie Garcia, "Hintayan ng Langit"

Eddie Garcia, "ML"

Miyuki Kamimura, "Tanabata's Wife"

Tony Labrusca, "ML"

Victor Neri, "A Short History of a Few Bad Things"

Dante Rivero, "Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon"

Best Supporting Actress

Pinky Amador, "Ang Panahon ng Halimaw"

Bituin Escalante, "Ang Panahon ng Halimaw"

Cherie Gil, "Citizen Jake"

Daria Ramirez, "Signal Rock"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nova Villa, "Miss Granny"

Best Supporting Actor

Arjo Atayde, "BuyBust"

Nonie Buencamino, "Citizen Jake"

Teroy Guzman, "Citizen Jake"

Joel Lamangan, "School Service"

Victor Neri, "BuyBust"

Romnick Sarmenta, "Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon"

Lou Veloso, "Citizen Jake"

Best Screenplay

Dwein Baltazar, "Gusto Kita With All My Hypothalamus"

Lav Diaz, "Ang Panahon ng Halimaw"

Alec Figuracion, "The Eternity Between Seconds"

Paul Grant, "A Short History of a Few Bad Things"

Erik Matti & Anton Santamaria, "BuyBust"

Benedict Mique, Jr., "ML"

Rody Vera, "Signal Rock"

Irene Emma Villamor, "Meet Me in St. Gallen"

Best Production Design

Popo Diaz, "Ang Panahon ng Halimaw"

Michael Espanol & Roma Regala, "BuyBust"

Roy Lachica, "Goyo"

Martin Masadao, "Mamang"

Mark Sabas, "Signal Rock"

Aped Santos, "Liway"

Thesa Tang, "Never Tear Us Apart"

Best Cinematography

Neil Bion, "BuyBust"

Neil Daza, "Signal Rock"

Nap Jamir, "Tanabata's Wife"

Larry Manda, "Ang Panahon ng Halimaw"

Pao Orendain, "Meet Me in St. Gallen"

Sasha Palomares, "Never Tear Us Apart"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rommel Sales, "The Eternity Between Seconds"

Best Editing

Gerone Centeno & Tom Estrera, "Citizen Jake"

Keith Deligero & Maria Estela Paiso, "A Short History of a Few Bad Things"

Alec Figuracion, "The Eternity Between Seconds"

Jay Halili, "BuyBust"

Carlo Francisco Manatad, "Meet Me in St. Gallen"

Carlo Francisco Manatad, "Sid and Aya"

Carlo Francisco Manatad, "Signal Rock"

May-i Guia Padilla, "Tanabata's Wife"

Mikael Angelo Pestano, "ML"

Best Music

Jake Abella, "Aria"

Pearlsha Abubakar, "ML"

Jamaar Ajero et al, "A Short History of a Few Bad Things"

Kurt Alalag, May-i Guia Padilla & Mark Tan, "Tanabata's Wife"

Teresa Barrozo, "Mamang"

Teresa Barrozo, "Paglisan"

Malek Lopez & Erwin Romulo, "BuyBust"

Malek Lopez & Erwin Romulo, "Never Tear Us Apart"

Best Sound

Aian Caro, Lamberto Casas, Jr. & Albert Michael Idioma, "ML"

Jason Conanan, Daryl Libongco & Mikko Quizon, "Meet Me in St. Gallen"

Whannie Dellosa & Steven Vesagas, "BuyBust"

Albert Michael Idioma, "Signal Rock"

Malek Lopez & Erwin Romulo, "Never Tear Us Apart"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rico Mambo & Angeli Sarmiento, "A Short History of a Few Bad Things"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN