Nicco Manalo reveals showbiz lessons learned from dad Jose Manalo

Nicco Manalo (left) explains why his dad Jose Manalo told him about his showbiz career: "Hindi kita tutulungan."


Bilang anak siya ni Jose Manalo, tinanong namin si Nicco Manalo kung may mga payo o words of wisdom na ibinigay sa kanya ang ama niya na kasalukuyang napapanood sa Eat Bulaga.

Ani Nicco, “Ano lang po talaga, magsimula sa ilalim, magsimula sa pinakababa.

“Lagi. Kagaya nga ng sinabi niya sa akin before, ‘Hindi kita tutulungan. Kung gusto mo talagang ituloy yan, hindi kita tutulungan.’

“And I embraced that!”

Did this make Nicco a better person?

“I really hope so! I mean, I’ve been grateful sa mga nakukuha kong response sa mga tao, sa mga tao na naa-affect ko, napapatawa ko, and I guess malaking-malaking bagay dun is dahil sa sinabi nga ni daddy.

“Iyon yun, e. [Sabi niya], ‘Kailangan mong pagdaanan yan, maiintindihan mo din.’

“And ngayon, nandito na ako sa puntong ito bilang aktor sa buhay ko, naiintindihan ko na ang sinasabi niya.”

May mga sinabi ba sa kanya ang ama niya tungkol sa good and bad side ng showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre may mga sinabi siya na hindi madali. Iyon lang. Parati niyang sinasabi na hindi siya madali.

“Kasi you know, it’s different when you’re acting sa school and then when you’re acting for work.

“When you’re gonna do it professionally, it’s different talaga. Kumbaga… and there are rules like patuloy akong nagma-mature, and there are rules and there are truths na natututunan mo, as you grow older, as you grow with the industry and as a person.”

Dahil na rin sa payo ng ama niya, hindi “nabuhay” sa anino ni Jose si Nicco.

Nakilala si Nicco on his own. Ang iba nga ay hindi alam na anak siya ni Jose.

“Oo nga,” at tumawa si Nicco.

At nakatulong iyon, na natuto si Nicco na magkapuwang sa showbiz sa sarili niyang pagsisikap na hindi ginamit ang ama niya.

“Yes. To begin with, honestly, I would be really scared na mapunta sa shadow niya, na tipong kailangan nakakatawa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So merong challenge, at the same time merong ganung pagiging kalmado with what I do.

“Na parang, I’ll do what I want, I’ll do kung ano yung sa tingin kong tama para matutunan ko kung paano magtatagal sa industriya at kung paano ko magagawa ng maayos ang trabaho ko at makapagkuwento pa.”

Na wala siyang kailangang sundan na yapak ng tatay niya?

“Na wala kang iniisip na ano.”

Hindi raw sila madalas magkita ni Jose, matagal na silang hindi magkasama sa iisang bahay.

“Nakakapag-usap naman po. Sobrang dalang pero nakakapag-usap naman kami and okay kami.”

Nakausap namin si Nicco sa Cinema 76 Anonas para sa press conference ng pelikulang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon.

Gaganap si Nicco bilang si Sam sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na pinagbibidahan rin nina Vera (as Isa), Anna Luna (as Anna) at Alex Medina (as Frank).

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nestor Abrogena at kasalukuyang ipapalabas sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang romance drama movie na Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon ay graded A ng Cinema Evaluation Board.


DIREK NESTOR ABROGENA REVEALS ABS-CBN STARS HE WANTS TO WORK WITH 

Pangalawang pelikula pa lamang ni Nestor Abrogena ang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon (TSHBNT). Ito ang masasabing sequel ng Ang Kwento Nating Dalawa (AKND) na pinalabas noong 2016. Siya rin ang sumulat ng parehong pelikula.

Naging apprentice siya ng direktor na si Lino Cayetano sa ilang mga ABS-CBN shows noong bagong graduate sa college si Nestor.

Huminto si Nestor temporarily nang nakakuha siya ng Film course scholarship sa New York.

Nagsimula siya bilang isang production designer sa mga pelikula. Aksidenteng ang thesis niya na AKND ay na-develop into an indie film na ipinalabas sa mga eskuwelahan hanggang sa naipalabas na sa mga sinehan.

Isa rin siyang teacher sa College of St. Benilde (Taft) sa kursong Multimedia Arts na isinabay niya sa pagpepelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naranasan pa nga raw niya na habang nagsu-shooting siya (ng AKND) sa Benilde mismo ay binigyan siya ng pera ng mga co-teachers at estudyante niya para pandagdag sa pondo ng pelikula niya.

Nasa bucket list ni Nestor na maging artista niya sa pelikula si Joshua Garcia.

“Sobrang gustung-gusto kong makatrabaho si Joshua, sobrang naging fan ako nung Vince, Kath and James. Yung bata, may something, rare yung batang yun, si Joshua.”

Pelikula ito nina Joshua, Julia Barretto, at Ronnie Alonte noong 2016.

“Sana rin si John Lloyd Cruz, siyempre Bea Alonzo,” dagdag pa ni Direk Nestor. 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN