Heart Evangelista talks about doing her first international film

Heart Evangelista is shooting her first international film in China before serving as one of the judges of StarStruck Season 7.


In high spirits ngayon si Heart Evangelista-Escudero dahil sa pagkapanalo ng husband niyang si former senator Francis "Chiz" Escudero bilang governor ng Sorsogon sa naganap na May 13 elections.

Maagang na-proclaim si Chiz bilang governor dahil sa nakuha nitong total votes na 303,000 kumpara sa kalaban nitong si Bladi Frivaldo na 31,800 lamang.

Tinanong tuloy si Heart kung sa Sorsogon na ba siya titira dahil doon na mabe-base si Chiz dahil sa posisyon nito.

Ayon kay Heart ay Manila-based pa rin siya dahil sa kanyang showbiz commitments pero tuwing kailangan siya ng kanyang asawa sa mga proyekto nito sa Sorsogon, hindi raw puwede na mawala siya sa tabi nito.

Pero type din daw ni Heart na magkaroon ng sariling bahay sa Sorsogon.

Wish din niyang makapagpatayo ng animal shelter sa naturang probinsya.

“I think people will also appreciate the idea that I work for what I have, but I will for sure do everything I can to help my husband and help Sorsogon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know I don't mind having a little house there. I really love goats and I really wish to have a shelter there for dogs.

“If things turn out the way we want, as much as I can, I really want to help out in the animals there.

“I don't mind actually staying there. I really enjoy it there, super!” pahayag ni Heart sa interview niya na umere kamakailan sa 24 Oras.

Bukod sa sisimulan niyang bagong show sa GMA-7 (as one of the judges of StarStruck Season 7), busy rin si Heart sa nasimulan niyang international movie shot in China.

Nagigising daw si Heart ng alas-kuwatro ng umaga at nagdya-jogging ito at sinasabayan pa niya ito sa pag-train sa sport na boxing.

“It's my first international and it's my first action movie. And I got the lead role!

“So, parang medyo pressure siya kasi I really have to workout and I really have to be fit or else di ko kakayanin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You've never seen me like this. Even me, I'm shocked, kapag napapanood ko yung sarili kong ginagawa yung ginagawa ko," ani Heart na nakatakdang lumipad ulit for China para sa shooting ng movie.

Nilinaw pa ng Kapuso actress na ang ginagawa niyang movie ay hindi sequel ng Crazy Rich Asians.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN