John Estrada senses spirit of slain Mayor Antonio Halili while shooting The Last Interview

by Rommel Gonzales
May 22, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Minulto si John Estrada habang nagsu-shooting ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story, na palabas na ngayon sa mga piling sinehan ng bansa.

Si Mayor Halili ang mayor ng Tanauan, Batangas na binaril noong July 2, 2018 habang nasa flag-raising ceremony.

“I saw it with my own two eyes, na yung palakol sa sala, may eksena kami doon ni Direk, nahulog na lang basta!” kuwento ni John sa mediacon nitong Mayo 21, Martes, sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon St., Quezon City.

“Yung palakol na yun, hindi siya yung parang kahit na hanginan, e, bigla na lang, basta-basta na lang mahuhulog. Kasi, mabigat.

“So, isang parang figurine iyon na nasa sala nila, na noong sinabi namin kay Ma’am Gina [Halili, asawa ni Mayor Halili], medyo dinismiss ni Ma’am Gina iyung sarili niya, parang naging emotional, dahil alam niya.

“Alam niya, nandoon. Naramdaman namin na nandoon talaga si Mayor parati during our shooting days.

Continue reading below ↓

“'Tapos, yung patay-sindi ng ilaw, pati yung ilaw namin sa set, at tsaka yung PA ni Ara [Mina] na nakakainis!” at tumawa si John.

“May third eye daw siya at meron talaga, talagang vocal siya, sinasabing nakikita niya si Mayor na, you know, roaming around the house talaga.

“To tell you the truth, kaya nga medyo praning ako noong una, sabi ko, ‘Direk, pasensiya ka na, hindi ako takot sa tao, pero sa multo, takot ako!’

“Baligtad, e, talagang takot ako sa multo. Ayoko yung mga feeling na, ‘Dyusko, may nagpaparamdam!’

“Nagkukuwentuhan nga kami nina Direk na sabi ko, ‘Paano kung bayaran ka ng isang milyon, maiiwan ka rito?’

“Kasi medyo malaki yung lugar nina Mayor sa Tanauan, e. ‘Mag-isa ka lang, 'tapos brownout,' tapos may sumisitsit sa ‘yo.’

“Parang ganun!” at muling tumawa si John.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, hindi ko kakayanin, baka atakihin ako sa puso, di ba? Pero naramdaman namin yun.

“Hindi man ako naniniwala siguro sa multo, but I know for a fact that merong mga espiritu—again hindi ako expert—na alam kong nandiyan lang because they still need some issues to fix, di ba?

“Some, di ba, parang probably justice, yung mga ganun. So, sana sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mayor Halili.”

Continue reading below ↓

JOHN ESTRADA'S GHOST EXPERIENCE

May pinanggalingan ang takot ni John sa multo…

“Noong bata ako, hindi ko makalimutan ‘to, siguro doon nanggaling yung trauma ko,” lahad ni John.

“Siyempre, musmos ako noon, I was seven years old, yung bunso kong kapatid na lalaki was five.

“Namatay yung lolo ko na pinakapaborito niyang apo yung bunso kong kapatid. Namatay yung lolo ko nung August.

“Meron ako train, yung laruan na tren. Aside from walang baterya yun, sira na.

“So, ang katabi kong matulog parati, yung kapatid kong bunso na lalaki. Pangalan niya, Eduardo.

“May sakit siya noon, may fever. Kamamatay lang ng lolo ko... siguro mga five days na namatay ang lolo ko.

“Yung casket ng lolo ko, nasa amin pa, nasa itaas ng bahay namin. Kasi, sa probinsiya pa yun e, yung burol minsan sa bahay, di ba?

“Isipin mo, ako, nakita ko yun ha, tumunog… yung tren kong yun, may ilaw yun sa bandang itaas kung saan lumalabas yung usok.

Continue reading below ↓

“Umilaw yun 'tapos tumunog!

“Na nasa itaas ng aparador namin, na sira na talaga [ang train], kitang-kita ng mata ko yun. Pero hindi ko napansin yun noon, kasi bata nga ako.

“Hanggang, two months after, namatay yung kapatid ko.

"At sinasabi ng nanay ko, ng tatay ko at lola ko, parang kinuha yung paborito niyang apo.

“So, nung namatay naman yung kapatid ko, iyon ulit, yung tren, tumunog na naman!

“Kinuwento sa akin ‘yan hanggang na-develop, hindi na ako makatulog, parati ko nang tinitingnan yung tren na yun.

“Parang halos araw-araw, umiiyak na raw ako sa nanay ko na huwag na lang akong matulog sa kuwartong yun.

"Kasi nga, ayokong makita yung tren na umiilaw, 'tapos tumutunog na alam ko naman walang baterya at sira pa!

“So, I guess, doon na-develop yung takot ko sa multo. I was seven years old, hindi ako makatulog.

Continue reading below ↓

“Na-train ko nga ang sarili ko na natutulog ako, nakadilat! Kasi, tinitingnan ko ‘yung train.

“Pero ngayon, hindi na, nakakatulog naman akong mag-isa huwag lang akong manood ng horror movies. Kasi, pumapasok sa isip ko yung nangyari.”

Hindi na alam ni John kung nasaan ang nasabing train.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results