Yvonne, Bomba Queen of 1970, reminisces her glorious days

IMAGE Jerry Olea

Former bomba star Yvonne won Best Supporting Actress at the 1st Gawad Urian in 1977 for her role in Ligaw Na Bulaklak.


Hindi na kilala si Yvonne ng mga kabataang nanood ng pelikulang Ligaw Na Bulaklak (1976) noong Mayo 25, Sabado ng hapon, sa Tanghalang Manuel Conde ng Cultural Center of the Philippines.

“Sino po kayo sa movie?” usisa ng isang milenyal.

Napangiti ang dating bomba star at sinabing siya si Remedios, ang belyas o kanturay na nagkumbinsi kay Evelyn (Alma Moreno) na bumalik sa kabaret ni Mommy (Marissa Delgado).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkaroon ng contest way back 1970... na, I think, that was Liwayway magazine, Roces Publication?

"Then, ang nangyari, nagkaroon ng contest—The Bomba Queen of 1970," salaysay ng 66-anyos na si Yvonne, na kauuwi lang mula sa Japan.

“Naglabanan ako at saka si Rosanna Ortiz. I won by 1,000 votes... mahigit 1,000 votes.”

BOMBA QUEEN, THE MOVIE

Nagbayad ang Seiko Films para sa rights ng pagsasapelikula ng buhay ni Yvonne, sa Bomba Queen (1985) na pinagbidahan ni Sarsi Emmanuelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinakwil ni Yvonne ang nasabing pelikula.

Katuwiran ni Yvonne, “Hindi totoo yun. Hindi ako yun. It’s not my story anymore!

“The only truth there is my name, that’s all.

"Iyong name ko as Rosemarie Siason, as Josephine Samson, as Yvonne. That’s it! That’s all!” maigting niyang pagmumuwestra.

Hindi raw sinunod ang script.

Napapangiwing lahad ni Yvonne, “Ginawa akong stuntwoman?! E, di ba, gumagapang ako doon sa lintek na maliit na kahoy na yun...

“'Tapos, may boyfriend daw akong stuntman na nagpakamatay?! Sino ‘yon?! Puwede ba, ituro ninyo sa akin kung nasaan ang libingan niyan!

“Wala akong natatandaan na naging boyfriend kong stuntman. Meron akong naging boyfriend at naging asawa ko, si Leo Ferrer, na hindi siya stuntman.

“He’s a kontrabida, bit player at saka singer. That’s it!

“Walang stuntman! Kung may stuntman sa buhay ko, ba’t ko naman ikakaila ‘yon, e, masarap sana, nag-i-stunt din kami sa gabi? Di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOMBA STAR AT 16

Sixteen years old si Yvonne nang magsimula sa paggawa ng bomba movies, at tinagurian siyang "Kalbo."

Nagse-shave ba siya o nagti-trim ng pubic hair?

“No! Talagang kalbo!” pagmulagat ni Yvonne.

“Kaya nga 16 ako noon, wala pa... 16 years old, wala pa talaga!”

Hindi pa uso noon bikini waxing, at hindi nagtangka si Yvonne na mag-shave down there dahil,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong masugatan!”

Dagdag ni Yvonne, “Actually, hindi naman eksaktong kalbo, e. Kumbaga sa ano, balahibong pusa kaya hindi makita.

“E, akala nila, kalbo. Yun... ‘yon ang laging ibinebenta sa akin. Kalbo raw ako.

"Doon ako well-known. As Kalbo.

“Kaya nga minsan, may nagtataka, ‘Kalbo?! Mahaba naman ang buhok, ah?!’ ‘Kako, mag-isip kayo kung saan ako kalbo!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAWAD URIAN BEST SUPPORTING ACTRESS

Nagwaging best supporting actress si Yvonne sa 1st Gawad Urian para sa Ligaw Na Bulaklak, na launching movie ni Alma Moreno sa direksiyon ni Ishmael Bernal.

Tabla sila noon ni Maya Valdez, na nagwagi para sa Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo na idinirek ni Lino Brocka.

Kinabog nila sina Marissa Delgado (Ligaw Na Bulaklak), Moody Diaz (Itim), at Laurice Guillen (Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo).

Paggunita ni Yvonne, “Natatandaan ko, Pebrero iyon.

"Ang speech ko, sabi ko, ‘Pumunta ako rito, hindi ko akalain, mananalo ako. Kasi, ambibigat ng mga katunggali ko.’

“Nagagalit sa akin si Maya Valdez, nakasimangot.

"Sabi ko, bakit kaya? Si Miss Rita Gomez, nakaupo sa ibaba, tawa nang tawa. Sabi ko, ‘Bakit?!’

“Natanto ko na lahat pala sila, mabibigat. E,‘yun ang nasa isip nila.

“Sabi ni Maya sa akin, ‘Mag-ingat ka sa pagsasalita, Yvonne, ha?’

"‘Hindi, ang ibig kong sabihin, mabigat umarte!’ ‘Ahhh... ganoon, ha?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya iyong time na iyon talaga, very memorable sa akin.

"Actually... hindi ko akalain na mananalo ako... kasi inuna nila ang pangalan ni Maya Valdez.

“Which is ang title niya, e, Lunes, Martes, Miyerkules... napakahaba.

"E, pababa na ako. Pabalik na ako sa upuan.

“Sabay si Rudy Fernandez, siya ang presentor doon, sabi sa akin, ‘Ate Yvonne! Ate Yvonne!’

"‘Ha, bakit?’ ‘Nanalo ka!’ ‘Ha, nanalo ako? Wala naman....

“Hindi ko kasi narinig yung ano, yung announcement ng... yung title kasi, ang haba kasi kay Maya Valdez, e!

“Kung gaano ka-sexy ang pag-pose ko noong pagpanhik nang kinuha ko yung nominee na ano, plake namin... awa ng Diyos, para akong lalaking umakyat sa entablado pabalik.

“Talagang hindi ko akalain na mananalo ako. It’s really good.”

Bakit kaya siya nanalo sa unang Gawad Urian?

“Iyan din ang itinanong ko sa sarili ko. I haven’t had the slightest idea, not even ganito kaliit!” bulalas ni Yvonne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga. Actually, natanong ko ‘yan kay Nestor Torre. Sabi ko, ‘Bakit ako nanalo?’ Sa totoo, noong makita ko, parang kulang!

“Noong nagda-dubbing na kami, ‘Direk, parang may kulang!’

"Sabi ni Ishmael, ‘No, no, no, no, it’s OK! It’s OK already.’ Sabi ko, ‘Hindi, parang may kulang!’

“Gusto ko kasi, ganun-ganun-ganun yung gawin ko.

"Sabi ni Direk, ‘Puwede na, tama na, nandiyan na, e! Dina-dub na natin!’

“Sige, ‘kako, wala nang magagawa,” pagkibit-balikat ni Yvonne.

“E, nanalo ako. Actually, sinabi sa akin ni Nestor Torre, ang una na ipinapanalo ko, ‘Nanay ko, kanturay. Ako, kanturay. Magiging anak ko, kanturay!’ Iyong eksenang iyon, isa.

"Pangalawa, yung isa sa mga belyas na umalis na, may naggarahe sa kanyang lalaki, na pinakasalan siya, yung eksena na... 'Heh... sige, ha? Unti-unti, yung... tinitingnan na... paano na kami? Anong mangyayari sa amin sa lugar na ito?'” pag-reenact ni Yvonne.

“'Makakaalis pa kaya kami?' Yung gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, pangatlo, yung hagdanan na tuluy-tuloy ang dialogue ko pababa doon.

“Iyon ang tatlo. Iyon ang sabi sa akin ni Nestor Torre.

“Pero actually, sa totoo lang, hindi ko akalaing mananalo,” pag-iling-iling ni Yvonne.

PRIVATE SHOW

Proud din si Yvonne sa pelikulang Private Show (1985) na pinagbidahan ni Jaclyn Jose, sa direksiyon ni Chito S. Roño. Ang papel niya roon ay torerang madasalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-nominate din ako sa Private Show,” napangiting sambit ni Yvonne.

“Actually, may lumapit sa akin... ito, totoo lang! Alam niyo naman ako, diretsa ako.

“May lumapit sa akin, tatlong tao. Pumunta sa bahay ko.

"Ang sabi sa akin, ipinatatawag daw ako ng FAMAS.

“Sabi ko, ‘Ha? Bakit?’ ‘Kasi, gusto raw kayong makausap.’ ‘Bakit ako kakausapin? Para sa ano?’ ‘E, tungkol sa ano niyo, nominee.’ ‘Ahh, ganoon? Huwag na lang. Kasi, wala akong pera, e!’

“Kung gusto ko ng trophy, mas mura, pupunta ako sa Raon, magpapagawa ako ng trophy.

“Kasi, balitang-balita yun. Lagayan.

“Pero I’ll tell you this. Urian Award, walang... eto, tapatan.

"At that time, nang pumunta ako sa Urian na yun, award na ‘yon, actually ang pera ko is P50.

“Kaya I’m proud to say, I won the award, hindi dahil dito,” pagmuwestra niya sa pera.

“Una, dahil sa Ama.

"Pangalawa, dahil kay Ishmael Bernal. Piniga ako talaga ni Ishmael. Talagang pinukpok ako nang husto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Bernal?

“Napakasaya niyang magdirek. Walang dull moment sa kanya. Andoon na meron kaming mga lengguwaheng binuo.

“Magaan siya. Hindi ka niya pine-pressure. ‘Ok, gusto mong mag-emote, sige, ituloy mo. Ituloy mo. Ganyan. Ready...’

“Hindi mo napapansin na kinukunan ka na pala. Iba siyang magdirek.

"Bawat artista, talagang binibigyan niya ng importansiya. Dine-develop niya ang talent ng isang tao.

“Kasi, ako, sa totoo lang, sino ba ako? Bomba star lang ako.

“Ano’ng alam ko sa akting? Hindi ko kilala ‘yan.

“Ipinakilala sa akin ni Ishmael Bernal. Sa totoo lang, si Ishmael Bernal is my hero.

“Siya ang naglagay sa akin dito,” maluha-luhang sambit ni Yvonne.

Ang free showing ng Ligaw na Bulaklak last Saturday ay proyekto ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film).


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN