Jane Oineza remains coy when asked about auditioning for Darna

IMAGE Instagram

Is Jane Oineza interested in playing the iconic role of Darna? The Kapamilya actress says, "Siyempre naman po. If given the chance, bakit naman hindi po?"


Walang direktang kumpirmasyon mula kay Jane Oineza tungkol sa bali-balitang isa siya sa mga nag-audition para sa papel na Darna matapos na umurong si Liza Soberano for health reasons.

Pahayag ni Jane na nangingiti, “Secret! Secret!

"Yun nga po, kung kinu-consider nga po ako or kung tatanungin ako, siyempre, it would be an honor.

"And malaking blessing po yun. Bakit nga naman po hindi?"

Pero kung siya ang tatanugin, sino sa palagay niya ang pinaka-fit sa role na marami ang interesadong gumanap, bukod sa kanyang sarili?

Aniya, “Hmmm, marami po, marami. Maraming puwedeng mag-represent.

"Kung napabilang ako dun sa mga nasa-suggest or naiisip, malaking karangalan."

Personally, interested rin ba siyang gampanan ang role na ito?

Pag-amin ng 22-year-old actress, “Siyempre naman po. If given the chance, bakit naman hindi po?”

Ano ba ang paghahandang ginawa niya para siya ay ma-consider?

Nag-aalangang sagot ni Jane, “Ah, wala pa pong puwedeng sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa po akong sinasagot kung oo o hindi.

“Sabi ko lang, it would be an honor.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jane sa red-carpet premiere ng pelikulang Finding You na ginanap sa SM Megamall, sa Mandaluyong City, kagabi, May 27.

Ang pelikulang ito na pinagtatambalan nila ni Jerome Ponce ay ginawa ni Direk Easy Ferrer para sa Regal Entertainment, Inc. na magbubukas bukas, May 29.

Samantala, maganda ang naging feedback sa pelikulang ito matapos mapanood ng moviegoers.

Ano reaksiyon niya rito?

Ani Jane, “Nakaka-proud po na napanood ko.

“And yun nga po, yung reaksiyon ng mga tao na mga kasabay ko ay nakaka-overwhelm. Ang sarap sa puso, and sobrang natutuwa po ako. Happy.

“Marami kasi ang nakaka-relate lalo na yung mga hindi makalimot at hindi makahugot about a love and friends.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN