Snooky Serna wants reunion project with Maricel Soriano, Dina Bonnevie

by Glenn Regondola
Jun 4, 2019
Snooky Serna: "Parang gusto na nga nila akong sunugin! Gusto na akong ipabugbog ng iba yata!"
PHOTO/S: Glenn Regondola

Natutuwa si Snooky Serna dahil aktibo na naman sa showbiz ang mga kasabayan niyang sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

“Nabalitaan ko, may movie pa si Marya with Vice Ganda.

"Natutuwa ako dahil si Ms. D ay active din siya,” masayang sambit ni Snooky.

“Ang wini-wish ko na lang... ang prayer ko ay sana magkasama kaming tatlo.

“Sana, magkaroon pa kami ng chance and blessing to be working together.

“Sana, may makaisip, at may mag-take ng risk.”

Kabilang sa movies nina Snooky, Maricel at Dina ang Underage (1980), Age Doesn’t Matter (1981), School Girls (1982), Ride On, Baby (1985), at The Graduates (1986).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa location shoot ng pelikulang Black Lipstick na nag-last shooting day noong Hunyo 1, Sabado.

TARAY ROLE IN SAHAYA

Epektibo ang taray role ni Snooky sa Kapuso primetime show na Sahaya.

Reaksiyon niya, “Ang dami na ngang naiinis sa akin. My gosh!

Continue reading below ↓

"Parang gusto na nga nila akong sunugin.

“Gusto na akong ipabugbog ng iba yata. Pero hindi ko ako ganoon, trabaho lang po.

“Sinasabi ng iba kapag nakakita ako, ‘Alam ninyo, ang sungit niyo ho! Ang sungit niyo sa Sahaya. ‘Wag naman po yung ganong ugali, ang sungit niyo naman!’

“Basta, affected sila.”

Ano ang dating sa kanya ng mga ganitong comment?

Aniya, “Ako, nata-touch naman ako sa mga nagsasabi sa akin ng ganoon.

“I feel so grateful knowing that maybe I’m doing my job pretty well for them to have that kind of emotion na talaga namang...

“Parang... what a kind of strong emotion na para bang malapit na sa hate, e!”

Masaya ang 53-anyos na aktres na nabibigyan siya ng ganitong offbeat role dahil noong kasikatan niya ay halos pa-sweet lahat ang napupunta sa kanyang papel.

“I’m so happy to be able to do this. Yung mga ganitong klaseng roles na malayo sa...” natigilan sandali si Snooky.

Continue reading below ↓

“I’m not saying that I’m perfect, pero yung sa personal ko, at yung mga dating roles ko na ako yung inaapi, masyadong sweet, and fragile, ngayon, ako naman yung talagang maton at nang-aapi.

“Iba yung take, so it’s a challenge to me. Nakakatakot siyang gawin, pero at the same time, nakaka-excite.

“Excited akong gawin, at enjoy ako kasi nga, kakaiba. Hindi ko ito na-experience for the longest time.”

Minsan ay nadadala niya ang karakter niya pag-uwi niya sa bahay.

Saad ni Snooky, “Feeling suplada na ‘ata ako. Medyo masungit-sungit nang konti, pero my friend can attest kung ano ba.

“Seriously speaking, I think nagiging sensitive ako. But I think that’s okay for actors to have that sensitivity, kasi feel na feel mo minsan yung role.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Snooky Serna: "Parang gusto na nga nila akong sunugin! Gusto na akong ipabugbog ng iba yata!"
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results