Direk Joel Lamangan praises David Licauco's acting: "May husay din."

by Rommel Gonzales
Jun 16, 2019
Award-winning director Joel Lamangan on David Licauco: “May husay din. Alangang sabihin ko hindi mahusay, 'no? May husay din.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

“Maganda siya, kung napanood ninyo ang trailer, maganda siya,” bulalas ni Joel Lamangan tungkol sa pelilkulang Because I Love You na dinirehe niya para sa ALV Films at Garahe Films.

Mga bida niya rito sina David Licauco at Shaira Diaz.

Lahad niya, “Guwapo yung David Licauco, mahusay yung Shaira Diaz!

“Ako ang nag-workshop kay Shaira Diaz sa Channel 5 dati.”

Biro namin kay Direk Joel, bakit guwapo lang ang nasabi niya tungkol kay David?

“May husay din,” bawi ng mahusay na direktor tungkol sa Kapuso hunk.

“Alangan namang sabihin kong hindi mahusay, 'no? May husay din.”

Hindi naman daw siya nahirapan na bumuo ng chemistry kina Shaira at David.

“Kasi sexy silang dalawa. At mahusay silang dalawa.

“At binigay lahat dito ni Arnold.

“Ang gaganda ng location namin dito.

“First time kong nag-shooting sa Roxas Boulevard, sa City of Dreams!

Continue reading below ↓

“Susyal doon! Imagine, si Arnold lang ang nakaka-shooting doon.

“Meron pa ditong shooting ng mga kaba-kabayo, polo.

“May budget!” hirit pa niya.

Ang talent manager na si Arnold Vegafria na siya ring producer ng pelikula ang tinutukoy ng award-winning director.

Nakausap namin si Direk Joel sa Café 1771 Events Place, Ortigas Center, sa mediacon ng Because I Love You noong June 6, Huwebes.

Bukod kina David at Shaira ay nasa pelikula rin sina Martin del Rosario, Michelle Dee, Timothy Lawrence Yap at Samantha Lopez.

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa June 26.

Mayamang executive si Rael (David) at isang firewoman si Summer (Shaira) sa pelikula.

Pinuri rin ni Direk Joel ang mga tao sa likod ng Garahe Films na co-producer ni Arnold.

CHOOSING THE CAST

Hindi ba namimili si Direk Joel ng artistang ididirek niya?

“Namimili… nung mga support!

“Yung major [cast members], yung producer.

Continue reading below ↓

“Wala naman akong karapatang mamili ng major, hindi naman ako ang mag-aano ng pera.

“Yung producer ang pipili ng major na akala niya ibabalik ang pera niya dahil iyon ang hahatak sa takilya,” paliwanag niya.

Kaya kahit sino ang major or lead stars ng pelikula na ibigay sa kanya o piliin ng producer niya ay ayos lang kay Direk Joel.

Kahit hindi pamilyar sa kanya ang mga ito?

Sabi niya, “Sasabihin ko sa producer, ‘Sino ba yan? Hindi ko kilala yan.’

“Sasabihin ng producer, ‘Ah hindi, si ganito, ganyan yan.’”

Gagawin pa rin niya ang pelikula?

“Depende sa price!” hirit niya.

Kaibigan daw niya si Arnold, na isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang Because I Love You.

ACTING 101, LAMANGAN STYLE

Paano kung halimbawang may ginagawa siyang pelikula at nadiskubre niya along the way na hindi talaga nakaaarte ang major cast members niya?

Continue reading below ↓

“Sasabihin ko, ‘Hoy, hindi nakakaarte ang artista mo!’

“'Tapos, sasabihin sa akin [ng producer], ‘Aba, e problema mo na yun!’

“Sa akin din babalik,” at tumawa si Direk Joel.

So ano ang gagawin niya?

“Pupukpukin ko ang artista para makaarte!” giit niya.

Hindi raw niya pababayaan na lang na bano ang acting ng artista niya.

Mabilis niyang tugon, “Ay, hindi! Mahigpit ako doon.

“Nagagalit sila sa akin usually during the shoot, but after that they will love me!”

Kasi nga ay natututong umarte ang mga artista dahil kay Direk Joel.

May nakatikim ba ng “pukpok” o “lupit” ni Direk Joel sa mga artista ng Because I Love You?

Pagklaro niya, “No, hindi naman lupit. Guidance!

“Humusay naman.”

Wala rin daw nale-late sa set niya, dahil bawal raw sa kanya ang artistang nale-late sa shooting.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Direk Joel tungkol kay David, “Si David naman nakakaagapay, bukod sa number one yung kanyang looks. Guwapo siya, e!

“Mahirap yung hindi marunong umarte pero pangit pa.

“Napakahirap nun, yung pangit na hindi pa mahusay.

“Hindi baleng pangit kung mahusay!

“Kung pangit na hindi pa mahusay, dyusko, napakahirap!”

RAINBOW'S SUNSET SEQUEL

May kasunod na raw ang pelikulang Rainbow’s Sunset, ang pelikulang pinagbidahan nina Eddie Garcia at Tony Mabesa na humakot ng maraming awards mula sa iba't ibang award-giving bodies.

Ang sequel ay pinamagatang Isa Pang Bahaghari.

Tuloy na ba dito si Nora Aunor na makakasama nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III?

Aniya, “Ilalaban namin na makuha. Parang okay siya.”

Sina Christopher at Tirso?

“Nililigawan pa, nililigawan pa,” pakli niya.

Samantala, nakagawa na ng sexy movies dati si Direk Joel, at puwede daw siyang muling gumawa ng ganitong genre.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Pero pinipili ko lalaki. Yung mai-inspire ako na, ‘Ang guwapo naman!’

Nais raw niyang gumawa ng daring and sexy movie na si Daniel Padlla o si James Reid ang bida.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning director Joel Lamangan on David Licauco: “May husay din. Alangang sabihin ko hindi mahusay, 'no? May husay din.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results