GMA-7 actress Kris Bernal amazed by ABS-CBN actor Jake Cuenca's acting skills

by Bernie V. Franco
Jun 18, 2019
Kapuso actress Kris Bernal highly impressed by Kapamilya actor Jake Cuenca's technique in acting.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Jake Cuenca is Jake Cuenca.”

Ito ang papuri ng Kapuso actress na si Kris Bernal sa Kapamilya actor na katambal niya sa pelikulang KontrAdiksyon.

Sabi pa ng 30-anyos na aktres, magandang pagkakataon na makatrabaho ang isang aktor mula sa kabilang TV network, lalo pa’t halos naipareha na siya sa lahat ng leading men ng GMA-7.

“Siyempre, mahusay si Jake. Wala naman akong naging problema kay Jake.

"As in talagang pag trabaho, trabaho," pahayag ni Kris sa presscon ng pelikula nila ni Jake noong June 15, Biyernes.

“And natutuwa din ako siyempre, Jake Cuenca is Jake Cuenca.

"So, nabigyan din ako ng chance to work with him, and also from other network.

“Kumbaga kasi, siyempre naikutan ko na rin lahat ng leading man sa GMA, e.”

Ano ang mga katangian ni Jake at nasabi niyang mahusay itong aktor?

Ayon kay Kris, “No preparation at all, like, he can change emotion at prompt. Pitik lang.

Continue reading below ↓

“Yun nga, no preparations need, no rehearsals, walang ganun.

“Of course, yung iba ko namang leading men, hasa rin naman.

"But with Jake kasi, talagang it’s effortless."

Kung magpapaturo man daw siya kay Jake bilang artista, gusto ni Kris na matutunan ang atake para sa mabilis na pagpalit ng emosyon.

“I don’t know what’s his technique, pero kailangan maturuan din niya ako kung paano talagang ang daming emosyon sa isang eksena.

"Nagawa ko rin naman yun, pero with no further preparation.

“Feeling ko, pinag-aralan din talaga niya yung script.

“So, I guess, yun ang nakuha ko kay Jake—study the character, get into the character, and you’ll feel it right away.”

KRIS BERNAL DOES ACTION FOR THE FIRST TIME

Ito ang unang pagkakataong sumabak si Kris sa paggawa ng action movie.

Saad ng Kapuso actress, “Ipapakita niya rin yung versatility ko as an actress na hindi lang ako nakakahon on TV and puro drama.

Continue reading below ↓

“At least ito, nabigyan ako ng chance to do action.

"Kasi yun talaga ang feel kong hindi ako mabibigyan at all kasi ang liit-liit ko, ang petite ko.

“Feeling ko, never akong mai-involve sa isang action series or action movie.

"But then, yun nga, nabigyan ako ng Bell Films ng ganitong project kasama si Jake at ibang actors.

"It’s a dream come true for me."

Tampok din sa KontrAdiksyon sina Katrina Halili, Arnold Reyes, Ritz Azul, Paolo Paraiso, at Elizabeth Oropesa.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa June 26.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kris Bernal highly impressed by Kapamilya actor Jake Cuenca's technique in acting.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results