Zanjoe Marudo cast as a closet gay in horror film Maria Leonora Teresa

Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, and Zanjoe Marudo (in photo) topbill the horror film Maria Leonora Teresa.


Umaasa si Zanjoe Marudo na hindi maninibago ang kanyang fans sa pelikula nilang Maria Leonora Teresa. Isa itong horror movie na taliwas sa lagi niyang papel sa kanyang mga pelikula tulad ng Bromance at My Illegal Wife na pawang comedy.

Sa TV man, bahagi si Zanjoe sa gag show na Banana Split ng ABS-CBN. Kaya sanay talaga ang marami na mapanood siya bilang komedyante.

“Ayun nga, e, sana ay hindi naman manibago ang viewers. Sana tanggapin nila yung role ko rito sa Maria Leonoro Teresa,” panimula ni Zanjoe nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng naturang pelikula sa Himlayang Pilipino kamakailan.

“Makikita nila rito ang bago kong ginawa, na sobra talagang seryoso. Sa tingin ko ay hindi naman sila matatawa,” dagdag pa ng actor dahil sobrang nakakatakot raw talaga ang pelikula nila na idinerehe ni Wenn Deramas.

Anong role mo rito?

“Bale ako po rito si Julio. Isa ako ditong grade school teacher. Mayroon akong anak na six year old, batang babae.”

Gay ulit iyong role mo rito?

“Opo, closet gay po iyong role dito ni Julio. Pero seryoso po. Seryoso ito, seryoso… Seryosong gay ako rito na hindi tulad noong ginawa ko dati na Bromance na comedy,” paliwanag pa ng Kapamilya actor.

So ang mapapanood sa iyo rito, si Zanjoe na actor at hindi komedyante?

“Seryoso, seryoso kong tinrabaho yung role ko. Kung ano yung pinagawa sa akin ni Direk, yun iyong ginawa ko. Kung ano yung hinihingi ng eksena, iyon yung ginawa ko.”

Ayon pa kay Zanjoe, excited siya sa pagkakasali sa first horror movie ni Direk Wenn Deramas.

“Siyempre excited, excited ako na kasali ako sa una niyang horror movie, ‘di ba?

“Kumbaga ay first niya ito and first ko rin gagawin itong ganitong klase ng character sa isang pelikula. Kaya ang sarap na sabay-sabay kami na gumagawa and eto, malapit na kaming matapos. Tingin ko, maganda yung project na sinimulan namin,” nakangiting saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak din ng actor na ibang klaseng horror movie ang ihahandog nila sa viewers.

“Sa pagkakakita ko ng mga ibang mga scenes, kahit ako, kahit alam ko na iyong eksena ay nagugulat pa rin ako, e.

“Kahit na eksena ko halimbawa, tapos kunwari ay magda-dubbing ako, nagugulat pa rin ako pati yung mga kasama ko.

“Siguro naman maganda yung kalalabasan nito. Talagang punong-puno ng horror and drama. Siyempre ang istorya, na positive tayo.”

Ang Maria Leonoro Teresa ay mula sa Star Cinema at pinamahalaan ng box office direktor na si Wenn V. Deramas. Bukod kay Zanjoe, tinatampukan din ito nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Dante Ponce, Cris Villanueva, Joem Bascon, at iba pa. Showing na ito sa September 17.

Kuwento na ito ng tatlong magulang: sina Faith (Iza), Julio (Zanjoe), at Stella (Jodi) na nawalan ng mga anak sa isang malagim na trahedya, sina Maria, Leonora, at Teresa. Para maibsan ang pait ng sinapit nila, ipinayo ng psychiatrist na si Manolo (Cris Villanueva) na magkaroon sila ng life-size dolls.

Subalit imbes na makatulong, dito na nagsimula ang mga madugong kaganapan at kababalaghan.

“So, eto nga lang, umabot siya sa punto na--hindi ba may manika tayo? Doon na siya kumapit para maging masaya siya,” saad pa ni Zanjoe.

Paano mo pinaghandaan ang character mo rito?

“Actually hindi ako nagkaroon ng time para paghandaan, pero nakakatuwa si Direk Wenn, lagi akong kumakapit sa kanya. Kapag alam kong hindi ko kaya iyong mga eksena, kung ano yung mga kailangan kong gawin, kapag hindi ko alam, lagi siyang nandiyan.

“Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala, akong bahala. Ipapakita ko sa iyo kung paano.’

“So, inalalayan niya rin ako nang husto rito.”

Wala bang extra pressure dahil kilalang box office direktor si Direk Wenn, kaya dapat ay maging blockbuster din ang movie’ng ito?

“Lagi namang may pressure kahit naman anong project, hindi ba? Hindi naman mawawala iyan. At saka maganda iyon na may pressure, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibig sabihin kasi, ibig sabihin ay nag-e-expect yung tao at nag-e-expect din kami ng magandang kalalabasan nito. Positive naman kami sa project na ito, mukhang maganda siya at saka kakaiba ito,” paliwanag ni Zanjoe.

ON WORKING WITH IZA AND JODI. Kamusta namang katrabaho sina Iza at Jodi?

“Masarap naman silang katrabaho. Unang-una, first time ko silang nakatrabaho sa pelikula and napakagaan, ang gagaling… Tapos ay napaka-professional nila.”

Ikaw ba ay nakaranas ng nakakatakot o kakaibang experience habang ginagawa ang pelikulang ito?

“Parang wala naman akong naramdaman, parang wala naman.”

Ayon pa kay Zanjoe nakatulong sa kanilang mga artista ang mga manika rito, para mas lumabas na nakakatakot ang mga eksena nila.

“Kasi iyong mga kasama naming mga manika, kapag tinignan mo sila ay nakakatakot na talaga sila, e. Kapag nangyari sa totoong buhay iyon, hindi ba? So iyon, parang nakakadagdag nga, nakakatulong sa amin iyon, na dagdag dun sa arte namin sa horror.

“Kasi, iyong itsura ng mga manika, parang scary na talaga.”

Personally ba, naniniwala ka sa mga multo o sa mga kababalaghan?

“Hindi ko naman ho sinasabi na hindi ako nananiwala, pero hindi rin naman ako nakakakita pa. So, hindi ko po alam kung ano talaga iyong totoo.”



PROPOSAL FOR BEA? Samantala, dahil parang uso ngayon ang mga proposal sa showbiz couple, hindi n’yo pa ba napag-uusapan ni Bea Alonzo ang ukol sa kasal?

“Oo nga, uso nga raw, e,” nakagiting saad niya.

“Pero hindi, e… iyong proposal naman at ang mga kasalan, hindi porke’t uso ay makikisali ka.

“Hindi pa namin napag-uusapan iyon, e, at saka bata pa kasi ako, e,” pabirong saad pa ni Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN