Enzo Pineda on doing love scenes with Sunshine Cruz: "It takes a lot of your energy."

by James Patrick Anarcon
Jul 3, 2019
Enzo Pineda talks about doing love scenes with Sunshine Cruz for the Cinemalaya 2019 entry Malamaya.

Natupad ang isa sa mga goals ni Enzo Pineda na magkaroon muli ng pelikulang kasali sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. This 2019 ay kasama siya sa full-length film na Malamaya (The Color of Gray).

Si Enzo at si Sunshine Cruz ang bida sa naturang Cinemalaya 2019 entry na ipapalabas mula August 2-11.

Unang napanood si Enzo sa Cinemalaya sa pamamagitan ng pelikulang Sundalong Kanin noong 2013.

“Totoy pa ako noon, e. Pero marami ang nakaka-alaala ng role ko sa Sundalong Kanin,” pag-aalaala ni Enzo nung makausap namin ang ABS-CBN actor sa set ng Malamaya sa Paco, Manila.

Ano ang nagustuhan niya sa Malamaya kaya niya tinanggap ang proyekto?

"To be honest with you, nag-audition ako sa Cinemalaya. Di ba, last year pa ‘to? So, nag-audition ako,” pag-amin niya.

“May mga projects ako na gusto kong pasukan. So, nag-audition ako sa isang project. Dalawang callback ako, o tatlong callback. Tapos hindi po ako nakunan doon. Tapos biglang pumasok po ang Malamaya.

Continue reading below ↓

“Probably, naka-focus sa isang proyekto na hindi ko nakita yung opportunity. So, I consider this a blessing in disguise. So, parang, kung para sa ‘yo talaga, para sa ‘yo.

“Akala ko nawala na yung hope ko sa pagpasok ko sa Cinemalaya this year. Kasi, nasa vision board ko ‘yan, e. Meron po akong mga goals every year. So, may long-term goal ako, may short-term goal ako. Part ng short-term goal ko is to be part, to have a film in Cinemalaya.

“So, thankful ako na hindi ako pinabayaan ng Diyos na binigay Niya sa akin ‘to. And I think, ito talaga yung project na para sa akin.

“Napakabait po ng mga director, staff, crew. And bilang actor kasi, kapag naging part ka ng Cinemalaya it’s a big deal, e. Parang ibig sabihin, sine-seryoso mo talaga yung craft mo, ang passion mo.

Continue reading below ↓

“No offense naman sa TV, magkaiba naman lahat yun, e. Pero kung gusto mo talaga mag-explore sa craft, you want to take on different roles, Cinemalaya talaga.”

Okay lang ba sa kanya na dumaan sa audition for a role?

“Actually, ayoko pong magkaroon ng, I guess, laki ng ulo? Na, ayokong ma-take for granted. Kasi, kumbaga, sa ibang bansa naman lahat ng artista naga-audition. Regardless kung sikat ka o hindi.

“So, gusto kong i-train yung sarili ko na mag-audition. Para maramdaman ko na para sa akin talaga ‘to.

“Saka, on my end naman, may feeling lang ako na, well, may kanya-kanya naman tayong impression kapag nakita ninyo ako sa labas, ganito si Enzo.

“So, siyempre iisipin ng mga ibang directors and producers, 'Baka hindi kaya ni Enzo ‘yan, kasi nakilala ko siya na ganito siya.' Kaya gusto kong mag-audition para mapatunayan ko sa inyo na kaya ko yung role. Kasi minsan iba yung image mo sa role, e.

Continue reading below ↓

“So, yun yung nangyayari kadalasan. Kaya gusto kong mabasag yung impression na yun. Kaya nag-audition talaga ako.”

Sa tingin ba niya magma-marka rin siya sa role na gagampanan niya sa Malamaya gaya sa unang Cinemalaya entry niya na Sundalong Kanin?

“Siguro ano, may ipipinta ako sa utak ninyo, utak ng moviegoers pagkatapos ng pelikulang ‘to. Hahaha! Maibabaon ninyo sa pagtulog gaya ng mga bagay, mga lesson.”

Ano ba ang role niya sa Malamaya?

“Ang role ko rito ay si Migs. Isa po akong hobbyist na photographer. Gusto ko talagang maging artist. Pero yung pamilya ko ipinasok ako sa isang kurso para kumita lang ng malaking pera. So, yung pagiging artist ko na side ay naudlot dahil sa gusto ng mga magulang ko, sa pagiging praktikal nila.

“Tapos nakilala ko si Nora, si Miss Sunshine Cruz, na matagal na matagal ko nang crush nung bata pa ako. Nagkataon, I guess, fate na nagkakilala kami. Then, we were able to start a romantic relationship.

Continue reading below ↓

“Romantic relationship and at the same time parang student-mentor. Kasi si Miss Sunshine dito, isang passé, na sikat na artist.

Mayroong May-December affair ba ang kwento ng movie nila ni Sunshine?

“May-December affair pero nagpo-focus po 'to, kumbaga, yung relationship po namin parang bonus na lang yun, e. Pero ito talagang pelikula is to support yung local artists natin, especially yung UP Diliman, yung iba-iba pang schools of art para ma-promote namin sila.”

Aware ba siya na may mga sexy and love scenes siya na gagawin bago niya tinanggap ang project?

“Alam ko naman po. Saka yung mga gusto kong i-audition parang ganoon din, e. Kailangan kong magpakita ng skin. And ah, ready po ako actually.”

Hanggang saan ang kaya niyang ipakita onscreen?

“Uh, yun pong kailangan sa pelikula,” ngiti ni Enzo.

“Frontal? Yung frontal kasi very delicate.

“Parang hindi naman, hindi ko siya gagawin kung walang purpose. Kasi parang magiging porn lang tingnan, e.

Continue reading below ↓

“Unlike in this film, there’s a purpose kung bakit kami ganito, kung bakit namin ginagawa ‘to. So, there’s a bigger reason why. That’s why siguro mas willing ako to explore yung character ko or bilang actor and, kasama ko si Miss Sunshine na mahusay. Hindi na ako nag-doubt kasi maganda yung material.”

Nakunan na ba yung love scenes nila ni Sunshine?

“Marami na ang nakunan. Actually, mga tatlo, and a few na hindi pa nakukunan,” tugon ni Enzo.

“Yung kanina na kinunan na love scene namin.

“Hindi naman yun ang pinaka-matindi. Kumbaga, eto yung pinaka-intimate.

“Siyempre, pag sa relationship, una, more on sensual. Next, I guess, lust. Tapos kapag tumagal nagiging romantic, passionate.”

Kamusta naman ka-eksena si Sunshine especially sa love scenes nila?

“Uh, wala akong masabi, e. Very professional din kasi si Miss Shine. Very open. And siyempre ako bilang baguhang artista, marami akong natutunan sa kanya.

Continue reading below ↓

“At the same time, hindi siya madamot. Kapag kailangan ko ng tulong sa mga eksena, nandiyan siya palagi para sa akin.

“Saka, sa totoo lang, kaming dalawa lang po, and, of course, Raymond Bagatsing, ang magka-eksena. So, kailangan talaga ma-develop ang chemistry and rapport.

“Nung una nakaka-kaba. Siyempre, Miss Sunshine Cruz, e. Pero sa kaloob-looban ko inisip ko kung, ‘Bakit ko ba ginagawa ‘to?’ Passion and ano ba yung mga reason ko for doing this?

“So, yun yung nagbibigay lakas loob sa akin. My family, sa mga fans at sa lahat ng mga taong umaasa rin sa akin. So, ito talaga yung gusto ko, e.

"Minsan nakakatakot isipin kasi, parang ayaw mong magkamali? Or, ‘Kaya ko ba ‘tong risk na ‘to?’

“Pero kung gusto mo talaga ang trabaho na ‘to, you must take the next level, e, all the time. Na, ayaw kong mahiwalay. Ayokong maging kagaya nung mga... I mean most...

Continue reading below ↓

"I want to venture out and explore my options as an actor. Kumbaga, umabot naman ako sa pagpapa-cute.

“So, parang what’s next? Kasi kung, ang sinasabi ko sa sarili ko, kailangan willing ako to do interesting films and roles.”

Mas nadalian ba siyang gawin ang love scene with a seasoned actress gaya ni Sunshine?

“May pressure, kasi siyempre mas, experienced si Miss Sunshine. Mas knowledgable. So ako, kailangan kong lumevel sa energy niya. Or I have to have that inner confidence na kaya kong makipagsabayan sa kanya. Kasi kung hindi, maiiwan ako, makakain lang ako. Maiiwan lang ako sa eksena or magmu-mukhang dry.

“Of course, sa eksenang ‘to, kailangan din talagang maniwala ni Miss Shine na magustuhan niya ako. So, extra effort ako sa sarili ko to build that confidence and I guess, being carefree, freedom. Willing ako to show a big part of myself.

Continue reading below ↓

“Kasi sa mga eksena nagme-make love kami, it takes a lot of your energy. Kasi parang naramdaman ko kanina nga, parang feel ko na pinapakita ko na yung buong kaluluwa ko sa film, e, sa camera, sa mga taong nasa paligid.

“So, may mga times na mahuhuli ko yung sarili ko na, ‘Uh, parang naa-awkward ako, ah.’ Kasi parang siyempre habang tumatagal, hindi siya biro. Matagal. Matagal yung eksena.

“Pero hindi naman matagal yung eksena. Marami lang ang anggulo, maraming blocking, acting.

“Kailangan kasi ipakita yun na very intimate, e. At siyempre, kailangan kong magpakita ng skin. Nakakapagod din yung nagwo-workout ako consistently kasi I have to be my best self ‘pag nandon ako sa screen.”

Kabilang rin ba sa mga goals niya ang manalo ng award sa Cinemalaya?

“Siguro, maiksi lang naman ang buhay. So, kung mangangarap ka naman might as well go for the biggest one. So, hoping ako na manalo.

Continue reading below ↓

“So, hoping ako na manalo. It would mean a lot to me kasi ang tagal ko nang gustong, I guess, I dunno know? To have a recognition or to establish myself as an actor.

“So, that’s why I’m doing these types of roles because I want to prove to myself first and also to other people, I’m an actor. So, kaya ko ‘to.”

Never pa ba siyang nanalo ng award?

“Hindi pa po, e. Pero probably this year, sana," dasal ni Enzo.

“One of the roles na gusto ko na tipong out-of-the-box for me, eto na yun. Siguro ito yung gateway na parang, ‘Ah, si Enzo pala willing mag-ganito. Kaya pala niya ‘to.’

“So, hoping ako. Hoping din ako.

“I mean, bonus na lang sa akin actually kung manalo ng award. Kasi hindi naman dapat nag-e-expect. Ang importante sa akin is to do good work. After that maybe I could work with other directors also.”

Continue reading below ↓

Sino ang gusto niyang makatrabaho na award-winning directors?

“Gusto ko makatrabaho si Lav Diaz, of course, si Brillante Mendoza, Erik Matti, si Direk Antonette Jadaone sa mga rom-com.

“Marami, marami pa. marami pang magagaling na director."

Kapag napanood ba ang Malamaya magkakaroon kaya ng ibang pagtingin ang publiko sa kanya?

“Magkakaroon talaga. Hahaha!

“Kasi mapapansin ninyo sa iba’t iba kong characters nagta-transform ako. So, yun ang gusto kong, of course, sa dami ng, thankful ako sa dami ng gagawin ko, yung challenge is ayoko namang makita ninyo na pare-parehas ako doon.

“So, yun naman ang challenge.

“Sexy dramatic actor? Why not?

“Ano kaya ang mangyayari sa akin pagkatapos ng pelikulang ‘to? Hahaha!”

Pang-ilang movie na niya ang Malamaya for this year?

“Ito po ay bale pangatlong pelikula ko na this year.

“Hindi, actually, pang-apat. Kasi nung February, lumabas po yung Time and Again. So, eto, pangatlo ko po. Tapos meron pa akong isa for Cinema One Originals.

Continue reading below ↓

“Uh, probably around July po ang start ng shooting namin. Tapos may teleserye pa ako.

“I feel blessed kasi ang daming blessings ang dumating sa akin this year. Pero kasi, it took a long time din.

“Kumbaga, last year, for the past few years, naramdaman ko na I feel, siguro I could have done more sa career ko. Siguro probably hindi pa ako mature. Kailangan ko pang ma-experince ang buhay bago ko talaga malaman o bago maging dedicated talaga ako sa trabaho. So, last year, dinededicate ko talaga sa personal growth ko.

“Kumbaga, gusto ko gamtiin lahat ng oras ko sa passion ko which is acting, and sobrang thankful ako na bigalang sunud-sunod ang trabaho na hindi ko siya in-expect.”

Ano na ang nangayari sa movie nila ni Beauty Gonzalez titled Hipnotismo under BG Films na ididirek ni Joey Romero?

“Hindi pa. Hindi pa. So, may isa pa. Lima pa pala. Hahaha!

Continue reading below ↓

“Busy pa kami ni Beauty. Hindi pa nagtatagpo yung schedule. Pero kasi ano yun, e, magtra-travel kami sa Visayas area. Basta doon sa area na yun. Hindi pa po nagsisimula.

“Next month yung for Cinema One Originals ang isu-shoot ko. Kasama po ako sa pelikulang Euthopia, kay Dustin Celestino. Isa siyang crime-thriller. So, magkiba yun. Siguro by July isu-shoot na namin.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enzo Pineda talks about doing love scenes with Sunshine Cruz for the Cinemalaya 2019 entry Malamaya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results