Sunshine Cruz compares sex scenes then and now

by Julie E. Bonifacio
Jul 3, 2019
Sunshine Cruz shoots love scenes with Enzo Pineda for the Cinemalaya 2019 entry Malamaya (The Color of Gray).
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Bibidang muli si Sunshine Cruz sa kauna-unahan niyang pelikula para sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival, ang Malamaya (The Color of Gray).

Bida rin sa pelikula ang mga young actors na sina Enzo Pineda at Raymond Bagatsing.

“Nakakatuwa, and, of course, for us na mga mommies, nagkakaroon kami ngayon ng chance na mag-shine,” panimula ni Sunshine.

“Nakakatuwa din kasi hindi ko ine-expect na magli-lead pa ako. Kahit nga nanay lang ng mga actor or actresses, it’s a blessing for me.

"E, pagkatapos nagkaroon pa ako ng pagkakataon na magbida sa isang pelikula. Talagang hindi ko ma-imagine ako ulit yung bida. Pipili pa ba ako, di ba?”

Ano ang initial reaction ni Sunshine when this project was offered to her?

“Ah, unang-una, to be a part of Cinemalaya is something new and different for me kasi, it’s my first Cinemalaya project.

“Nalaman ko na for Cinemalaya ito kaya ko tinanggap. Kasi I’ve heard a lot of good things about Cinemalaya.

Continue reading below ↓

"Noon pa nga iniisip ko, ‘Bakit kaya wala pang nag-o-offer sa amin to do a Cinemalaya movie?’

“So, when my manager Arnold Vegafria called me and said, ‘Oh, you have a movie for Cinemalaya,’ hindi ko pa nakukuha yung script that time, I already said yes.

“Nung nakita ko yung script, hindi ko pa binasa agad. Ang galing, di ba? Kasi busy din ako, e. Meron din akong ibang commitment.

“So, nung nag-script reading kami with the directors, doon ko na-meet sina Raymond and Enzo.

"Doon sinabi sa akin ni Direk [Leilani Chavez] sa akin na, ‘I’ll be needing you to do this, that. May love scene. May ganito. Kailangan mong makita yung ganyan.’

“Uhm. So, siyempre, I’ve been doing it before, di ba? Sexy star ako before, nung dalaga ako. Uhm, pero iba kasi kapag meron ka ng tatlong dalagang anak.

Continue reading below ↓

"Ang sinabi ko lang naman sa mga direktor, kay Direk Leilani at saka kay Direk Nica [Danica Sta. Lucia], ‘I trust you. Mga babae rin kayo. So, I know that you will protect me and take care of me.’

“Yun lang ang sinabi ko. Hindi na ako yung bawal na ako mag-ganito. Bawal ako mag-ganayn. Hindi ako pwede mag-ganyan-ganyan. Wala na.

“The mere fact that your directors are all women, alam ko naman na, saka art film naman ‘to, e. Cinemalaya ‘to.”

Na-excite ba siya nung nabasa niya yung script?

“Na-excite ako,” tuwang-tuwa na pahayag ni Sunshine.

“More than anything, kasi nga, before even reading the script, bago kami nag-script reading, sinabi na sa akin nung direktor kung ano yung mga kailangan kong gawin.

"So, nung sinabi ko sa kanila na I trust you, dahil mga babae rin po kayo, alam kong aalagaan ninyo ako, tapos na yung topic.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, naka-move on na. Move forward na. Ninamnam ko na ‘tong script.

"So, eto na. Aarte pa ba ako?”

SUNSHINE ON LOVE SCENES WITH ENZO PINEDA

Isang masungit na middle-aged woman na palaos na bilang artist ang karacter ni Sunshine sa Malamaya na si Nora Simeon.

Si Enzo naman ay si Migs, isang photographer na magpapabago sa kanyang buhay.

Nakunan na raw ang ilang love scenes nila ni Enzo sa movie. Ano yung pumapasok sa isip ni Sunshine habang ginagawa niya ang mga love scenes?

Sabi niya, “Wala. Kaba? Siyempre, parang ang tagal ko nang hindi ginagawa yan, di ba?

"Hindi naman na ako nag-adjust kasi nandoon na yun, e.

“Kumbaga, kapag nandoon na talaga yun, hindi ko na iniisip yung, ‘Naku, ginagawa ko na naman eto.’

"When you accepted the role dapat wala ng inhibitions. You do what you have to do.

Continue reading below ↓

”Sabi ko nga kay Enzo nung ginagawa namin, ‘Galingan na natin para hindi na mag-take one, mag-take two, di ba? Mas mahirap for us, di ba, yung ganoon.”

Ayon pa sa aktres, "E, kasi naman si Enzo, professional naman yung bata.

"Kahit ano sabihin ninyo na bata pa lang yan or baguhan pa lang siya na artista, he’s a gentleman.

“Unang-una, para kaming magkaka-kapamilya na kasi iisa lang naman ang manager namin, si Arnold Vegafria.

"And ever since kapag nakikita ko si Enzo, kahit hindi ko pa siya nakaka-trabaho, he’s always been nice. Mabait 'yang batang yan."

Totoo ba na hinayaan siya ni Enzo na mag-“manipulate” sa love scenes nila sa movie?

Paliwanag ni Sunshine, “Kasi ang role ko rito ako yung dominant. Nasa ilalim siya, nasa ibabaw ako.

"Kumbaga, ganun yung role. Ako yung mas matanda and at the same time, ako yung dominante talaga.

Continue reading below ↓

“I call the shots. So, yun ang role ko rito talaga. Kasi si Nora Simeon, ano siya, e, hindi siya focus sa love. Artist siya.

"Meron siyang, kumbaga, meron siyang Raymond Bagatsing na pang-s-e-x lang. ganun lang pero walang pagmamahal. Though, siya mahal naman nu’ng guy.

“Si Enzo, siya yung bumuhay ulit sa pagkaka-babae ko, e. Parang when I met him, buhay ako. Ganun ang naramdaman ko sa kanya, kasi nga bata.”

Nung nalaman niya na mas bata ang ka-love scene niya, nag-hesitate ba siya?

“Malayo rin naman ang age gap namin ni Enzo. I’m 42, he’s 28.

“Okay naman. Sumusunod naman siya sa direktor. Kasi before mag-take may rehearsal. So, sa rehearsal sasabihin, ‘O, you kiss her here, there.

“Pareho lang naman. Wala namang difference kasi kung ano lang yung iniutos ng direktor, sinasabi sa amin yun ng sinusunod. Kasi kapag hindi sinunod, e, iba na yun.”

Continue reading below ↓

COMPARING LOVE SCENES THEN AND NOW

May kaibahan ba yung pag-execute ng love scenes na ginawa niya noon and this time, yung sa kanila ni Enzo sa Malamaya?

Ani Sunshine, “Tapos na yun, e. Tapos na tayo sa ganoong level. Iba ngayon. Pero sabi ko nga kanina when I was asked, ano ang difference from before sa ngayon?

“Sa totoo lang, I could say na ngayon mas sensual, mas sexy pa, kahit hindi na kita lahat-lahat.

“Unlike before, kita talaga ang boobs. Kita talaga pati nipple and everything. Oo, ganoon. Pero ngayon, nandoon yung tatakbo yung imahenasyon ng mga tao.

"Though, I could say na marami rin talagang skin ang nakita rito, marami rin talaga, especially si Enzo.

"May mga bagay hindi pa nakikita especially kay Enzo na hindi pa nakita. Merong nakita sa kanya. Hahaha!

“When it comes to me, of course, e, hindi ko naman maitatanggi ’yan na I did sexy movies before. Pero I was given a chance again na makabalik.

Continue reading below ↓

"At ngayon naman kahit papano mapakita ko na hindi lang naman pagpapa-sexy lang ang kaya kong gawin.”

Wala ba siyang ipapa-edit just in case may mga eksena sa movie na di niya nagustuhan ang execution?

“I just told Arnold na I just hope na yung mga stills or rushes ay hindi ma-release like what happened to Dukot Queen, oo."

Noong 2002, sinimulan ni Sunshine ang sexy film na Dukot Queen ngunit hindi niya ito tinapos.

Nagulat ang aktres nang malaman niya na ang unedited love scenes niya ay nanakaw at kinalat bilang pirated DVDs sa black market.

Pag-amin ni Sunshine, “Sabi ko, kasi, it was really traumatizing on my part na parang lumabas porn yung Dukot Queen wherein it’s just rushes lang naman talaga yun, e, ng film, ng love scene namin.

“So, yun yug tinext ko agad kay Arnold Vegafria na, ‘I hope you guys will protect me. I just don’t want na makuha or manakaw na naman yung eksena or pictures.

Continue reading below ↓

"Tapos lumabas na naman na parang kung ano na naman. Sabi ko, please protect me. And they said naman, yes. So, I trust them. With them, okay naman ang production team.

“Kaya nga kanina, may mga delicate scenes din pinapapalabas nila kung sino yung mga taong hindi pwede and, of course, sinasabihan nila, ‘Huwag kayong kukuha ng picture.'

“Kasi yan yung nangyari sa Dukot Queen. Ninakaw yung negatibo, apparently. Binenta. Ginawang pirated DVD.

“So, I just don’t want that to happen. And I don’t think I deserve that now. Kasi kapag may nangyayaring ganyan, naku! Maiinis ako. Hahaha!

“Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin, di ba?”

SUNSHINE'S DAUGHTERS, BOYFRIEND REACT

Dalaga na nga ang tatlong anak ni Sunshine na sina Angelina, Sam and Chesca.

Maganda naman daw ang kanilang reaction sa love scenes nila ni Enzo.

Continue reading below ↓

“Alam naman nila, e. I told them about my role. Very open ako sa kanila when it comes to my work and my role, my job. Gustung-gusto nga nila.

“Nung makita nila yung teaser, [sabi nila], ‘It’s so artsy. It’s so indie. We like it Mom. We’re going to watch it,’ ganyan sila."

Ipapanood din ba niya sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay ang Malamaya?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Sunshine.

Kuwento niya, “Nung pinost ko yung poster, ayan, mga nagko-comment na, ah, pati nga si Macky nakiki-comment. Hayan, ‘Wow! I cannot.’ Yung anak ko, ‘I wanna watch.’

“Si Macky, ‘Proud of you.’ Alam naman niya. Papanoorin namin.

"Pero sabi ko nga sa kanya, ‘Maybe, kung kunwari, merong screening for the media, for the press and for other people, I think it’s not advisable for you to be there.’

“Kasi sabi ko, ‘Imbes na ma-appreciate yung merit ng movie, baka yung maging reaction mo ang pagpyestahan ng ibang tao, which is also not fair for the movie.’

Continue reading below ↓

“So I explained that to him and he understood. Kasi sa edad naman naming ‘to, chill na lang kami.

"Yung relax na lang na parang ang dami na naming pinagdaanan sa buhay. And we are loyal to each other. We are faithful. We trust each other.”

ON BEING SINGLE AGAIN

Two years and nine months na ang relasyon nila ni Macky, ayon kay Sunshine.

Hindi pa ba nila napapagusapan ang tungkol sa kasal?

“Wala, wala kaming pinaguusapan. I’m enjoying my life now. Alam din naman niya yun.

“No, not now,” diin pa ni Sunshine. We don’t talk about it and I don’t nat to talk about it for now.

"I’m just focus on work right now. Work and kids. I’m enjoying my life with my kids.

“Nandiyan naman siya. We’re there for each other. That’s what’s important. Yun na muna.

Continue reading below ↓

"Inspirasyon namin ang isa’t isa na maging better versions kami of ourselves. Yun naman ang importante.

“Pero hindi muna kami pumupunta sa ganoon kasi in God’s time. Kung darating, darating.

"But for now, I’m very happy with my life, with my work, with my kids. And personal at trabaho, wala akong mahihiling pa.

“Nakuha ko na yung matagal kong gustong annulment. So, chill-chill, happy-happy, relax-relax na lang. Mag-ipon na lang.”

MALAMAYA SYNOPSIS

Handa na ba si Sunshine sakaling may mag-bash sa sexy scenes nila with Enzo?

Natatawang tugon ng aktres, “What? Does it really make a difference?

“Kahit nga wala na akong ganyan, may mga basher pa rin ang nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin.

"Manhid na tayo sa ganoon. As long as you know, that youre not doing anything and before, it was part of our job.”

Continue reading below ↓

Kamusta ang experience niya working with new directors?

“Mababait. Magagaling, and, wala namang difference when it comes to new or hindi.

"Mahuhusay din sila even they are new directors. They know what they’re doing.

“Saka ang sarap nga ng feeling kasi halos magkaka-edad din kami. Tapos mga babae pa.

"So, after ng mag scene namin, kapag may, ‘Oops, may awkward,’ pupuntahan nila ako tapos magtitinginan kami.

"Wala na kaming sasabihin sa isa’t isa. Tapos tatawa na lang kami nang tatawa. Ganoon ang nangyayari.”

Ang Malamaya ay ang ikalawang pelikula ng producer na si Albert Almendralejo para sa kanyang movie production outfit, ang Spears Film, na nakapasok sa Cinemalaya 2019.

Sina Leilani Chavez and Danica Sta. Lucia ang mga direktor ng Malamaya. Co-producers din ng Malamaya ang ALV Productions at Cine Likha Productions.

Ang isa pang entry ng Spears Film sa Cinemalaya 2019 ay ang Children of the River na pinagbibidahan nina Jay Manalo, Rich Asuncion, at Noel Comia Jr. Ito ay directed by Maricel Cariaga.

Continue reading below ↓

Narito ang synopsis ng Malamaya: A pessimistic uninspired middle-aged artist finds spark with a millennial photographer who leads her on a path of creative and sexual reawakening. At 50, Nora Simeon is beginning to feel...passé. She only has unsatisfactory sex, wrinkles, and opposing views on art and creativity with the younger lot. As she recaptures her prime, she finds spark with Migs, an aspiring photographer who reignited forgotten passions and elicited bursts of inspiration. Besotted with her younger lover, Nora will fail to notice how he invades her space and senses; and eventually, her art and body."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz shoots love scenes with Enzo Pineda for the Cinemalaya 2019 entry Malamaya (The Color of Gray).
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results