Rich Asuncion awed by co-star Noel Comia Jr.'s acting chops

by Rommel Gonzales
Jul 6, 2019
Rich Asuncion (second from left, with Children of the River co-stars Jay Manalo, Noel Comia Jr. and director/scriptwriter Maricel Cariaga) on co-star Noel Comia Jr.'s impressive acting: "Kasi siya, si Noel, yung acting niya, totoong-totoo, e! Nasa galaw niya, yung parang ganun, basta hindi ko ma-explain."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Unang Cinemalaya film ni Rich Asuncion ang Children of the River, ang indie film na pinagbibidahan din nina Jay Manalo, Noel Comia Jr. at Juancho Trivino, sa direksyon ni Maricel Cariaga.

“At pangarap ko pong mag-Cinemalaya,” bulalas ni Rich.

Itinodo ba niya ang nalalaman niya sa pag-arte sa una niyang Cinemalaya movie?

“Oo! Pero hindi ko alam kung swak ba ang ginawa ko, kasi parang hindi ko pa alam yung difference ng pang-teleserye tsaka pang-indie.

“Kasi siya, si Noel, yung acting niya, totoong-totoo, e!

“Nasa galaw niya, yung parang ganun, basta hindi ko ma-explain.

“Hindi ko alam kung swak yung acting ko pero tinry ko naman po yung lahat ng makakaya ko,” pag-amin niya.

ACTING INSPIRATION

Ang pinakamahirap daw na eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Maricel ay isang eksena kunsaan umiyak siya nang umiyak habang may kausap sa telepono.

Ang ginagamit ni Rich na pang-motivate ay ang anak niya.

Continue reading below ↓

Unang beses kasing nawalay ni Rich ng ilang araw sa anak nila ng Philippine Volcanoes national team rugby player na si Benjamin Mudie habang ginagawa niya ang Children of the River.

Lahad niya, “Five days for the first time!

“Dala ko yung unan niya… hindi ko kaya,” at natawa si Rich.

“Ako yung nahirapan na nalayo sa kanya kasi… tsaka breastfeed pa, iba kasi yung bonding ng ganun.”

Six months pa lamang ang anak niyang si Isabella Brie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa Limbaga 77 restaurant (sa Quezon City) noong June 20, sa pocket interview ng indie movie na Children of the River kung saan asawa ng isang sundalo at ina ng isang teenager na may identity crisis ang papel ni Rich.

ADVANTAGES OF BEING A MOM

Ano ang difference ngayong nanay na siya?

Lahad niya, “Ang sarap, sobrang sarap! Pero ang hirap din.

Continue reading below ↓

“Mas masarap kaysa sa mahirap, para sa akin ha? Kasi nae-enjoy ko lahat ng moments with her.”

Nakatulong rin daw ang pagiging ina niya sa tunay nabuhay sa role niya sa Children of the River.

“Mas ramdam ko siyempre yung may anak ako sa istorya, siguro mas nabibigyan ng lalim,” hirit niya.

RELEVANT THEME

Paglalarawan pa ni Rich sa Children of the River, “It’s very heartwarming kasi pelikula siya para sa pamilya.

“Yung mga scenes namin mabigat pero sa dulo, parang heartwarming.

“Mabigat yung mga eksena. Siyempre it’s a war movie din, kasi Marawi siege, ganun.

“Pero feeling ko yung ibibigay ng movie na ito sa viewers, saya!”

Ang Children of the River ay produced ng Spears Films (ni Albert Almendralejo) sa pakikipagtulungan ng Luna Studios at GMA Films.

Ito ay sa panulat at direksyon ni Maricel Cariaga.

Continue reading below ↓

Dalawa ang entry ng Spears Films sa Cinemalaya 2019, ang Children of the River at Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda na co-prod naman ng ALV Films.

Gaganapin ang Cinemalaya Film Festival mula August 2 hanggang August 11, 2019.

GRATEFUL TO WORK WITH FIRST-RATE ACTORS

Bilang Kapuso naman ay napasali si Rich sa GMA drama series na Dahil sa Pag-Ibig.

Na-challenge ba siya na ang asawa at anak niya sa Children of the River, sina Jay at Noel ay parehong mahuhusay na actor?

Mabilis niyang tugon, “Oo naman, dyusko!

“Lagi naman akong natsa-challenge kahit naman sino ang makasama ko na magagaling.

“Iyan, tulad nina Kuya Jay, si Noel.

“Nag-reading kasi kami. Dun pa lang parang, ‘Ay, ang galing nila!’

“Nahiya ako.”

NOT CHOOSY WITH ROLES

Ayos lang daw kay Rich na gumanap bilang ina ng isang fifteen-year old.

Ani Rich, “Oo naman po! Ako naman. never naman akong maarte sa trabaho.

Continue reading below ↓

“Sa trabaho, tinatanggap ko kahit second option ako.

“Tinatanggap ko pa rin kasi trabaho yan.

“Binigay yan sa iyo, blessing yan, 'tapos tuna-try ko yung best ko na ma-deliver.

“Feeling ko, sa akin, hindi ako magaling na artista, ganun, pero I deliver, I think."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rich Asuncion (second from left, with Children of the River co-stars Jay Manalo, Noel Comia Jr. and director/scriptwriter Maricel Cariaga) on co-star Noel Comia Jr.'s impressive acting: "Kasi siya, si Noel, yung acting niya, totoong-totoo, e! Nasa galaw niya, yung parang ganun, basta hindi ko ma-explain."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results