Nora Aunor-starrer Dementia invited for competition in Fantasporto Film Festival in Portugal

Ayon sa baguhang direktor na si Perci Intalan, hindi siya natakot sa Superstar na si Nora Aunor kundi na-intimidate dahil sa malalaking achievements nito pagdating sa paggawa ng pelikula. Pero, gusto daw talaga ni Ate Guy na mai-direk siya ng mga baguhang direktor katulad ni Perci. (To view behind-the-scene photos of Dementia in Batanes,


Ipapalabas na sa September 24 ang horror film na Dementia na pinagbibidahan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Ito ang directorial debut ng dating TV5 executive turned film director na si Perci Intalan.

Bilang isang baguhang director, hindi ba siya natakot na isang Superstar kaagad ang bida sa kanyang unang pelikula?

Kuwento ni Perci sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ako natakot kay Ate Guy pero siyempre na-intimidate na siya of course [ang bida]. Ang dami na niyang nakatrabahong magagaling.

“Pero one thing na kumbaga will put you at ease kung bago kang director, si Ate Guy kasi mahilig talaga siya sa bagong director.

“Gusto niya makatrabaho mga baguhan, mag bagong directors, mga bagong producers kaya nga si Brillante Mendoza (Thy Womb) nung nag-present go kaagad siya.”

Nakausap ng PEP si Direk Perci sa pocket interview niya para sa pelikula kagabi, September 10, sa Savory Restaurant, Greenhills, San Juan.

Anong klase ba siyang director? Siya ba yung imposing type sa kanyang mga artista?

Tugon nito, “Well, una hindi ako yung type na ganun talaga. Kay Ate Guy, hindi ko rin puwedeng gawin yun. Kasi pag-inimpose ko ng inimpose, Nora Aunor 'yan, e.

“Kay Ate Guy, she’s very collaborative, hindi siya yung nagbibigay ng input, e, kundi usually patanong: ‘Direk, ganito ba yung gagawin ko?’

“Ganyan, ganyan. Tapos titingnan niya yung monitor tapos papakiramdaman ko na siya kung happy na siya sa ginagagawa niya.

“There were at least two instances na nag-iba ako completely ng blocking at approach sa eksena kasi alam ko na ito yung maibibigay ni Ate Guy.”

Bukod kay Ate Guy, ano pa ba ang masasabing selling point ng Dementia?

Lahad ni Perci, “What we’ve like to promote to people is yung new approach ng horror. Kasi may mga rules at formula ang Pinoy horror ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo dineadma namin yun. Kadalasan ang mga eksena sa horror natin ay kulay blue, gabi pa rin pero kita mo lahat ng detalye, ito hindi, madilim. Wala kang makikita. Pero mas nakakatakot ‘pag hindi mo makikita ang detalye.”

Masaya namang ibinalita ni Perci na sa darating na February 2015, kasali ang Dementia sa competition category ng 35th Fantasporto International Film Festival sa Portugal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN