Jerome Ponce inks 3-picture contract with Regal Entertainment

by Arniel C. Serato
Jul 13, 2019
ABS-CBN actor Jerome Ponce signed a 3-picture contract with Regal Entertainment on July 11, 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato

Certified Regal Baby na ang ABS-CBN actor na si Jerome Ponce, 24.

Kahapon, July 11, pumirma siya ng 3-picture contract (at masusundan pa naman daw) si Jerome sa Regal Entertainment ni Mother Lily at Roselle Monteverde.

Kasama niya ang manager na si Avel Bacudio. Dumalo din si contract signing si Direk Joey Reyes.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jerome sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), masaya siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng film outfit.

Kuwento ng Kapamilya actor, “Happy. Lahat naman sasabihin ng tao na happy.

“Well, ito sabi ko, ‘I’m really happy, hindi dahil sa insured or ano but alam mo yun may taong nagtitiwala at ipinakitang ito nagtitiwala ako sa iyo more than today kasi, time, taon, yun ang pagtitiwala na ibinigay nila sa akin dahil willing silang nagtitiwala sa akin.'”

Halos lahat ng mga artista mula noon hanggang ngayon ay pangarap na maging Regal Baby.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad niya, “Siyempre naman. At okay na okay yung mga binibigay nila sa akin na trabaho.

“So, sino pang hindi gustong masaya, e, gusto mo na nga yung trabahong ibinibigay nila sa iyo, bibigyan ka pa lalo.

“Sobrang saya and excited at the same time kasi may mga roles na naman akong ipu-portray and I hope talaga mas more challenging.”

Continue reading below ↓

Isa sa proyektong ginawa niya para sa Regal ay ang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love, pero hindi pa daw ito kasama sa kontratang pinirmahan niya.

NEW TELESERYE

Bukod sa pelikula, may ginagawang bagong teleserye si Jerome para sa ABS-CBN kunsaan kasama niya sina Gerald Anderson, Yves Flores, Angelo Ilagan, Nash Aguas, Elmo Magalona, Vin Abrenica, at Carlo Aquino.

Titled Take Life, iikot ang istorya nito sa isang batallion ng Scout Rangers ng Army.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “May ginagawa kami ngayong teleserye, military.

"Scout Rangers kami dun kaya hard military soap siya.

“Nag-training kami ng sobrang hirap, mga two weeks.”

Si Matteo Guidicelli naman ay hindi lamang para sa isang serye nag-training bilang Scout Ranger kundi nagpa-enlist pa ito.

Nakikita ba niya ang sarili na susundin ang yapak ng aktor?

Continue reading below ↓

Ani Jerome, “As of now, possible naman pero ang focus muna ay yung work.

"If given a chance willing naman kami, yun ang pagkakita ko sa aming lahat.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actor Jerome Ponce signed a 3-picture contract with Regal Entertainment on July 11, 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results