Dingdong Dantes pays tribute to Eddie Garcia in best-actor speech

by Jerry Olea
Jul 15, 2019
Excerpt from Dingdong Dantes's speech when he won as Best Actor for Eddys 2019: "Pero masaya man ako, e, malungkot din ako dahil hindi po ako nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Ginoong Eddie Garcia."
PHOTO/S: Allan Sancon / @dongdantes Instagram

Bakas sa mukha ni Dingdong Dantes ang kaligayahan nang tanghaling best actor sa third Eddys, nitong Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier, Theater, Quezon City.

Nagwagi ang Kapuso actor dahil sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Sid & Aya: Not A Love Story.

Agad siyang nagpasalamat kay Film Development Council of The Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra sa suporta nito sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Katuwang ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) ang FDCP sa paghahatid ng Eddys (Entertainment Editors’ Choice).

“Sa Eddys, maraming salamat po!” masayang bulalas ng Kapuso Primetime King.

“Para ma-nominate lang po along with these brilliant actors is already very... kumbaga, nakakataba ng puso.

“Pero para maibigay pa po ito ay buhos na talaga.

“Sino bang hindi matutuwa na mabigyan ng ganitong pagkilala? Ahh, lalo na kasama yung magagaling na artista.

"Yung aking matalik na kaibigan, si Paolo Contis, nandoon din.

Continue reading below ↓

“Pero masaya man ako, e, malungkot din ako dahil hindi po ako nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Ginoong Eddie Garcia.

“Pero... sa lahat ng mga nakakatrabaho ko, nakakasalubong ko, nakakasalamuha ko, palagi nilang naikukuwento sa akin kung ano yung magic na nararamdaman nila tuwing kasama nila si G. Eddie Garcia.

“So, hindi ko man na-experience yung tinatawag nga na Eddie Magic, pero dahil sa mga kuwento lang nila, buhay na buhay siya sa akin dahil ang dami kong natututunan sa bawat sinasabi nila tungkol sa kanya.

“And I think, yun ang mga bagay na dapat tularan ng ating bagong henerasyon, mga bagay na dapat kong tularan bilang artista.

“Kasi, ako, I believe I’m still in a process of learning all the time.

“Sa lahat po ng mga nakakatrabaho, andami ko pong natututunan sa kanila. Sa mga icons po na nandito kanina...

Continue reading below ↓

“Kasi po, sa dulo, hindi naman po siguro maaalala kung ilang pelikula ang nagawa... but kung gaano kaganda ang mga relationship na na-build in the process...”

THIS EDDY IS FOR YOU...

Pinasalamatan siyempre ni Dingdong ang director ng Sid & Aya na si Irene Villamor, co-star na si Anne Curtis, at producer na Viva Films.

Unang pinag-alayan ni Dingdong ng kanyang tropeyo si Eddie Garcia.

“This Eddy is for you,” sambit ni Dingdong. “Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon para sa akin para pagbutihin ko pa ang aking trabaho bilang aktor.”

Inialay rin ni Dingdong ang tropeyo sa kanyang pamilya—sa kanyang mga magulang, mga kapatid, lalo na sa kanyang asawang si Marian Rivera, at sa dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy.

Sabi pa ni Dingdong, “Para sa inyo po ito. Hindi ako mapapagod na gawin ang trabaho ko, dahil lahat ng sakripisyong ito ay para sa inyo.

Continue reading below ↓

“At higit sa lahat, sa ating Panginoon, na binigyan Ninyo ako ng pagkakataon na magkuwento through movies.

“Hindi ko po sasayangin ang talentong ito. Mamahalin ko po ang trabaho ko lalo.”

Presented by Cignal TV, mapapanood ang 3rd Eddys sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa Hulyo 21, Linggo nang 9:00 PM.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from Dingdong Dantes's speech when he won as Best Actor for Eddys 2019: "Pero masaya man ako, e, malungkot din ako dahil hindi po ako nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Ginoong Eddie Garcia."
PHOTO/S: Allan Sancon / @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results