Can a JC de Vera-Roxanne Barcelo starrer make it to MMFF 2019?

by Rose Garcia
Jul 23, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia

Love is Love.

Ito ang pelikulang pagtatambalan ng Kapamilya stars na sina Roxanne Barcelo at JC de Vera, sa direksiyon ni GB Sampedro mula sa panulat ni Cely Santiago.

Ayon kay JC, una pa lang na mabasa niya ang script ay nagustuhan na niya ito agad.

“Noong unang in-offer sa akin, hindi ako nagdalawang-isip talaga. Tinanggap ko siya agad and I’m really excited,” sabi ni JC sa storycon ng Love Is Love noong Hulyo 16, Martes, sa Outback restaurant, Eastwood.

Yung kuwento mismo ang nagustuhan niya.

“Bukod dun sa title, yung plot ng story, yung twist, it’s unique, it’s new.”

Hindi rin nagdalawang-isip si Roxanne na tanggapin ang pelikula.

“First time kong gagawin ang role na ito,” saad ni Roxanne.

Kasama sa cast sina Raymond Bagatsing, Marco Alcaraz, Jay Manalo, at Rufa Mae Quinto.

“From being President Quezon, now I’m a transvestite!” natawang sambit ni Raymond, na kasali rin sa Cinemalaya 2019 movie na Malamaya.

Continue reading below ↓

“Pero nagustuhan ko yung role. Taung-tao.

"Kahit na hindi siya totoong tao, nagmamahal siya nang totoo."

Excited si Marco na simulan na nila ang shooting ng pelikula lalo na at unang beses pa lang niyang gaganap ng gay role.

“It’s my first time to do this role and I’m excited to work with Direk and with all the award-winning actors and actresses.

“Na-excite ako sa role, kasi nga, challenging siya at sana, mag-enjoy rin sila,” pahayag ni Marco.

Markado rin ang papel ni Jay.

“Na-challenge ako rito, actually, nagawa ko na ‘to, pero iibahin ko ang atake.

"Kung ano ang sabihin ng director kasi ako naman, palagi akong sumusunod sa director.

“Kapag alam kong nagawa ko na, ako mismo, yung sarili ko ang tsina-challenge ko,” lahad ni Jay, na nasa cast din ng Cinemalaya 2019 entry na Children of the River at PPP 2019 entry na Watch Me Kill.

Continue reading below ↓

Plano ni Direk GB na ihabol ang Love is Love sa 45th Metro Manila Film Festival.

Positibo ba siyang makakapasok ito sa Final 4 ng MMFF 2019?

“Ayokong mag-expect,” pakli ni Direk GB.

“Siguro gagawin lang namin ang lahat ng magagawa namin para mapaganda yung pelikula.

Continue reading below ↓

"And then, kung ano man ang kapuntahan ng pelikula, yun na yun.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results