Michael V, Dawn Zulueta satisfied with the outcome of Family History

by Rose Garcia
Jul 24, 2019
Dawn Zulueta on watching Family History with Michael V: "I was laughing and crying. Hampas ako nang hampas sa kanya!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Masayang-masaya si Michael V sa mga reaksiyon at komento ng mga nanood sa red-carpet premiere ng pelikulang iprinodyus, isinulat, idinirek at pinagbibidahan niya—ang Family History.

Na-achieve daw nilang maranasan ng makakapanood nito ang rollercoaster of emotions.

“Tuwang-tuwa rin ako, yung mga cue na hinahanap namin kung kailan matatawa ang mga tao, kailan maiiyak, nangyari naman,” masayang pahayag ni Michael V sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang premiere screening nitong Hulyo 23, Martes, sa SM Megamall.

Sinigurado ni Michael V na hindi ito ang una at huling pelikula ng MIC Test Entertainment.

“Ako, sinabi ko naman na simula pa lang ito ng journey.

"If we don’t get the support, okay lang, gagawa pa rin tayo ng iba.

"Pero sa nakikita ko, maganda ang reaction, positive naman. Ito ang magiging pondo ko sa paggawa muli."

Drama talaga ang tema ng pelikula, pero ang daming eksena na siguradong magpapatawa sa mga manonood.

Continue reading below ↓

“Hango sa totoong buhay pero pinagsama-samang buhay ng ibang writers, mga kaibigan ko.

"Minsan, kahit sa magulang, humuhugot ako, e," sabi ni Michael V.

DAWN ZULUETA LAUGHS AND CRIES

Satisfied si Dawn Zulueta sa kabuuan ng pelikula nila ni Bitoy.

“Tonight is the first time I watched it. And it’s much more than I expected.

“When I was reading the script, I was already laughing.

"But here, I was laughing and crying. Hampas ako nang hampas sa kanya [Michael V]!” natatawang sabi ni Dawn.

Ibang Dawn Zulueta ang mapapanood sa pelikula. Nagustuhan niyang talaga ang script kaya niya tinanggap.

“I guess, it’s the script talaga,” aniya.

“Noong binasa ko ang script, I said, ‘It’s interesting. I’m curious, how will he pull this off?’ And you did,” direktang papuri niya sa direktor at leading man niya sa movie na katabi nang mga sandaling iyon.

Continue reading below ↓

Maraming artista ang sumuporta at nanood ng premiere night.

Natuwa si Michael V sa pagdating ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Nakangiting sabi niya, “Si Alden, nandito, nagulat ako.

"Dalawang pelikula na magkasunod ang aabangan niyo. Sana po suportahan natin ang mga pelikula.”

Ang tinutukoy ni Bitoy ay ang pelikula ni Alden na Hello, Love, Goodbye na isang linggo lang ang pagitan ng showing sa Family History.

Palabas na ang Family History sa mga sinehan umpisa ngayong Hulyo 24, Miyerkules.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Zulueta on watching Family History with Michael V: "I was laughing and crying. Hampas ako nang hampas sa kanya!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results