Alden Richards confident after Star Cinema bosses previewed his movie with Kathryn Bernardo

by Rose Garcia
Jul 24, 2019
Alden Richards: "With the way the bosses saw it po last night, parang ang dating naman po sa akin is they made the right choice naman po."
PHOTO/S: Noel Orsal

Mataas ang expectations ng karamihan sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

May pressure, lalo pa’t Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

“Siyempre po,” pag-amin ni Alden.

“Medyo risky po ang formula ng movie. Bagong team-up po.

"It’s Kathryn and Alden na coming from love teams na powerful, KathNiel and AlDub as well.

“So, parang sumugal po talaga sila rito, with this project.

"With the way the bosses saw it po last night, parang ang dating naman po sa akin is they made the right choice naman po."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa premiere night ng pelikulang Family History nitong Hulyo 23, Martes, sa SM Megamall.

Noong mediacon ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, na-overwhelm si Alden sa magandang komento sa kanya ng director nila na si Cathy Garcia-Molina.

“Sobra po yun, hindi ko po ini-expect,” saad ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga po, si Direk Cathy, hindi naman yun mag-aaksaya ng panahon na mambola ng tao.

"Hindi niya po kailangan yun. Hindi niya ugali yun.

“Knowing her from my experience while filming the movie, at para po sabihin niya yun sa akin at sa presscon at nang mag-thank you po ako sa kanya right after, sinabi po niya na that’s with all sincerity po.”

ALDEN'S PRAYER

Nang makausap namin ang isa sa cast ng Hello, Love, Goodbye na si Lovely Abella, nabanggit niyang nag-open-up sa kanya si Alden at sinabing ang naturang pelikula ay ipinagdasal ng binata na matuloy.

Na kahit noong nagpunta silang grupo ng Eat Bulaga! sa Holy Land, ang matuloy siyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema ang ipinanalangin ng aktor.

“Opo naman, opo naman,” pagngiti ni Alden.

“It’s really a big opportunity for me.

Continue reading below ↓

"It’s an expansion as an actor to work beyond the walls po of my home network.

“At nakakatuwa rin po that GMA gave me the chance and pinayagan po nila ako to work with Star Cinema, and sobra po akong happy sa desisyon na yun at sa permission na binigay nila sa akin.”

Excited na si Alden sa susunod niyang gagawin pagkatapos ng Hello, Love, Goodbye—isang bagong teleserye sa Kapuso network.

“Naku, soap opera po, malapit na. Tuloy na po,” nakangiting pahayag niya.

Palabas na ngayong Hulyo 24, Miyerkules, ang Family History na iprinodyus ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment. Bida rito sina Michael V. at Dawn Zulueta. Graded B ito ng CEB.

Sa susunod na Miyerkules, Hulyo 31, naman itatanghal ang Hello, Love, Goodbye na iprinodyus ng Star Cinema.

“Sana po ay tangkilikin ng lahat ang mga Filipino movies po,” sambit ni Alden.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards: "With the way the bosses saw it po last night, parang ang dating naman po sa akin is they made the right choice naman po."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results