Nora Aunor happy with leading men Phillip Salvador, Michael de Mesa

by Melba R. Llanera
Jul 31, 2019
Superstar Nora Aunor will get to work again with former leading man Phillip Salvador and director Joel Lamangan in the upcoming movie Isa Pang Bahaghari.
PHOTO/S: Jerry Olea / Dennis Evangelista

Ayaw nang palakihin ni Nora Aunor ang pagtanggi nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III sa reunion movie sana nila na Isa Pang Bahaghari.

“Huwag na nating pag-usapan. Basta ako alam ko na mayroon akong leading men, si Kuya Ipe Phillip Salvador at Michael de Mesa, na parehong magagaling na artista,” matatas na lahad ng Superstar.

“Hindi maarte, mababait silang kasama sa pelikula.

“Patulan? Di na kailangan, di ba?

"Basta sa akin, maganda yung gagawin namin, magagaling ang dalawang kasama ko na sina Michael at si Philip, masaya na ako doon.

“Sa direksiyon pa ni Direk Joel Lamangan, so walang kaproble-problema.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ate Guy sa storycon ng Isa Pang Bahaghari noong Hulyo 28, Linggo, sa Salu restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

REUNION WITH PHILLIP AND DIREK JOEL

Mainit at masaya ang muling pagkikita nina Nora at Philip, na nagkasama sa mga pelikulang Nakaw Na Pag-ibig (1980), Bona (1980), at Tinik Sa Dibdib (1985).

Continue reading below ↓

Ayon sa Superstar, “Natuwa ako, excited ako na nakita ko siya kanina.

"Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, nagkita uli kami kanina.

“Nag-usap nga kami doon sa mga pinagsamahan namin. Nakakatuwa, masarap sa puso."

Masaya rin si Nora dahil magkakatrabaho sila muli ni Direk Joel Lamangan.

Nag-best actress si Ate Guy sa limang pelikulang idinirek siya ni Direk Joel—The Flor Contemplacion Story(1995), Muling Umawit ang Puso (1995), Bakit May Kahapon Pa? (1996), Sidhi (1999), at Hustisya (2014).

“Ay! Sobrang saya ko kaya nga hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ito, sapagkat ang huling ginawa naming pelikula ay Hustisya at matagal na rin noong gawin namin.

“Excited ako dahil marami sa mga pelikulang ginawa ko sa kanya, nanalo akong Best Actress."

Gaganap bilang isang PWD (person with disability) si Ate Guy sa Isa Pang Bahaghari.

Gagamit siya ng saklay sa halos lahat ng eksena.

Kampante ang Superstar na hindi siya pababayaan ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

“Medyo napag-aaralan naman lahat iyon.

"Kapag si Direk Joel ang direktor, alam kong mahal ako, pero puwede ko naman siyang tanungin kung ano ang tama para sa gagawin kong character.

“Hindi naman siguro mahihirapan.”

Nasa cast din ng Isa Pang Bahaghari sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, Albie Casiño, Maris Racal, Migs Almendras, Fanny Serrano, Xixi Maturan, Jim Pebanco, Angela Cortez, Lloyd Samartino, Hero Bautista, Shido Roxas, Tabs Sumulong, at Marie Preizer.

Kukunan ang karamihan ng mga eksena sa Noveleta, Cavite.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor will get to work again with former leading man Phillip Salvador and director Joel Lamangan in the upcoming movie Isa Pang Bahaghari.
PHOTO/S: Jerry Olea / Dennis Evangelista
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results