Tony Labrusca on movie with Vice Ganda: "Alam kong ini-expect ang mala Glorious na scene dito..."

IMAGE Allan Sancon


 

Pagkatapos gumawa ng ingay para sa torrid kissing scene niya sa Glorious, makikita si Tony Labrusca sa kanyang first Metro Manila Film Festival 2019 entry. 

Sinabi ni Tony tungkol sa kanyang upcoming movie with Vice Ganda: "Alam kong ini-expect ng mga tao ang mala Glorious na scene dito, ready ako sa mga ganun."  

Nakausap ng media si Tony sa finale press con ng Sino Ang Maysala? Mea Culpa na ginanap noong July 31, 2019 sa Quezon City. 

Kasama ni Tony ang ibang cast members na sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Sandino Martin, Kit Thompson, at Ketchup Eusebio.

Proud na ini-announce ni Tony na kasali siya sa MMFF 2019 entry nina Vice Ganda at Anne Curtis na may working title na Momalland.

Tony: “I am Vice Ganda’s leading man dito sa movie.

“Hindi ako makapaniwala. I’m honored to work with all the cast members ng movie na ito, so, I’m super happy and super excited to work with Mama Vice and Ate Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako and excited to work with Mama Vice kasi Vice Ganda yan, e, kaya excited ako.”

Ano ang reaction niya na sunod-sunod ang mga projects na dumarating sa kanya ngayong 2019?

Tony: “I always tell people when they ask kung bakit marami akong project, sabi ko, you know what, sometimes, it's just your time.

“Speaking of Vice Ganda, when I started in showbiz, sabi niya, sometimes it’s perfect timing, right place, right time. Just be ready when it’s your turn. Kung para sa 'yo, para sa 'yo talaga.”

Dahil leading man ka ni Vice Ganda dito, are you willing to do kissing scenes or love scenes with Vice Ganda?

Tony: “Oh my gosh! (sabay tawa) You know what…Mama Vice I think is looking out for my best interest as well. I think she’s out there to take care of me. I don’t think she’s gona make me do anything that I’m personally uncomfortable with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think this is a sensitive subject or scene, so pag-uusapan muna namin yun ni Mama Vice, who as we all know, ay ang pinaka-mabait at openminded na tao sa showbiz.”

So, hindi siya kumportable to do a kissing scene with Vice Ganda kung sakali?

Tony: “Hindi naman sa ganun! Bakit ba kailangan ng kissing scene? Yun ang ibig kong sabihin. Hindi ko pa po nababasa yung script, e. So, hindi ko masasabi sa inyo na, 'Oo, itong movie na ito ay kailangan ay may kissing scene kami ni Vice.' Hindi naman sa ganun for me, kasi I never read the script pa.

“Alam kong ini-expect ng mga tao ang mala Glorious na scene dito, ready ako sa mga ganun. Ready ako na makipag lambingan ako kay Mama Vice.

"Ako excited ako sa mga ganun na eksena, pampakilig sa mga audience, lalo na sa audience ni Ate Vice, dun ako ready and I’m excited for that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does he feel about working with Anne Curtis?

Tony: “I've never worked with Ate Anne but she is also an extremely talented and successful actress like I have said na marami akong matutunan sa dalawang ito, so I’m really excited.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close