Kokoy de Santos wants to follow in the footsteps of Coco Martin

IMAGE Noel Orsal

Kokoy de Santos explains why he opted not to use plaster for his nude scenes in F#*@bois.


Malaki ang transition ni Kokoy de Santos from being a wholesome teen indie actor sa Tumbang Preso at bilang isang sexy actor ngayon sa F#*@bois.

Napanood na rin siya sa Signal Rock at sa isang mabilis na seksing eksena sa Die Beautiful.

Paano siya nakumbinsing magpaseksi sa F#*@bois?

“Unang-una sa lahat, yung materyal, yung script, lahat, yung role 'tsaka siyempre si Direk Eduardo [Roy Jr.].

"Kasi siyempre, tiwala naman ako na kung meron man akong direktor na ibibigay ko ang sarili ko na ganun, si Direk Edong yun.

“Kilala ko na siya, napanood ko na lahat ng movies niya.”

Si Coco Martin, na halos kapangalan ni Kokoy, ay nagsimula rin sa mga mapangahas na indie films tulad ni Kokoy.

“May mga nagsasabi po.”

Kaya natural lamang na hangad din ni Kokoy na maabot ang narating ni Coco.

“Naman, naman, idol yun, sobra!

"Sobrang laking, kumbaga, inspirasyon sa akin si Coco Martin bilang aktor at saka bilang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses nang nakatrabaho ni Kokoy si Coco.

Bukod sa isang endorsement, gumanap pa silang mag-ama sa isang episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

“Anak niya ako sa MMK before. Before pa yun, bata pa ako nun, iyon yung episode na 'Kamao.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kokoy sa mediacon ng F#*@bois nitong Agosto 3, Sabado, sa Karma restobar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Bukod kay Kokoy ay bida rin sa F#*@bois si Royce Cabrera at tampok din sina Ricky Davao at Yayo Aguila, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr.

NO PLASTER NEEDED

Sa F#*@bois ay may mga seksing eksena si Kokoy na totally naked siya at hindi siya gumamit ng plaster bilang takip sa kanyang private part.

“May mga ganung pagkakataon.”

So, kita ang lahat sa kanya?

“Oo, kita ng prod, kita nina Direk,” at natawa si Kokoy.

Bakit tila walang kaso sa kanya na hubo’t hubad siya sa ilang eksena sa kanilang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pag nag-plaster ka, masakit! Alam naman natin na masakit pag nilagyan ng plaster.

"At hindi ka conscious, may mga eksena na makikita yung plaster, uulitin lang yung eksena, mabigat yung eksena.

“So ako, siyempre pag ikaw, wala kang suot, alam mong may kamera, conscious ka sa gagawin mo, so ikaw na mismo, magtatago sa ari mo para…”

Itinatago naman pala niya…

“Oo pero may mga pagkakataon talagang sisilip at sisilip yun.”

Mas okay sa kanya na makitaan kaysa masaktan sa plaster.

“Oo, okay na yun, kasi naramdaman ko na!” at muling tumawa si Kokoy.

Kaya may makikita ba sa kanya, may masisilip ba sa kanya ang mga manonood ng pelikula?

“May makikita sa akin? Gusto niyo ba na may makita?” at muling tumawa si Kokoy.

“Puwede, puwede.”

So, meron?

“Naman! Bakit hindi?”

Mapapanood ng parents niya ang pelikula niya.

“Actually, nung binabasa ko pa lang yung script, alam na nila yung mga mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, tinanong nila ako kung kaya ko ba, ‘Oo, bakit hindi?’ Di ba?"

Mapapanood ang F#*@bois sa Cinemalaya International Independent Film Festival sa CCP mula August 3-11 at sa mga Ayala malls at Vista cinemas mula August 7 hanggang 13.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close