Mylene Dizon reveals boyfriend Jason Webb encouraged her to accept daring project

by Julie E. Bonifacio
Aug 16, 2019
Mylene Dizon told her boyfriend, Jason Webb, about her love scenes in the Cinemalaya 2019 entry Belle Douleur.
PHOTO/S: Noel Orsal

Bukas na si Mylene Dizon na pag-usapan ang relasyon nila ng boyfriend niya na si Jason Webb. Six years na silang magkarelasyon at pareho silang may mga anak sa dati nilang mga partner.

“Yeah, but you know I’m not naman a person who likes to talk about it, to be quite frank about it, and that’s it. I just have a relationship,” lahad ni Mylene.

May plano ba silang magpakasal?

“No, no,” sabay iling niya. “No, I don’t want to.”

Mas click ba sila as live in partners?

“Click?! Hahaha! I don’t know if that’s the one that makes us work. But for me, why rock the boat when everything is great?”

Hindi ba siya naniniwala sa kasal?

“For myself. Not for other people, but just for me,” diin ni Mylene.

May anak na ba sila ni Jason?

“I have my two sons and Jason has his own family.”

Pero gusto ba nila ni Jason na magkaroon ng sarili nilang anak?

Continue reading below ↓

“Ang tanda ko na, ‘day! Matanda na ako. Pwede ba, ayoko nang maghabol ng mga bata! Utang na loob!”

Okay lang ba sa kanila ni Jason na wala na silang anak na galing sa kanila pareho?

“Oo, I think, the house is full. We don’t need, we’re fine. And if we part our ways, oh my God!

“Oh, my gosh! Hindi ko kayang isipin."

MYLENE ON DOING LOVE SCENES FOR BELLE DOULEUR

Nakausap namin si Mylene sa press conference ng Belle Douleur na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Building, ABS-CBN compound kamakailan.

Ang Belle Douleur ay directed by Atty. Joji Alonzo para sa kanyang film outfit, Quantum Films, at ng iWant.

Kabilang ang Belle Douleur sa sampung official entries ng 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Mayroon itong commercial run sa mga sinehan na nagsimula noong August 14.

Ayon kay Atty. Joji, si Mylene ang kanyang only choice to portray Elizabeth, ang lead character sa Belle Douleur.

Continue reading below ↓

Ano ang pakiramdam na sa dami ng artista, siya lang ang napili at gustong gumanap ni Atty. Joji bilang bidang babae ng kanyang kauna-unahang pelikula bilang direktor?

Ani Mylene, “Of course, it’s flattering, siyempre. Always flattering when you get offered to do a film. Whether you’re the second, third choice, basta nandoon ka sa listahan ng choices, it’s always flattering.

“All the more when they tell you that you are the only choice. At wala kang kawala. Hahahaha!

“To be honest, in the beginning, I wasn’t sure because of the love scenes. I wasn’t sure if I was up to it.

“But I spoke to my partner, Jason, and he kind of encouraged me to accept the project. When we were still shooting the film I wasn’t sure. Because I wasn’t sure of how is it going to be.

“We’re talking about big-time love scenes that I’ve never done before. And this type, this caliber.

Continue reading below ↓

“It was scary.

“The whole trip, the whole journey of this, from the time that it was offered to me up to we were shooting it, up to last Saturday’s gala, it was scary. It was nerve wracking. Ang sakit-sakit ng batok ko the whole time.”

Ang Belle Douleur na ba ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya?

“Oo, eto na yun. Parang pagkatapos nito, uwi na ako. Ayoko na.

"Eto, intense ‘to. Said hanggang buto.”

Bakit niya tinanggap ang project knowing na di siya kumportable sa paggawa ng love scene sa pelikula? Si Kit Thompson ang naka-love scene ni Mylene para sa Belle Douleur.

“Oo, ang hirap kasi talaga, e. Even kasi when I did 100, nandoon naman yung, one scene me and TJ [Trinidad] that was not even anything close to what I did in this one.

“Uhm, this is also one of the things I told Jason after I saw the film.

Continue reading below ↓

“She [Atty. Joji] said she has a dream and somebody needs to fulfill it. And she’s not going to take ‘no’ for an answer. And I said, if I’m going to do that one thing na lang, one big thing, let this be it, before I turn into a farmer, to some sort. Hahaha!

“Uhm, yes, I wanted to contribute in realizing her dream.”

What if may mag-insist din na ibang filmmaker na kunin siya for a movie at kailangan din ng love scene, tatanggapin ba niya?

“Parang hindi ko nakakayanin. Parang wala na akong ibibigay. Naibigay ko na lahat dito.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mylene Dizon told her boyfriend, Jason Webb, about her love scenes in the Cinemalaya 2019 entry Belle Douleur.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results