Super Tekla denies rift with Kiko En Lala director Adolf Alix Jr.

Super Tekla explains delay of Kiko En Lala showing.
by Rommel Gonzales
Sep 17, 2019
Super Tekla on delay of the showing of his launching movie, Kiko En Lala: "Kumbaga, yung mga medyo laylay moments, pinolish, pinalakas, pinataasan. Para gumanda yung finished product.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sa wakas ay ipalalabas na sa mga sinehan ang Kiko En Lala, ang launching movie ng Kapuso comedian na si Super Tekla.

Originally ay noong nakaraang Mayo ipalalabas ang pelikulang ito na idinirek ni Adolf Alix Jr. para sa Backyard Productions.

Sa mga trailer nga sa mga sinehan ng naturang pelikula ay may voiceover pa si Super Tekla na “ngayong May na.”

Pero nalipat ang playdate nito sa September 25.

Pahayag ni Super Tekla tungkol dito, “Oo nga, e! Naku, eto na.

“Kasi na-delay, pinu-polish namin yung pelikula. Kumbaga, pinapaganda.

“Kumbaga, yung mga medyo laylay moments, pinolish, pinalakas, pinataasan.

“Para gumanda yung finished product.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla sa pocket interview niya sa GMA Network Center noong September 12, Huwebes.

NO ISSUE WITH DIREK ADOLF ALIX JR.

Itinanggi naman ni Super Tekla na may sama siya ng loob sa direktor niyang si Adolf Alix Jr. dahil sa pagkaka-delay ng showing ng pelikula nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, hindi! Kasi siyempre, wala naman akong karapatang sumama ang loob.

“Kasi naghahabol kami ng sa editing, siyempre ayaw naman namin na madaliin ang movie namin, na half-baked siya.

“Kumbaga, siyempre ipe-present mo ito, e, so kailangan natin ng matino, maayos, presentable, at malinaw yung ano.

“Ang policy kasi ngayon sa ano, pag hindi ka makahabol ng sa ganung date, mag-aantay ka ng two months.

“Pag hindi mo mahabol yun… I think iyon yung policy ng mga sinehan ngayon.

“So, nag-antay kami ng two months.

“So, may chance kami para habulin yung mga dapat i-polish dun sa movie.”

Tiniyak ni Super Tekla na maayos ang relasyon nila ni Direk Adolf.

“We’re okay.”

Hindi sila magkagalit.

“Hindi! Dyusko, araw-araw kaming nagkakasalubong sa ano, kasi magka-unit lang kami, magkapitbahay kami.”

Kasama ni Super Tekla sa Kiko En Lala sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Jo Berry, Kiray Celis, Divine Tetay, at may special participation ni Ai-Ai delas Alas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla on delay of the showing of his launching movie, Kiko En Lala: "Kumbaga, yung mga medyo laylay moments, pinolish, pinalakas, pinataasan. Para gumanda yung finished product.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results